"W-whaaaat!? sa condo ka ni doc marco natulog? Si JK na gulat na gulat akong tinitigan, nandito kami ngayon sa gym kakatapos lang nila magbasketball. Napatigil sa pagpunas ng pawis si JK at tinignan ako.
"Ah ano kasi eh...Huminga muna ko ng malalim at kinwento sa kanya kung pano ko napunta sa condo ni doc marco.
"Nagtabi kayo? muntik ko na maibuga ang tubig na iniinom ko dahil sa tanong niya. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoo nakakahiya baka kung ano pang isipin niya sa'kin.
"Hindi no! sa sala siya natulog" tumango lang siya.
Naalala ko na naman yung magkatabi kami matulog, at yong mga narinig ko sa kanya kagabi.
"kelan pala checkup mo"? pag-iiba niya
"Sa susunod na araw"
"Gusto mo samahan kita"?
"Wag na kaya ko naman saka may dadaanan din muna ko non"
"Okay sige daan na lang ako sa inyo pag nakauwi ka na"
"Okay"
Palabas na ko ng gate ng school ng may tumawag sa'kin. Nilingon ko naman ito at nakita ang gwapong doctor, si doctor wallace. Pero anong ginagawa niya dito sa school?
"Ikaw pala doc wallace" anong ginagawa mo dito? nakangiti kong bati sa kanya
"May pinakuha lang sa'kin si marco sa faculty may naiwan daw kasi siya eh"
"Ah! nasabi ko na lang
"Kung hinahanap ko siya, may surgery siya ngayon kaya hindi siya ang pumunta dito" He chuckled
"Hindi ko naman siya hinahanap eh" nakanguso kong sabi"
"Pero yon ang napapansin ko"
i cleared my throat
"Pauwi ka na?
"ah oo,
"Halika na hatid na kita"
"Ha?? ay hindi na doc wallace nakakahiya magtataxi na lang ako" nahihiya kong baling sa kanya
"Ano ka ba macelyn okay lang, saka magkaibigan na naman tayo eh" Napakamot naman siya sa kanyang batok.
"Ah s-sige" Pinagbuksan niya ko ng pinto ng kotse niya at malumanay na isinara ng makapasok na ko. dumeretso na din siya sa driver seat.
"Kumusta si Marco nung nagtuturo pa siya sa southville? sinulyapan niya muna ko saglit saka ibinaling ulit ang tingin sa kalsada.
"O-okay naman ganon pa din suplado" nangiti naman ako
"Naku ganon talaga yon! laging seryoso,
"Aaahm..doc wallace pwede magtanong?
"Sure what is it?
Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago nagsalita.
"M-mahal pa rin ba niya yung f-first love niya? nahihiya kong tanong sa kanya. Pumikit ako ng mariin sa sobrang hiya, baka isipin pa ni doc wallace sobra akong obsses kay doc marco.
"Actually matagal na niya hinahanap yon, kaya nga kahit anong pilit ni kristine na magbalikan silang dalawa ayaw niya kasi umaasa pa rin siya sa first love niya"
Napabuntong hininga ako sa sinabi niya.
Siguro wala na talaga akong pag-asa sa kanya, kailangan ko na ata siyang kalimutan Pati tong nararamdaman ko.
"Pero parang ngayon nakaka move on na siya, kasi dati halos lagi yon magpupunta sa park kung saan niya unang nakita yung first love niya, ngayon wala na, hindi na siya pumupunta don"
"Sa park?
hmmmn..tipid niyang sagot
Mabilis kaming nakarating sa aming bahay. Niyaya ko pa siya pumasok pero tumanggi siya may schedule daw kasi siya ng surgery. Bumaba na ko kagad ng kotse at hinintay siyang umalis bago ko pumasok ng bahay. Naabutan ko si nana lumen na nagluluto ng hapunan
"Hi nana lumen! masayang bati ko sa kanya na ikinalingon naman niya, pork sinigang ang niluluto niya ngayon parehong paborito namin ni kuya.
"Hija nandyan ka na pala, sandali na lang ito at maluluto na"
"si kuya po ba wala pa?
"Wala pa hija, pero baka maya maya nandito na din yon" Sabi ni nana lumen habang hinuhugasan ang mga ginamit niya sa pagluluto.
"Sige po nana lumen akyat po muna ko magbibihis lang ako"
"Paakyat na sana ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, baka si kuya mazer na yon, tinungo ko ang sala para salubungin siya. Nakita ko siyang nagpapagewang gewang papunta sa sofa.
Lasing ba si kuya? kaagad ko itong nilapitan.
"Kuya" Napaangat naman siya ng tingin sa'kin nang nakaupo na siya sa sofa.
"B-baby girl" Mapupungay na ang kanyang mga mata at halata mong lasing na talaga.
"Bakit ka naglasing? wika ko habang tinatanggal ko ang suot niyang sapatos.
"Nagkayayaan lang baby girl hindi naman ako makatanggi"
"Gusto mo ba ng kape kuya"? or gusto mo ng mainit na sabaw nagluto si nana lumen ng paborito natin" tumabi ako sa kanya pagkatapos kong tanggalin ang kanyang sapatos.
"Coffee will do" Sige kuya pagtitimpla kita" Bago pa ko makatayo ay hinawakan niya ko sa braso at napatingin naman ako sa kanya.
"Bakit kuya"?
"Magpagaling ka, ayokong nakikita kang nahihirapan. Ikaw na lang ang meron ako mace"
nakayuko niyang wika na parang maiiyak na. Simula kasi nung naospital ako dalawang linggo na ang nakakaraan ay parang lagi siyang wala sa sarili, o di kaya naman ay nkikita ko siyang tulala. Meron bang hindi sinasabi sa'kin si kuya? Malala na ba ko?
"Dont worry kuya i'll be fine" niyakap niya ko at hinalikan sa noo.
Bago ko pumunta sa ospital ay nagbake muna ko ng cookies para ibigay kay Doctor Marco, maaga pa ko nagising para lang magbake, tutal saturday naman at wala naman akong pasok.
Heto na naman ako kahit nasasaktan na sige pa rin ako. Ganito talaga yata kapag nagmahal, kahit alam mong nasasaktan ka na minamahal mo pa rin. Susubok pa rin ako, nagbabakasakali na masuklian din ang pagmamahal ko sa kanya.
Nagtungo muna ako sa aking doctor para sa checkup ko. Nang matapos na ay dumeretso na ko kung saang floor naka duty si doctor marco. Nagtanong ako sa nurse na nakasalubong ko kung nasan si doctor marco. Tinuro naman niya kung saan ang kanyang opisina.
Excited akong naglalakad papunta sa kanyang opisina bitbit ang ginawa kong cookies na nilagay sa mgandang box na nilagyan ko pa ng ribbon. Hindi pa ko nakakalapit sa opisina niya ay may nakita akong babaeng lumabas don.
Si Miss Andrea at kasunod niya si Doctor Marco. Nasa tapat sila ng kanyang opisina at parang may seryosong pinag-uusapan. Parang may tumusok na naman sa aking puso. Alam kong may gusto din siya kay doc marco, pero ang mas masakit ay nakita ko siyang matamis na ngumiti kay Miss Andrea na ni minsan ay hindi niya nagawang ngumiti sa'kin. Sa pangatlong pagkakataon nasaktan na naman ako, sobrang sakit na talaga. Bago pa tuluyang bumagsak ang mga luha ko ay tumalikod na ko at mabilis na naglakad sa kanila palayo.
Nasa tapat na ko ng elevator at nakayuko ng may biglang tumawag sa'kin sa di kalayuan.
"Macelyn! lumingon ako sa bandang kanan ko at nakitang papalapit si doc wallace sa'kin. Pilit akong ngumiti sa kanya, para maitago ang sakit nararamdaman ko.
"I-ikaw pala doc wallace kumusta?
"Ayos naman" sagot niya sa'kin ng makalapit na.
"bakit pala nandito ka? hinahanap mo si doc marco no? Pang-aasar niya sa'kin
I blushed what wallace said. Naalala ko na naman yung nakita ko kanina.
"Ah hindi! may checkup kasi ko kanina eh, tpos ano...ahhhmm...dumeretso ko dito,actually hinahanap talaga kita
"Kaso hindi kita makita kanina buti nga dumating ka" pagsisinungaling ko.
"Oh? bakit mo ko hinahanap?
Tinitigan ko muna si doctor wallace, at mas lalong namangha. Ang gwapo din niya sobra! pero mas nangingibabaw ang kagwapuhan ni doc marco. Malaki din ang pagkakaiba nila, si doc wallace parating nakangiti at mapagbiro samantalang si doc marco naman seryoso palagi.
"P-para ibigay to! pinakita ko ang hawak ko na dalawang box ng cookies. "Para kay doctor Marco sana ito eh, kaso mas maigi pang kay doc wallace ko na lang ibigay"
"Talaga!? ngumiti siya ng makita ang hawak ko. At kinuha ang cookies mula sa'kin.
"Ginawa ko yan! pasasalamat ko na rin dahil hinatid mo ko sa bahay.
"Ano ka ba macelyn maliit na bagay lang yon" Masarap siguro to? halika kainin natin don tayo sa opisina ko"!
Bago pa ko makatanggi ay hinila na niya ko papunta sa kanyang opisina. Pinaupo niya ko sa sofa at sinimulan na niya buksan ang box ng cookies.
"Ang sarap ah! Puri niya habang nginunguya ang cookies na gawa ko.
"Salamat! tipid kong sagot.
"Nabalitaan ko pala yung nangyari sayo okay ka na ba?
Hmmmn..okay na ko" marami din ang pinagbawal sa'kin"
"Ingatan mo yung sarili mo, makinig ka sa doctor mo wag matigas ang ulo" nangingiti niyang sermon sa'kin.
"Wag mo ng pag-alalahin si marco"
"Haaa? naguluhan ako bigla sa sinabi ni doc wallace. Siguro nag-alala nga siya nung nahimatay ako.
Magtatanong pa sana ko ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si doc marco. Nagulat pa kami pareho at nagkatinginan, umiwas naman ako sa kanya.
"Alam mo bro hindi ka talaga marunong kumatok! Pano pala kung may ginagawa ako dito? nakangisi niyang baling sa pinsan niya.
Nagulat naman ako at tinignan si dic wallace ng nagtataka.
"Wala yon mace! tumawa lang siya ng nakakaloko.
"Kailangan mo pa talagang sabihin yan?
Masungit naman niyang sagot kay wallace.
"Bakit ka ba nandito? nalaman mo sigurong nandito si macelyn kaya sumugod ka dito?
Nagulat naman ako sa sinabi ni doctor wallace at tinignan siya habang busy pa rin siya sa pagkain ng cookies.
Kinindatan lang niya ko na ikinataas ng aking kilay.
"W-whaaat!???
Tumayo naman ako bigla na ikinagulat ng dalawa.
"Aaahm...doc wallace alis na ko p-pupunta pa kasi si JK sa bahay eh.
"Ah sige salamat pala dito sa cookies ah, ang sarap talaga ng gawa mo! napangiti naman ako. Bumaling naman ako kay doc marco na nakatingin sa cookies na bigay ko. Napatingin lang siya sa'kin ng magsalita ako.
"S-sige po doc marco mauna na ko"
"Ihahatid na kita"
"Ho!? W-wag na po okay lang po ako"
Napasipol naman si doc wallace.
"p-pero___
"Okay lang po talaga ako" hindi ko na siya pinatapos magsalita at dali dali na ko lumabas ng opisina ni doctor wallace.
"What brings you here"? tanong ni wallace kay marco na siya namang pabagsak na naupo sa harapan niya.
"Wala!
"Gusto mo? alok ni wallace at inilapit pa ang cookies na bigay ni macelyn.
"San naman galing yan? saka kailan ka pa nahilig sa ganyan ha wallace?
"Ngayon lang, bigay kasi ni macelyn to"
"Bakit ka niya binigyan niyan"? Halatang naiinis naman si marco sa pinsan
"Regalo niya"
"Regalo? hindi mo naman birthday" irap niya sa pinsan.
"Nagpasalamat lang siya sa'kin kasi hinatid ko siya kahapon.
Napaayos naman siya ng upo at tinaasan si wallace ng kilay.
"At bakit mo siya hinatid? close na kayo huh!?
"E di ba inutusan mo ko kunin yung ibang gamit mo sa southville university? Tapos nakita ko siyang pauwi na kaya ayon hinatid ko na din siya"
Humugot ng malalim na buntong hininga si marco saka humandal sa sofa. Naisip naman ni wallace na asarin ang pinsan.
"Alam mo bro ngayon ko lang napansin na ang ganda niya sa malapitan at lalo na kapag ngumingiti siya, sarap niya pala kasama ah!
"So, what do you mean? Inis na baling ni marco sa pinsan.
"I think i like her"! muntik na humagalpak ng tawa si wallace sa nakitang itsura ni marco. Buti na lamang at napigilan niya at pinanindigan niya ang seryosong mukha.
"Seriously wallace huh!?
"Yes! siya na ata ang magpapabago sa'kin. Seryoso pa rin niya tinitigan si marco.
"Dont you dare wallace i know you! wag mo siyang isama sa mga koleksyon mo.
"Hindi bro! ready na ko magseryoso, at si macelyn yon.
"Really huh!?
"hmmmmn...Tipid na sagot ni wallace.
Yumuko naman si marco at pinasadahan ng dila niya ang kanyang labi at tinitigan ng mabuti si wallace kung seryoso ba talaga ito.
"Dont tell me nagseselos ka"? nakangising sabi ni wallace sa pinsan.
"A-ano!?
Sumandal muna si wallace at nilagay ang dalawang braso nito sa sandalan ng sofa.
"I can see it in your eyes"
He smirked.
"I have to go" tumayo na si marco at lalabas na sana ng magsalita ulit si wallace.
"I gotcha! bulong ni wallace
"Just tell her before its too late"
"What are you trying to say wallace?
"Its for you to find out! Nakikita naman ni wallace ang pagkainis na nito sa kanya.
Tuluyan ng lumabas si marco at nagingiti naman si wallace dahil sa nakita niyang reaksyon ng pinsan.
"Alam kong gusto mo na siya marco, and i'm hundred percent sure of it". Iinisin pa rin kita hanggang sa umamin ka". Natatawang sabi na lang ni wallace sa kanyang sarili.