"Baby girl mauna na ko ha!? may meeting pa kasi ako eh! " Sigaw ko mula sa ibaba at nakatingala sa may hagdan.
Bumaba naman si macelyn mula sa kanyang kwarto.
"Kuya anong oras ka uuwi? Tanong ng aking kapatid ng makababa na mula sa kanyang kwarto.
"Siguro around seven, why? inaayos ko naman ang aking long sleeve habang kausap si macelyn.
"Anong gusto mong ulam kuya? ako ang magluluto"
"Talaga? masayang wika ko sa kanya
"Ayaw mo kuya?
"Syempre gusto ko! anong meron?
"Wala lang kuya, gusto ko ako naman yung magsisilbi sayo. All this years ako na lang kasi yung lagi mong inaasikaso
Napatingala naman ako para pigilan ang nagbabadya kong luha.
"Mace kapatid kita, simula ng mamatay ang mga magulang natin pinangako ko sa kanila na hinding hindi kita pababayaan" Kaya ang hiling ko lang sayo magpagaling ka okay?
"Opo kuya, nakangiti niyang saad sa'kin niyakap ko naman siya at hinalikan sa noo.
"Sige na mag-ayos ka na at papasok na din ako. tumingin naman ako sa relo kong pambisig.
"Ingat ka kuya"
Lumabas na ko ng bahay at sumakay na sa aking kotse.
seven thirty pa lang ng umaga pero sobra na ang traffic, maaga pa naman kaya aabot pa ko sa meeting ko mabuti na lamang at maaga akong umalis ng bahay.
Mag-oovertake na sana ako nang biglang may bumangga sa aking likuran kaya napamura akong bigla. Lumabas ako ng aking sasakyan at tinignan ang likod nito.
Meron itong konting yupi sa may gilid. Napahilot na lang ako sa aking sintido.
Maya maya ay lumabas na sa kotse niya yung driver ng nakabangga sa kotse ko habang nakatalikod ako at tinitignan ang yupi ng aking sasakyan.
"P-pasensya na hindi ko sinasadya" sorry talaga! humarap ako para tignan siya. Naka sleeveless itong kulay puti at naka faded pants na may butas sa bandang tuhod at naka black rubber shoes, nakalugay ang mahabang buhok at suot din nito ang sun glasses.
"Its okay, sa susunod mag-ingat ka na" saka lamang siya nag-angat ng mukha pagkatapos niyang tignan yung yupi ng kotse ko.
"M-mazer!? Nagulat ako ng pagkatawag niya sa pangalan ko. Tinanggal naman niya ang kanyang sun glasses.
"Tin? Nanlaki ang mga mata ko ng muli siyang makita. Lalo siyang gumanda at sumexy. Ilang taon na rin ng muli kaming magkita.
"Yes its me! how are you?
"I-i'm okay! Nahihiya kong saad sa kanya, siya yung crush na crush ko noong college ako, hindi ko nga lang siya nagawang ligawan.
"Let's find a place to talk" yaya niya sa'kin.
Pumunta kami sa isang pinaka malapit na coffee shop. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ganong tagpo pa kami magkikita.
"Kumusta ka tin? Tanong ko sa kanya habang humihigop ng kape.
"Ayos naman ako, actually nagdecide ako na dito ko pagpatuloy yung trabaho ko.
"Buti naman at natupad na yung pangarap mong maging isang fashion designer"
"Kaya nga eh yon talaga ang gusto ko simula pa lang kaya sa ibang bansa ako nagpatuloy ng pag-aaral ko.
"Ikaw mazer? anong pinagkakaabalahan mo ngayon? siguro ang dami mo ng nalokong babae no? biro nito sa'kin na siyang ikinatawa ko.
"Hindi pa ko nagkaka girlfriend saka busy din kasi ako sa kumpanya namin.
"oh talaga? sa gwapo mong yan!? ang dami sigurong nahuhumaling sayo.
Sabay kaming tumawa.
"Ikaw kumusta ang lovelife? Natahimik siyang bigla sa tanong ko. Kita ko sa mga mata niya ang lungkot.
"Meron akong naging boyfriend, kaso hindi na niya ko mahal, or lets say hindi niya ko minahal, ngumiti siya ng pilit at saka uminom ng kanyang kape.
"You deserve someone better tin, dadating din yung lalaking totoong magmamahal sayo at mamahalin mo ng buong puso, trust me"
Naalala ko bigla sa kanya ang kapatid ko
"Ewan ko ba kung bakit baliw ako sa pagmamahal ko sa kanya, lahat gagawin ko para lang makuha siya ulit kaso nagmumukha lang akong tanga na habol ng habol sa kanya"
"E ikaw bakit hindi ka pa nga pala ngkakagirlfriend?
Tumingin muna ko ng deretso sa kanya saka yumuko.
"May obligasyon pa kong kailangan tapusin.
"Aahh, masyado ka na ata nagiging workaholic ah! biro naman niya sa'kin.
Tumingin ako sa relong pambisig ko eight thirty na at nine thirty ang meeting ko may one hour pa ko. Nagpasya na kong magpaalam na sa kanya. Binigyan naman niya ko ng calling card at binigay ko din ang sa'kin.
"Ingat ka tin ah!
"Ikaw din ingat ka, pag may time kita ulit tau. Tumango lang ako at pumasok na sa aking kotse. Tinignan kong muli ang binigay niyang calling card at binasa ito.
"Kristine Veinezz" napangiti ako at tinago na sa aking wallet.
Nandito na naman ako sa ospital at schedule na naman ng checkup ko. Dito na ko kaagad dumeretso pagkatapos ng klase ko. Sasamahan pa sana ko ni JK pero hindi ako pumayag balak pa niya kasi hindi pumasok sa dalawa niyang subjects para lang samahan ako. Magkita na lang daw kami pagkatapos ng checkup ko.
Nararamdaman kong parang may mali Pati gamot ko iba na ang binigay sa'kin. Tatanungin ko na lang si dra. Ramirez mamaya.
Maya-maya pa ay tinawag na ko ng nurse para ako na ang pumasok sa loob.
"Good afternoon po Dra. Ramirez, masayang bati ko sa doctora.
"Good afternoon ms brilliantes" have a seat.
Sinuri naman niya ko at pinakinggan ang aking paghinga gamit ang stetoscope at kung ano ano pa.
"Ipapaalala ko ulit sayo ms brilliantes wag kang masyadong magpapagod at bawal ang sobrang stress okay"? saad ng doctora habang may tinitipa sa kanyang laptop.
"Siyanga po pala Dra. Ramirez may itatanong po sana ko sayo"
"Ano yun ms brilliantes?
"Malala na po ba ako"? nakita kong tila natigilan ang doctor at tiniklop niya muna saglit ang kanyang laptop at hinarap ako.
"Macelyn, siguro kuya mo na lang ang magpapaliwanag sayo"
"Bakit hindi pa po kayo"?
"Hija" hindi sinabi sayo ng kuya mo kasi baka mag-alala ka"
"Mas lalo ho akong mag-aalala dahil ako mismo hindi ko alam kung malala na ba ko, baka bukas malalaman ko na lang na mamamatay na pala ako"
Hindi ko na mapigilan ang umiyak.
"Hija hindi ka mamamatay okay" hinawakan nito ang aking dalawang kamay na nakapatong sa kanyang mesa.
"Kaya ka nga nandito para gumaling" manalig ka lang sa diyos.
"At isa pa hindi papayag ang kuya mo na hindi ka gumaling"
Kakalabas ko lang ng opisina ni dra ramirez ng saktong tumunog ang cellphone ko. Si JK ang tumatawag sinagot ko naman ito kaagad.
"Hello?
"Tapos na ang checkup mo"?
"Oo JK kakatapos lang,
"May isa pa kong klase mahihintay mo ba ko? tapos kain tayo bago kita ihatid.
"okay sige! tawagan mo ko kapag tapos na klase mo.
"okay ingat ka mace!
Nilagay ko na sa bag ko ang aking cellphone. pagkatapos kong makipag-usap kay JK. Pupunta muna ko ng mall malapit dito, dun na lang kami magkikita mamaya.
Papunta na ko sa may elevator nang makasalubong ko si doc wallace.
Palagi ko na lang siyang nakikita dito kapag nagpupunta ko ng ospital, kung sabagay dito naman siya ngtatrabaho. Ako na ang unang bumati sa kanya.
"Hi doc wallace! masayang bati ko sa gwapong doctor.
"oh! Hi mace! may checkup ka ulit? nakangiti niyang saad sa'kin
Siguro kung si doctor marco ang ngumingiti sa 'kin ng ganyan kanina pa ko naglulupasay sa kilig" kaso sa 'kin lang pala siya hindi ngumingiti" bulong. ko sa aking isipan.
"Kakatapos lang doc wallace,
"Good! yayain kita magmeryenda okay lang?
"Date ba yan doc wallace? Biro ko sa kanya na siya namang kinangiti niya
"parang ganon na nga! Sabay pa kaming natawa.
Kung katulad lang sana ni doc marco si doc wallace ang saya saya ko. Masarap kasama si Doctor wallace hinding hindi ka mabobored. Parati pang nakangiti mukhang walang iniisip na problema.
"Okay ka lang"? Tanong niya sa'kin ng nasa loob na kami ng isang mall.
"o-okay lang ako doc wallace"
"para kasing ang lalim ng iniisip mo"
"Wala to, iniisip ko lang kung san masarap kumain. Tumawa naman si doc wallace sa aking sinabi
"Saan mo ba gustong kumain?
"Kaw na bahala doc"
Nag-isip muna siya saglit
"Pizza hut gusto mo?
Tumango na lamang ako at dumeretso na sa napili niyang kainan.
Siya na ang umorder ng aming pagkain, pumwesto naman kami sa bandang dulo. Nakita ko pa siyang may kausap sa kanyang cellphone, sumulyap siya sa'kin at ngumiti. Nginitian ko din siya. Ilang minuto pa ay dala na niya ang inorder niya. Nakakapagtaka dalawa lang kami pero ang dami niyang inorder.
"May kasama ka bang dadating doc wallace?
"Yup! tipid niyang sagot habang nilalagay niya ang mga pagkain na inorder niya sa lamesa.
"Sino naman?
"Malalaman mo din mamaya pagdating niya" Sa sinabi niyang yon para akong biglang kinabahan hindi ko alam kung bakit.
"Wala pang sampung minuto kaming nagsisimulang kumain nang biglang dumating si doc marco, pareho pa kaming nagulat sa isat isa.
Umupo naman siya sa katabi ni doc wallace at magkatapat naman kami.
Halos hindi ko na malunok yung kinakain ko sa sobrang kaba ko. Heto na naman ang puso ko gusto ata nitong lumabas sa lungga niya.
"Mace are you okay? basag ni wallace sa katahimikan.
"Ha? ah o-okay lang. Napatingin naman sa'kin si doc marco.
"May baon ka na mace"? Nagtaka naman ako kung anong ibig sabihin ni doc wallace
"Anong baon?
"Baong pickup line, natatawa niyang saad sa'kin"
"Ah! w-wala eh"
"Ako meron" seryoso namang nakatingin si doc wallace
"Talaga? sige nga!
"Are you a Pulmonary Embolism?
"Why?
"Because you take my breath away" sabay kindat pa nito sa'kin na ikinatawa ko. Nakita ko namang umirap si doc marco na tila hindi nagustuhan
"Ikaw bro anong pickup line mo? Siko ni doc wallace sa kanyang pinsan.
"I dont have one" sabay kagat sa kanyang pizza na halata mong naiinis.
"Bakit ba siya nagagalit? kasi nakita niya ko? Kung alam ko lang na pupunta din siya dito hindi na sana ko pumayag kay doc wallace eh. Iniiwasan ko na nga pero heto at nakikita ko pa rin siya.
"E di sige ako na lang ulit"
"Okay fine! sinamaan niya muna ng tingin si doc wallace at tumingin na sa'kin. Napalunok naman ako sa klase ng tingin niya.
"I-i'm lost"
Matagal bago ko nakasagot.
"W-why? Ilang segundo bago pa ulit siya nakasagot.
"Can you… can you give me direction to your heart"? Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya, "A-ano daw?! Naku macelyn wag kang maniwala it's just a pickup line! Sigaw naman ng aking isipan.
Napaubo namang bigla si doc wallace at napainom bigla ng tubig. Tumingin naman sa ibang direksyon si doc marco pagkasabi niyang yon.
"Nice one"! narinig ko pang sabi ni doc wallace
Maya maya ay biglang nagring ang telepono ko, si JK ang tumatawag. Sinagot ko naman ito. Nahihiya pa ko kasi nakatingin silang pareho sa'kin habang kausap ko si JK.
Sinabi ko kay JK na nandito ako sa mall at pupuntahan na lang daw niya ako dito.
"Doc wallace okay lang ba na papuntahin ko si JK? sabay kasi kaming uuwi eh, nahihiya ko pang sabi sa doctor. Nakita ko namang napatingin bigla si doctor marco.
"Sure no problem!
Ilang sandali pa ay dumating na din si JK. Lumapit ito kaagad sa pwesto namin
Hinagkan naman ako nito sa noo which is normal na sa'ming dalawa.
Nakita ko pang nanlaki ang mata ni doc marco at tumaas ang kilay. Nakita ko rin ang pagkuyom ng isang palad nito sa mesa.
"Anong problema ng isang to?
Napa "O" naman si doc wallace at tinapik sa balikat si doc marco.
"Anong problema ng dalawang to? parang ang weird nila, kanina pa ko nawiwirduhan sa dalawang to eh".
Nanlaki naman ang mata ni JK dahil nakita niyang maraming pagkain ang nasa mesa namin.
"Don't tell me mace may PMS ka? Napaawang naman ang mga labi ko sa tinuran niya at napatingin ako sa dalawang doctor.
"W-wala ah!
"Ahhm pasensya na po doc ganito siya kapag may PMS malakas kumain" pinanlakihan ko naman siya ng mata at pinalo sa kanyang braso.
Napayuko na lang ako sa sobrang hiya
Tawa naman ng tawa si doc wallace.
Kung pwede lang lumubog ngayon sa kinauupuan ko.
"Kilala niyo na talaga ang isa't isa no? tanong ni doc wallace.
"Ah yes doc, we're bestfriends since highschool. saad ni JK kay doc wallace
"Buti hindi kayo nadevelop sa isa't isa? Nakita ko pang umirap si doc marco. Sasagot pa sana si JK ng biglang tumayo si doctor marco.
"Mauna na ko may nakaschedule akong surgery ngayon. Baling niya kay doc wallace at saka tumingin sa'kin nag-iwas naman ako ng tingin sa kanya.
"Ha?? alam ko wala ka naka schedule ngayon.
"Nakipagpalit ako" mariin niyang sabi
"Ah, sige mace maiwan na muna namin kayo ha? Malapit na kasing magselos ay este sumabog tong kasama ko eh! sabay kindat sa'kin.
"S-sige doc wallace aalis na rin naman kami.
Di kalauna'y umalis na rin sila at naiwan naman akong nagtataka.
Parang kakaiba naman ang kinikilos ni doc marco, anong nangyari don? Kahit si doctor wallace hindi ko siya maintindihan.
Nagkibit balikat na lamang ako sa mga isiping yon.