Dalawang linggo na ang nakalipas ng umalis na si doctor marco sa school at bumalik na sa ospital. Hindi na muna ako pumasok ng mga araw na yon dahil ilang araw akong hindi pinapasok ni kuya para makapagpahinga daw muna ako. Pinilit kong hindi malungkot dahil ayokong makita nila kuya at JK, alam kong mag-aalala na naman sila sa'kin. Nabalitaan ko naman kay mary na hinahanap daw ko ni doc marco, hindi naman daw sinabi sa kanya kung bakit.
Napasinghap ako ng bigla akong akbayan ni JK, kasalukuyang malalim ang iniisip ko at mag-isa lang ako dito sa malawak na field at nakaupo. Hindi kasi kami magkapareho ng schedule ni mary sa ibang subject.
"Parang ang lalim ata ng iniisip mo? nakangiting sabi ni JK.
"Iniisip ko kung pano ka magkaka girlfriend kung parati ako ang kasama mo! biro ko sa kanya
"Pag nagkagirlfriend ako kawawa ka naman kasi maa-out of place ka at baka mainggit ka pa sa kasweetan namin, sabay tawa na mapang asar.
"Excuse me hindi noh! bakit kasi ayaw mong magka girlfriend?
"May mahal na iba yung gusto ko" sabay irap naman niya sa'kin napamulagat ako sa narinig ko sa kanya hindi ako makapaniwala na meron pala siyang nagustuhan kaso may iba namang gusto. Bigla naman akong nalungkot. Parang ako lang, gusto ko si doctor marco pero hindi ako gusto. Napakagat labi ako para pigilan ang nagbabadyang luha ko.
"Natahimik ka bigla"? siko niya sa'kin na ikinabigla ko naman.
"Sino yong tangang babae na yon? kung tutuusin nga ang swerte swerte niya sayo eh! Hindi ka lang sobrang gwapo, Sobrang bait mo pa!
"Wow nambola ka pa ha!
"Totoo naman eh!
"Tsss! yaan mo na siya, basta masaya siya masaya na rin ako. Kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata, nasasaktan din ako para sa bestfriend ko. Pareho pala kaming nasasaktan.
"Wag kang mag-alala ayos lang ako"
"Are you sure?
"Oo! basta dito ka lang sa tabi ko magiging maayos na ko,
"sus corny mo! sabay kurot ko sa kanyang tagiliran na ikinangiwi naman niya.
"Mace hindi pala kita maihahatid may kailangan kasi kaming ipasang project deadline na bukas need na namin tapusin.
"Okay lang JK magtataxi na lang ako pauwe"
"Sigurado ka ba? tawagan ko si kuya mazer para sunduin ka"
"Ano ka ba! para naman akong bata niyan na hindi marunong umuwi eh! kunwaring naiinis ako at tinawanan ko naman siya.
"Okay sige basta tawagan mo ko kaagad kapag nakauwi ka na ha??
"Oo na po! nagkatawanan kaming dalawa.
"Naku naman bakit ngayon pa umulan?
wala pa naman akong dalang payong,
reklamo ko habang nagkasilong ako dito sa may waiting shed at naghihintay ng masasakyang taxi. Kanina pa ko nag-aabang pero wala akong masakyan at medyo basa na rin ang suot kong uniporme dahil sa ampiyas at lakas ng hangin. Napapadyak na lang ako sa inis baka abutin pa ko ng siyam siyam kapag hindi pa ko nakasakay. Napansin kong may tumigil na sasakyan sa aking harapan. Parang pamilyar, pero ipinagkibit balikat ko na lang. Maya maya pa ay lumabas ang nakasakay doon, hindi ko makilala kasi natatakpan. yon ng dala niyang payong. Nang nasa tapat ko na ay dun ko lamang siya nasulyapan at nakilala.
"D-doc Marco!? A-ano pong ginagawa niyo d-dito?
"Ako dapat ang magtanong sayo niyan? bakit hindi ka pa umuuwe? Wala ka bang sundo?
"Ah eh, w-wala po eh.. sabay kamot ko sa aking ulo.
"Where's your bestfriend?
"may importante kasi siyang gagawin kaya hindi niya ko mahahatid.
"Sumakay ka na sa kotse"
"p-po!?? gulat kong turan na napakurap kurap pa muna habang nakatitig sa kanya.
"Look at you basang basa ka na, gusto mo bang magkasakit ka ulit? Wala na kong nagawa kundi ang sumakay na sa kanyang kotse. Nasa sasakyan na kami ay bigla niyang pinatay agad ang aircon at may kinuha sa backseat at inabot sa 'kin.
"Here" wear this para hindi ka lamigin, kinuha ko naman ang binigay niyang jacket at sinuot sa katawan ko.
"Thank you" nahihiya kong sabi habang nakatingin pa rin siya sa daan.
"Don ka muna sa condo ko, mahihirapan tayong makadaan sa lugar niya tumataas na din ang tubig papunta sa inyo.
h-hooo?! napasigaw ako sa gulat na siya namang nakakunot na tinignan ako at binalik din ang tingin sa daan.
"pa-pasensya na, baka kasi mag-alala sa'kin si kuya pag hindi ako umuwi eh"
"I'll call him right away when we got home" tumango na lamang ako.
"Pano pala kung hindi ako dumating, e di sa kalsada ka matutulog?
"Ga-ganon na nga siguro, napayuko na lang ako sa hiya at napakagat labi. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga. Nararamdaman kong hindi na naman normal ang t***k ng puso ko, dalawang linggo ko ring hindi naramdaman to simula nung umalis na siya sa school at bumalik na sa ospital. Hindi nagtagal ay nakarating na din kami sa condo niya pinapasok niya ko sa loob at namangha ako ng makita ang kabuuan ng kanyang condo. Malaki ito at malinis may dalawang kwarto din, at sa bandang kaliwa ay ang kanyang kitchen. Naupo muna ko sa sofa at nakita kong may kausap siya sa kanyang cellphone. Pagkatapos niyang makipag-usap ay binalingan niya ko.
"Tinawagan ko na ang kuya mo at sinabi kong kasama kita at hindi ka makakauwi" nanlaki naman ang mata ko sa kanyang narinig.
"A-ano??? at saka pano mo nalaman ang number ng kuya ko? Takang tanong ko sa kanya, nag-iwas naman siya ng tingin at saka tumayo.
"Its not important, ang mahalaga alam niya kung nasan ka". Maya maya'y may nagdoorbell at binuksan niya ito agad. Pagkabalik niya ay may bitbit na itong dalawang paper bags.
"Take this magbihis ka muna saka ipapalaundry ko na din yang uniform mo para may masuot ka bukas.
"Ah hindi na doc marco, uuwi na lang muna ko bukas bago pumasok masyado na atang nakakahiya.
"okay if thats what you want" magbihis ka na ihahanda ko muna yung pagkain natin. Nagtungo na ko sa kanyang banyo at mabilis itong isinara. Hinawakan ko ang aking dibdib na. kanina pa walang tigil sa pagwawala nito. "my gosh kami lang dalawa dito sa condo niya" baka mamaya himatayin na naman ako nito sa sobrang kaba" Napatapik ako sa aking noo sa aking mga naiisip.
Binuksan ko naman ang paper bag na binigay ni doc marco sa'kin, napamulagat ako ng makita ang isang panty at bra. "Pano niya nalaman ang size ko!? shet! mas lalong nakakahiya!
Kinatok ako ni doc marco nang hindi pa ko nakakalabas ng banyo.
"Mace are you done? Napapitlag ako ng magsalita siya.
"aaah o-opo patapos na din ako" natapos na ko magbihis ay lumabas na din ako ng banyo at naupo na sa mesa at katapat niya.
"nag-order na lang ako, saka hindi ko din alam kung anong gusto mong pagkain eh"
"Okay lang doc marco hindi naman ako mapili"
"So, lets eat" yaya niya at nagsimula na din kaming kumain. Tahimik lang kami, ang puso ko lang ata ang kanina pa nag-iingay dahil sa bilis ng t***k nito. Pagkatapos naming kumain ay nagpresinta ako na ako na ang magligpit ng kinainan namin, hindi naman siya pumayag at siya na din ang naghugas pinapasok na lang niya ko sa kanyang kwarto para makapagpahinga.
Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng kanyang kwarto at bumungad sa'kin ang panlalaking amoy. Napakalinis ng kwarto niya na wala manlang bahid ng alikabok. Kulay black and white ang kulay nito. Nakita ko naman sa kanyang study table ang mga nakalagay na picture frame, ang isa don ay family picture nila. Mukhang teenager pa lang so doctor marco don. Kahit noong teenager pa lang siya ay talaga namang napaka gwapo na at katabi nito ay ang kanyang ama at ina. Naalala ko bigla sina mommy at daddy. Paano kaya kung buhay sila ngayon? Namimiss ko na sila. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang aking luha.
Umupo muna ko sa gilid ng kama at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto. "ilang babae na kaya ang nadala niya dito? hindi malabong mangyari yon, sa gwapo ba naman niyang yon imposibleng hindi siya nagkagirlfiend" Napabuga na lang ako sa hangin sa mga naiisip ko. Ilang minuto pa ang lumipas pumasok si doc marco sa kwarto. Napalunok akong bigla. "Dito din ba siya matutulog? pano yan iisa lang ang kama, kung sabagay may isa pa naman siyang kwarto baka dun siya matutulog? pag nagkataon baka tuluyan na ko atakihin nito dyusko!
"Mace okay ka lang"? napabalik lang ako sa huwisyo ng magsalita siya, kasalukuyang nasa harap ko siya at nakaupo ako sa gilid ng kama.
"Ha?? ah, oo o-okay lang ako doc marco"
"You look tense"
"Ah.. hindi n-naman medyo nilalamig lang kasi ako.
"Dito ka na matulog sa kwarto sa sofa na lang ako, kuha lang ako ng unan saka kumot.
"Dito ka na lang doc marco" natigilan kami pareho at mataman siyang nakatitig sa'kin.
"I mean! dito ka na lang sa kwarto ako na lang sa sofa"
"No! mas mabuting dito ka sa kwarto para makapagpahinga ka ng maayos.
"di ba may isa pang kwarto dito? bakit hindi ka don matulog?
"Its my study room" Tipid niyang sagot
"Ah s-sige po doc marco"
"sige magpahinga ka na, pag may kailangan ka nasa labas lang ako. Tumango lang ako sa kanya at saka siya lumabas.
Malalim na sa gabi pero hindi pa din ako makatulog. Hindi ako sanay makitulog sa ibang bahay, sa apartment nga ni JK ni minsan hindi man lang ako nakapag overnight kahit na matagal na kaming magkaibigan eh. Tapos heto ako nasa condo ni doc marco. Kinikilig naman ako habang naiisip ko yun. "kumusta kaya siya? tulog na kaya siya? silipin ko kaya, baka hindi siya gaano makatulog dahil sa medyo may kaigsian ang sofa niya.
Lumabas ako ng kwarto para silipin si doc marco. Dahan dahan akong naglakad patungong salas. Nadatnan ko siyang nakahiga na sa sofa at nakatagilid. "tulog na siguro" tatalikod na sana ako ng bigla siyang gumalaw. Hindi siya mapakali sa pagkakahiga niya, lampas kasi yung paa niya sa sofa, dahil may katangkaran din siya.
"Doc marco" napabalikwas naman siya ng makita ako.
"Bakit hindi ka pa natutulog?
"Aaahmm...Dun ka na lang sa k-kwarto p-pwede naman tayo magtabi eh" nauutal kong sabi sa kanya.
"O-okay lang ako dito, bumalik ka na sa kwarto.
"Hindi ka okay doc marco, hindi ka nga makatulog eh" bumuntong hininga muna siya at wari ko'y nag-isip.
"Wag ka mag-alala doc marco hindi kita gagapangin" nakangisi kong wika na siya namang ikinaawang ng labi niya. Muntik na ko matawa sa itsura niya.
"Joke lang! Sige na doc marco para maging komportable ka, walang malisya naman yon! Pagkasabi ko sa kanya ay bumalik na ulit ako sa kwarto, hindi pa ko nakakahiga sa kama ay pumasok na din siya bitbit ang dala niyang unan at kumot. Tumikhim muna siya bago nagsalita.
"Lets sleep" Sabay na din kami nahiga. Pareho kaming nakatihaya at nakatitig lang pareho sa kisame. Masyadong tahimik. Tanging ulan lang at malakas na t***k ng puso ko ang naririnig. Hindi talaga ko makatulog lalo na't katabi ko pa sa iisang kama si doc marco.
"Doctor Marco" basag ko sa katahimikan,
hmmmmn.?? tipid niyang sagot na hindi man lang ako sinusulyapan.
"Nagmahal ka na ba? Nanatili akong nakatitig sa kisame. Alam kong napatingin siya sa'kin base na rin sa peripheral vission ko. Binalik din niya ang tingin niya sa kisame at saka siya sumagot.
"yeah! but that was a long time ago" pero nagkaron ako ng girlfriend. we've been together for three years"
"Bakit kayo naghiwalay"? curious kong tanong.
"we've been both busy that that" saka isa pa…. natigilan siya saglit, at nagpatuloy ulit siya sa kanyang sinasabi.
"i'm not sure about my feelings for her"
"Ha?? pwede ba yon"? tumagal nga kayo ng three years eh" gulat ko namang baling sa kanya.
"Siguro dahil naattract lang ako sa kanya kaya ganon" At isa pa dahil din siguro hindi ko pa rin nakakalimutan yung una kong minahal noon, kaya hindi ko na magawang makipagbalikan sa ex ko"
"Kaya hindi mo rin ako magawang magustuhan? Saglit siyang natigilan at napatingin bigla sa'kin. Ngumiti naman ako ng mapait para mapagtakpan ang sakit na nararamdaman ko. Bago pa siya muling makapagsalita ay inunahan ko na siya baka hindi ko na naman makaya kung ano man ang sasabihin niya at hindi na naman ako makapagpigil ay bigla na lang akong maiyak.
"Doc marco tulog na tayo, maaga din kasi yung pasok ko bukas eh, saka uuwi pa ko bago pumasok" Goodnight! Tumalikod na kaagad ako sa kanya. Hindi ko namalayang may tumulong luha na pala sa aking pisngi.