CHAPTER 20

1562 Words
"Bro are you okay"? tanong ni wallace ng makarating na sila sa parking lot ng mall "What's that ha wallace!? Inis na tinignan niya ang pinsan, pero tinawanan lamang siya nito. "What do you mean what's that? "Bro alam mo napaghahalataan ka eh! Naiiling na saad niya kay marco. "Pinagsasabi mo!? sumandal si marco sa nguso ng kanyang kotse at naka ekis ang mga braso. "If you really do like her why dont you tell her right away? "W-whaaat!? "Alam mo marco basang basa na kita base sa mga kilos mo, action speaks louder than words bro" natatawang saad niya kay marco. Hindi siya makapagsalita sa sinabing yon ni wallace. Mahal na nga ba niya ang dalaga? Hindi maintindihan ni marco ang nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang ikumpirma ito kung tunay nga talaga ang nararamdaman na niya para kay macelyn. Naguguluhan siya kung paano. Huminga si marco ng malalim at mariing pumikit. "Bro mahal mo na ba talaga si macelyn? or baka naman yang nararamdaman mo is awa lang? Natigilan siyang bigla at seryosong tinitigan si wallace. "Tatanungin ulit kita marco, mahal mo na ba si macelyn or sadyang awa lang ang nararamdaman mo? kasi kung awa lang yan bro, itigil mo yan. She deserve to be loved. "Wag mo siyang gamitin para lang makalimutan mo si Lyn" "Mahalin mo siya dahil yun ang tunay mong nararamdaman". Tinapik muna niya si marco sa balikat at sumakay na sa sarili niyang kotse. Nagluto si macelyn ng iba't ibang putahe para sa dinner nila mamaya, tumulong naman si JK at nana lumen sa pagluluto. Nagluto siya ng Adobong Manok, sweet and sour, buttered shrimp at nagbake din siya ng cake. Bago mag alas syete ay natapos na rin sila sa pagluluto, kasalukuyang hinahanda na nila ang lamesa nang makarinig sila ng ugong ng sasakyan, hudyat na nakauwi na ang kuya niya. Sinalubong naman niya ito mula sa sala. "Hi kuya! Niyakap niya ito at hinalikan naman siya ng kuya niya sa noo. "Nasa labas pa lang ako amoy na amoy ko na yung pagkain ah! "Halika na kuya kain na tayo, nagtungo na sila sa dining area. Laking gulat ni mazer na ang daming nakahandang pagkain. "Ang dami naman ata nitong niluto mo baby girl" "Naku kuya mazer siya ang punong abala kanina sa pagluluto niyan tiga hugas nga lang ako ng plato eh, natatawang sabi ni JK na siyang nauna ng umupo. "Talaga? Well thank you mace" "Kuya I'll be the one who said that. "Thank you kuya for everything, kahit hindi mo sabihin alam kong nahihirapan ka. Nakikita ko yon kuya, sa twing nakikita kitang malungkot, ako ang mas lalong nasasaktan kasi hindi ko kayang makita ka sa ganoong sitwasyon. "Sanay ako na nakikita kitang masaya. At mas lalo akong magiging masaya kapag nakita kitang masaya sa piling ng taong mahal mo". "Kaya kuya find a girlfriend, kung ako ang iniisip mo, dont worry I'll be fine. Gusto kong maging masaya ka rin. Sa sinabing yun ni macelyn hindi na napigilan ni mazer ang maluha. Hindi niya akalain na sasabihin yon ng kapatid. Napaka swerte niya kasi napaka bait at maintindihin ni macelyn. "Sige baby girl bukas na bukas makikipag date na ko! biro ni mazer sa kapatid nanlaki naman ang mga mata ni macelyn at nana lumen sa narinig. "Ibig sabihin hijo narito na siya"? wika ni nana lumen na halata ang pagka gulat. "Kuya siya ba yong kinukwento mo nung college ka!? "Siya nga hija! naku napaka gandang dalaga non! pag nakita mo un hi___ "Aahmm nana lumen, putol ni mazer sa sasabihin ni nana lumen. "Hindi pa naman po sigurado kasi alam niyo na ngayon lang ulit kami nagkita. Nahihiyang wika ni mazer at yumuko. "Kuya hindi mo naman mamadaliin, kumbaga yayain mo siyang magdate, friendly date ganun. "Oo nga kuya mazer! excited na kasi tong si mace magkaron ng pamangkin! natatawang biro ni JK na inirapan naman ni macelyn. "O siya kumain na muna tayo at lalamig na ang pagkain, lahat ng yan si macelyn ang nagluto tumulong lang kaming dalawa ni JK" "Ang swerte ng mapapangasawa mo baby girl kasi ang galing mo magluto" Natahimik na lang si macelyn sa sinabing yon ng kuya niya, kaya ngumiti na lang siya dito. ------------------------------------------ Malalim na sa gabi pero hindi pa din makatulog si Marco, iniisip pa rin niya ang mga sinabi ni wallace sa kanya. "No, alam kong hindi awa ang nararamdaman ko ngayon". Habang lumilipas ang mga araw ay parang gusto niyang makita ang dalaga, pero hindi niya alam kung paano niya ito haharapin. Napansin din niya na parang iba na sa kanya si macelyn hindi katulad nung dati na nagtuturo pa siya sa southville. "Ayaw na kaya niya sa'kin? Nagsawa na ba siya? Tumayo siyang bigla sa kanyang kama sa mga naiisip niya, ginulo pa nito ang kanyang buhok. Nagtungo siya sa kanyang kusina at kumuha ng isang lata ng beer sa ref at naupo sa kanyang sofa. "Paano nga kung hindi na ko gusto ni macelyn? Bakit kasi umiral ang pagkatorpe ko! Nandito na siya sa condo ko non pero hindi ko pa sinabi! f**k!! Sinunod sunod niya ang lagok ng kanyang beer, at nasundan pa ng isa pang lata. "This can't be! alam ko ako pa rin macelyn. Just wait, just wait! bulong niya sa kanyang sarili. Natapos ang unang klase ni macelyn ngayon at kasama niya si mary nagtungo sa locker para ilagay don ang ginamit niyang libro. "Mace siguro ka bang ititigil mo na yang kabaliwan mo kay doc marco? Tanong si mary habang naglalakad sila patungong locker. "Ayoko na kasing magpatuloy mary, nagmumukha lang akong tanga na habol ng habol sa kanya tapos ilang beses ipapamukha sa'kin na hindi niya ko gusto. "Akala ko ba hindi ka susuko kay doc marco mo? Anyare!? "Yon din ang akala ko eh, malungkot na saad ni macelyn sa kaibigan. "Sinabi niya ba mismo sayo na hindi ka niya talaga gusto? "Hindi! pero yon ang nararamdaman ko sa twing tatanungin ko siya" Nasa locker na sila at nang buksan niya ang kanyang locker ay tumambad sa kanya ang red roses. Nagtaka siya kung sino naman ang magbibigay sa kanya non. Kinuha niya ito at may nakalagay na sulat don, binasa niya ito. "For the girl who caught my heart" Three red roses for the most beautiful girl I've ever seen. From: M.M "Kanino galing yan? tanong ni mary na nagpagulat sa kanya. Nasa likuran niya ito, at kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. "H-hindi ko alam" walang nakalagay M.M lang eh" "Sino naman yang M.M na yan? Naku mace ha! bagong admirer mo! sabay tusok nito sa tagiliran ni macelyn na halatang kinikilig. "Pabasa nga! binigay naman ni macelyn yung card at binasa ng kaibigan. Nanlaki naman ang mata nito at nagtitili dahil sa nakalagay sa card. "My goodness mace! ikaw na talaga!! Haba ng hair! to the most beautiful girl I've ever seen! ayiiiiiieh!!! nakakloka! "Tseee! maghunos dili ka nga dyan! may makarinig sayo dyan eh! "nakakakilig naman kasi mace eh! Sino kaya tong M.M na to? taga dito din kaya siya sa school? tanong naman niya sa kayang sarili ipinagkibit balikat lamang niya ito. Ilang araw na din siyang nakakatanggap na panay red roses, pero hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung sino ang nagbibigay sa kanya non, At anong ibig sabihin ng M.M na initial niya. Pagkasara niya ng locker niya nakita niya si JK na nakatayo malapit sa locker niya na siya namang ikinagulat niya. "Ano ka ba JK bakit ka ba nanggugulat!? Ngunit hindi naman nagpatinag ang binata, at seryoso lang siyang nakatingin kay macelyn. Napansin naman ni macelyn ang pagiging seryoso nito. "M-may problema ka ba JK? may pag-aalalang tanong niya sa kaibigan. "Wala naman, yayayain sana kita" "Saan naman? "Halika dadalhin kita sa tiyak na magugustuhan mo" hinila nito si macelyn at inalalayan papasok sa kanyang kotse. Wala pang isang oras ay nakarating na din sila sa kanilang destinasyon. Manghang mangha si macelyn sa kanyang nakikita. Nasa isang malawak na dagat sila at kitang kita niya ang papalubog na araw. Bumaba sila ng sasakyan at naupo sa harap nito habang pinagmamasdan ang paglubog ng araw. "Ang ganda dito JK" habang nakatingin sa malawak na dagat. "Nagustuhan mo? "Sobra! nakangiting baling niya sa kaibigan. "Pano mo nalaman tong lugar na to? "Pumupunta kami dito dati nila mama at papa noong hindi pa sila naghihiwalay, malungkot na wika nito kay macelyn. "Simula nung maghiwalay sila mag-isa na lang akong pumupunta dito". "Hindi ka pa ba nila ulit dinadalaw? Umiling lamang siya, at kita ni macelyn ang mga namumuong luha sa mata ng kaibigan. "Hindi na kailangan, kuntento na ko na napag-aaral nila ko at lalong lalo na kuntento na ko sa inyo ni kuya mazer" "Wag ka na malungkot JK nandito naman kami, iwan ka man ng lahat pero kami ni kuya at nana lumen hindi. Nakita pa ni macelyn na palihim na pinunasan ni JK ang takas na luha nito. "Gusto mo bang magtampisaw sa dagat bago tayo umuwi"? Pag-iiba ni JK Tumango naman si macelyn, at nagtungo sa may tabing dagat. Masaya namang pinagmamasdan ni JK ang kaibigan na masayang nakikipaghabulan sa alon ng dagat. "Habang buhay ko ng itatago ang nararamdaman ko para sayo macelyn. Masaya ko para sayo dahil sa wakas naibalik na din sayo yung pagmamahal na nais mo, and you deserve that love.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD