CHAPTER 18

1566 Words
MARCO POV Kasalukuyang nandito ko sa aking opisina at may tinatapos sa aking laptop nang may biglang kumatok. "Yes come in" nasa laptop pa rin ang aking atensyon. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto ay saka lamang ako nag-angat ng tingin. "M-miss Andrea, a-anong ginagawa mo dito"? tumayo ako sa aking swivel chair at pinaupo ko siya sa Upuang kaharap ng aking lamesa. "M-may s-sasabihin sana ko sayo, kinakabahang turan ng propesor. "Ano yun miss andrea? "Aaahm...Lumunok muna siya bago nagpatuloy. "P-pupunta na kasi ko ng london" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Why? Magreresign ka na sa school? Hindi na ba maayos ang palakad nila don? Sunod sunod kong tanong sa kanya na ikinangiti niya. "Aah, hindi! May maganda kasing offer don, pero pwede din akong hindi matuloy kapag...kapag… Tumingin muna siya sakin ng deretso at nagpatuloy sa kanyang sasabihin. "Wala ba talaga kong pag-asa doctor marco"? Malungkot niyang wika na ikinaawang naman ng bibig ko sa pagkabigla. Tumikhim muna ko saka siya muling hinarap. "M-miss andrea"___ Then she cut me off "Siya ba yung girlfriend mo? yung nagpunta sa school? "Si kristine? "Ahh o-oo" "Actually she's my ex. Wala ng namamagitan sa'min. "Then why? "What do you mean why? "M-may iba na bang nagpapatibok ng puso mo"? mataman lang siyang nakatitig sa'kin at hinihintay ang isasagot ko. Bumuntong hininga muna ko. "I dont know if... if… if I l-love her already" pumikit muna ko ng mariin saka siya muling tinitigan. "Pinipigilan ko pero habang pinipigilan ko ako lang din ang nasasaktan" "Gusto ko siyang makita pero hindi ko magawa" "At saka kapag nakikita ko siya hindi ko maintindihan yung pakiramdam ko. Natawa siya ng pagak na ikinataka ko. "You're inlove doctor marco" nakangiti niyang sabi na may halong lungkot. "She's so lucky, kasi siya yung mahal mo. "is that so? Tumango lang siya. Nagpasya na siyang umalis at hinatid ko naman siya sa labas ng aking opisina. "Pano doc marco, sana hindi pa ito ang huli nating pagkikita" "Dapat pagbalik ko may asawa ka na dahil kung hindi liligawan na talaga kita" Nagkatawanan naman kami. Maya maya ay nagpaalam na siya. Papunta sana ko sa opisina ni wallace ng mamataan ko si macelyn at wallace sa may tapat ng elevator Nakita ko pang may binigay si macelyn na dalawang box sa pinsan ko. At matamis naman siyang ngumiti sa pinsan ko. "Teka bakit parang nasasaktan ako pag nakikita ko siyang ngumingiti sa iba? "No this can't be! tama ba yung sinasabi ni miss andrea? Ilang minuto pa ay nakita kong hinila ni wallace si macelyn papunta sa kanyang opisina. Kaya't wala akong pag-aalinlangan na sinundan yong dalawa. Kilala ko ang pinsan ko, baka kung ano pa ang kagaguhan ang gawin niya. Huminga muna ko ng malalim bago buksan ang pinto, hindi na ko kumatok. Nakita ko pang nakangiti si macelyn habang si wallace naman ay sarap na sarap sa kinakain niyang cookies. Alam ko na ang mga tingin at ngiti ng loko, mukhang may binabalak na naman. "Aaahm...doc wallace alis na ko p-pupunta pa kasi si JK sa bahay eh. Biglang sabi ni macelyn. "Ihahatid na kita" "Ho? w-wag na po okay lang po ako" Teka parang may mali, yung tingin niya hindi na katulad ng dati. "p-pero___ "Okay lang po talaga ako" Saka tuluyan na siyang lumabas. Nakita ko pa yung cookies na bigay ni macelyn. Ragalo daw sa kanya ni macelyn dahil sa paghatid sa kanya. Tsss! samatalang sa condo ko nga siya natulog eh, hindi man lang ako binigyan. "Alam mo bro ngayon ko lang napansin na ang ganda niya sa malapitan at lalo na kapag ngumingiti siya, sarap niya pala kasama ah! Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Para akong nabingi! gusto niya si macelyn? kilala ko si wallace hindi ang tipo ni macelyn ang gugustuhin niya. Dahil ang gusto niya ay yung naiikama agad at hindi ganon si macelyn. "So, what do you mean? "I think i like her"! What the f**k!!! Seryoso ba to!? "Seriously wallace huh!? "Yes! siya na ata ang magpapabago sa'kin. Gusto kong magalit, gusto kong manapak! Bakit ba ko nagkakaganito? f**k!! "Dont you dare na isama siya sa mga koleksyon mo wallace" "Hindi bro! ready na ko magseryoso, at si macelyn yon. Tangina!! Bakit ang sakit!? samantalang noon tinatanggi ko pa na hindi ko siya gusto, pero ngayon__? "Dont tell me nagseselos ka? Oo gago ka! yon ang gusto kong sabihin sa kanya. Pero bago pa ko mabwisit sa kanya tumayo na ko para umalis ng opisina niya, Nang may sinabi pa siyang ikinagulantang ko. "Just tell her before its too late" Lumingon ako sa kanya at binabasa kung ano ang ibig niyang sabihin. Pero masyado siyang magaling magtago ng emosyon. "What are you trying to say? "Its for you to fnd out! Lumabas na ko ng opisina ni wallace alam ko namang binubwisit lang niya ko. Hinuhuli na nman ako ng siraulo kong pinsan. Napahinto akong bigla sa aking paglalakad at nag-isip. "Do I really like her?? napailing na lang ako at bumalik na sa sarili kong opisina. Nakaupo kami ni JK dito sa bench ng park kung saan madalas kami ni kuya ipasyal nila mommy noong mga bata pa lang kami. Kumakain kami ng ice cream at nakatingin sa mga batang naglalaro sa aming harapan. "Parang ang sarap bumalik sa pagkabata no? saad ko kay JK at nakatingin pa rin sa mga batang naglalaro. Apat na araw na din ang nakalipas nang magpunta ako sa ospital at makita ko si doc marco at miss andrea. Namimiss ko man si doc marco pero panahon na siguro para itigil ko na ang paghahabol sa kanya, ang hirap niya pa lang mahalin, mas lalo lang akong nasasaktan. "Yeah! Walang iniisip na problema, "Masarap talaga bumalik sa pagkabata yung tipong kumpleto pa ang pamilya niyo" Ngumiti ng mapait si Jk. Katulad ko wala na rin magulang. Ang pagkakaiba nga lang namin namatay ang mga magulang ko samantalang siya, Naghiwalay ang mga magulang niya nung third year high school pa lang siya at pareho na din may kanya kanyang pamilya. Namuhay siyang mag-isa binibigay naman lahat ng mga kailangan niya pero hindi pa rin sapat dahil wala siyang magulang na gumagabay sa kanya. Pag nagkakasakit siya mag-isa niyang ginagamot ang sarili niya. Pag hindi siya nakakapasok pinupuntahan ko siya sa apartment niya kaya nalalaman ko kung may sakit siya. Kami ni kuya at nana lumen na ang naging pamilya niya. Kaya hindi ko maimagine kung mawawala siya sa aking tabi, para ko na din siyang kapatid. "Namimiss ko na sina mommy at daddy" nanlalabo na ang aking mga mata dahil namumuo na ang aking mga luha. Sinabayan pa ng sakit na nararamdaman ko dahil kay doctor marco. Sssshhh...Wag ka ng umiyak makakasama sayo yan, andyan lang sila sa tabi mo ginagabayan ka, kaya wag ka ng malungkot. Pinahid naman niya ang mga luha ko sa pisngi na hindi ko na napigilang pumatak. "wag mo ko iiwan JK ah dito ka lang sa tabi ko. "Hinding hindi kita iiwan pangako yan! "Pag nagka asawa ka gusto ko kunin mo kong ninang sa mga magiging anak mo ah! Tumawa naman ng malakas si JK "Oo ba! basta mauna ka munang mag-asawa". Natahimik akong bigla "Oh bakit? May masakit ba sayo? pag-aalalang tanong ni JK "Ititigil ko na yung pagkabaliw ko kay doctor marco" Malungkot na saad ko sa kanya. "Bakit may nangyari ba"? "Ang hirap pala magmahal ng taong hindi ka gusto" nakita kong napatahimik si jk sa sinabi ko at binalik ang tuon sa mga batang naglalaro. Naalala ko bigla yung sinabi niya na may gustong iba yung mahal niya. Nakakalungkot dahil pareho pala kami ng sitwasyon. "Ganon talaga mace dahil kapag nagmahal ka may kasamang sakit" hindi mo rin mapipilit yung tao na mahalin ka pabalik kusang nararamdaman yan. Napayuko ako sa sinabi niya, at nagpakawala ng malalim na buntong hininga. "Minsan kailangan mong magparaya para hindi ka na masaktan" ipaglaban mo kung ano yung tama. "Pero kung lumalaban ka naman ng walang kasiguruhan, huminto ka na" Napamaang ako sa mga sinabi ni JK. Parang ramdam din nito ang sakit na nararamdaman ko. Sabagay nagmahal na nga pala siya. "Ikaw ah! hindi mo pa kinukwento sa 'kin kung sino yung gusto mo" pinaglilihiman mo na ko" pagtatampo ko naman sa kanya na kunwari'y inirapan siya. "Hindi mo rin naman yun kilala" "Kahit na! ako nga kinukwento ko sayo yung kay doctor marco eh. "Wag ka na magtampo at least nasabi ko sayo yun di ba? "Tssss!! "Kelan nga pala ulit ang checkup mo? pag-iiba niya ng usapan. "Oo nga pala may checkup nga pala ulit ako bukas" nagtataka lang ako bakit napapadalas ata yung checkup ko dati naman monthly, tapos ngayon parang naging weekly na" Ah b-baka naman minomonitor ka lang nilang maigi, alam mo na. Napaiwas naman ng tingin si JK "Isa pa si kuya parang laging wala sa sarili tapos napapansin ko minsan tulala, may alam na kayo na hindi ko alam? "Ano naman yun mace? baka kasi may problema lang sa kumpanya niyo kaya ganon si kuya mazer. Ask him mace" "Siguro nga, malungkot na saad ko sa. kanya" "Tara na mace medyo gumagabi na din ihahatid na kita" Umalis kami ni JK at tinungo na ang kanyang sasakyan. Habang nasa sasakyan ay hindi pa rin maalis sa isip ko si kuya. Nag-aalala ko para kay kuya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD