JK POV
Papunta ako sa building nila macelyn ngayon, yayayain ko sana siyang mamasyal tutal wala kaming klase sa huling subject ko kaya maaga natapos ang aking klase.
Nasa tamang palapag na ko ng may nakita akong bulto ng isang lalaki na parang papunta sa locker, at mukhang kilala ko ang bultong iyon. Sinundan ko siya at mabuti't wala masyadong estudyante ang naroroon. Lumiko ito sa kanan, at tama nga ako pupunta siya sa locker, lumiko din ako at nakita ko siya sa tapat ng locker ni macelyn. Nagulat pa ako ng nilagay niya don ang three red roses. So, siya pala ang lihim na nagbibigay kay mace ng bulaklak.
Isinara na niya ito kaagad at nagpalinga linga pa kung may nakakita sa kanya, sadyang nagtago pa ko sa pader na malapit don para hindi ako makita.
Hinintay ko siyang makalapit sa may kinaroroonan ko habang nakakubli ako sa pader. Pagkadaan niya sa aking gilid ay lumabas ako at tinawag siya.
"Doctor Marco"! huminto naman siya kaagad at unti unting pumihit paharap sa'kin.
Nagulat siya na para bang may nagawa siyang mali kung titignan mo siya sa kanyang itsura.
Niyaya ko muna siyang umupo sa bench malapit sa locker room.
"Ikaw pala yung M.M na palaging nagbibigay ng bulaklak kay mace"
Yumuko lamang si doc marco at pinagsiklop niya ang dalawang palad.
"Bakit hindi mo sabihin sa kanya?
"I'm afraid"
"Afraid of what? takang tanong ko sa kanya.
"Baka ako naman ang mareject niya"
"Tsss! ngumisi ako sa kanya"
"Natatakot ka na gawin niya sayo yung ginawa mo sa kanya?
Hindi siya magsalita pagkuwa'y tumingin lang siya sa malayo.
"Doctor Marco till now ikaw pa rin ang gusto niya. Kaya nga hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya"
"I know, tipid niyang sagot.
"Mahal mo si mace? Seryoso ko siyang tinitigan. At alam ko mahal na niya ang kaibigan ko dahil nakikita ko ang sincerity nito sa kanyang mga mata.
"Yes!
"Kailan mo napatunayang mahal mo siya? walang paligoy ligoy kong tanong sa kanya. Gusto ko makasiguro bago ko ipaubaya si macelyn sa kanya kahit masakit kailangan kong tanggapin.
"I'm not sure, pero nung mga araw na wala na ko dito sa school parang lagi ko siyang gusto makita, namimiss ko yung mga kakulitan niya, yung palagi niyang pagpunta sa faculty kahit bawal. Yung pagsigaw niya sa hallway kapag alam niyang walang tao.
"Hindi niya alam na lagi ko siya pinagmamasdan kahit nasa malayo lang ako para masulyapan lang siya masaya na ko.
Yung panahon na dinala natin siya sa ospital nung inatake siya sobrang takot na takot ako nun. Hindi ko pa alam sa sarili ko kung ano na yung nararamdaman ko para sa kanya.
Hanggang sa napatunayan ko na sa sarili kong mahal ko na nga siya noong nagselos ako sa inyong dalawa sa restaurant.
"Ha? alin don?
"Yung hinalikan mo siya sa noo" may halong inis na saad niya sa'kin. Hindi ko alam kung matatawa ba ko o mabubwisit sa kanya.
"We used to do that ever since we became bestfriends" Nakasanayan na namin ang ganon. Pati nga ang holding hands wala na sa'min. Kulang na lang magtabi kami sa pagtulog! Pang-aasar ko kay doc marco na ikinalaki ng mata niya.
"W-whaaat!??
"Ganon kami kaclose ni mace pero syempre magbabago na yon simula ngayon. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya at siya naman ay mataman lang ding nakatingin sa'kin.
"Tell her that you love her, dahil sinasabi ko sayo doc marco sinisimulan na niyang kalimutan ka at mag move on sayo, kaya hanggat mahal ka pa niya ngayon, kumilos ka na. Ligawan mo na.
"Thanks JK"
Pagkatapos ng pag-uusap naming yon ay nanatili pa rin akong nakaupo sa bench. Masyadong masakit pero wala naman akong magagawa mahal ni macelyn si doc marco at mahal na din ni doc marco si macelyn.
Masaya pa rin ako kasi hindi na lang si macelyn ang nagmamahal kundi mahal na din siya ng mahal niya.
-----------------------------------------
Nakatanggap na naman ako ng three red roses pag bukas ko ng locker ko, at ganun pa rin M.M pa rin ang nakalagay na initial.
Binasa ko ang nakalagay sa card.
"To my one and only rose of my life"
Today is my special day.
"Yun lang? matapos. kong basahin ang nakalagay sa card. Teka bakit parang dismayado ako?
Tinext ko si JK kasi kanina ko pa siya hindi nakikita. Si mary naman hindi pumasok may sakit daw kay heto wala akong kasama.
Tinry ko tawagan si JK pero out of coverage ang phone niya.
"Anong nangyari sa lalaking yon? hindi naman nagpapatay ng cellphone yun eh" wika ko sa aking sarili. Maya maya ay biglang tumunog ang cellphone ko kinuha ko kaagad ito sa aking bag baka si JK na ang tumatawag. Nagtaka pa ko nang number lang ang nakaregister don. Sinagot ko naman kaagad ito baka importante.
"Hello?
"Hi macelyn! bati ng pamilyar na boses
"Doc wallace?
"Yes its me!
"Kanino niyo nakuha yung number ko? takang tanong ko sa kabilang linya
"Kay dra. Ramirez, she's your doctor right?
"Ah o-oo.
"actually kaya ako napatawag birthday ko kasi ngayon,
"Talaga?? Happy birthday doc wallace
"Thank you mace! masayang sabi ni doc wallace, na alam kong nakangiti ito ngayon base sa kanyang pananalita.
"May pabor sana ko sayo eh"
"Ano yun doc wallace?
"Pwede mo ba ko igawa ng cookies?
"Ayun lang pala eh, sige doc wallace tutal wala na akong klase ngayon kasi kakatapos lang din ng exam namin.
"Okay good! buti wala ka ng klase.
"oo nga eh, nasan ka pala ngayon para mamayang hapon ibigay ko na din sayo yung cookies mo"
"Nandito lang ako sa ospital antayin kita sa office ko mamaya.
"Sige doc wallace.
Pagkatapos naming mag-usap ay umuwi na din ako kagad para gumawa ng cookies at ibigay kay doc wallace.
Nakarating ako ng ospital ng bandang alas kwatro ng hapon bitbit ang pinagawa ni doc wallace na cookies nilagyan ko pa ito ng pulang ribbon sa ibabaw. Nagtungo ako kagad sa kanyang opisina at kumatok muna ako ng tatlong beses.
"Yes come in! pagkasabi niyang yon ay pumasok ako kaagad sa loob, naabutan kong nakaupo siya sa kanyang swivel chair at nakatutok sa folder na kanyang binabasa. Nag-angat siya ng mukha ng makita na niya ako sa loob.
"Hi mace! Masayang bati niya sa'kin
"Upo ka" pinaupo niya ko sa kanyang sofa, at naupo siya sa kabilang gilid ko na pang isahang upuan.
"Eto na doc wallace yung cookies mo" sabay abot ko sa malaking box ng cookies na ginawa ko.
"Wow! mukhang special to ah! masayang kinuha naman niya ang cookies at nilagay niya sa center table.
"Syempre dahil birthday mo! sabay naman kaming napangiti.
"Mukhang okay ka na ah" napayuko naman ako at pinaglaruan ang aking daliri.
"Siyanga pala pwede ka ba mamaya? yayain sana kita,
"Saan naman doc wallace?
"Sa bar ng kaibigan ko, para magcelebrate ng birthday ko.
"Haa? ahhhmm…
"Hindi yung bar na katulad ng iniisip mo. ah! napansin naman niya ang pag-aalinlangan ko.
"Maayos na bar yon, resto din siya may mga tumutugtog na banda, saka dont worry nasa VIP naman tayo at hindi lang naman ako ang kasama mo" seryoso niyang wika sa'kin.
"Ah o-okay sige"
"Well then sunduin na lang kita sa inyo around 8pm?
"Okay doc wallace" nasa kalagitnaan kami ng aming pag-uusap ng biglang may tumawag sa telepono na nakalagay sa kanyang lamesa, kaagad niya itong sinagot.
"Okay just wait for me I'll go there!
"May nangyari ba? tanong ko sa kanya ng maibaba na niya ang telepono.
"I'm sorry mace may emergency sa E.R kailangan ko munang puntahan, okay lang ba hindi na kita maihahatid?
"Okay lang ako doc wallace wag ka mag-alala kaya ko naman.
"Sige mace magkita na lang tayo mamaya okay?
Tumango ako at nauna na siyang lumabas ng opisina niya sa pagmamadali.
------------------------------------------
"Doctor Marco! tawag sa'kin ni doctor cristobal ang director ng ospital. Kakatapos lang ng surgery ko at papunta na ko sa aking opisina.
"Yes doctor cristobal?
"Happy birthday doctor marco" sabay tapik nito sa aking braso.
"Salamat po doctor cristobal"
"you're not getting any younger anymore doctor marco, dapat nga ay nag-aasawa ka na, sabay pa kaming nagkatawanan.
"Actually yan nga din po ang iniisip ko, pero sa ngayon kailangan ko muna siyang mapasagot, nakangiti ko namang sagot dito.
Kailangan ko ng kumilos bago pa mahuli ang lahat. Bukas na bukas pupuntahan ko siya sa kanila at magtatapat na ko.
"Aba kung ganon dapat bilisan mo baka maunahan ka ng iba, biro naman nito sa akin na ikinangiti ko.
Kasalukuyang tinatahak ko papunta sa aking opisina ng mahagip ng paningin ko si macelyn. "Anong ginagawa niya dito? may checkup ba siya ulit? Lalapitan ko sana siya ng may isang lalaking nurse ang lumapit sa kanya. Sa tingin ko ay mukha pa itong nahihiya kay macelyn.
Inilahad nung nurse ang kamay niya at tinanggap naman niya ito.
Napabuga ako ng malakas sa hangin at tinitigan sila ng masama. "Uunahan mo pa kong loko ka ah"! Nang bumukas na ang elevator ay siyang mabilis niyang pagpasok dito. Tumakbo ako ng mabilis para mahabol siya. Pasara na sana ito at naiharang ko ang kamay ko kaya bumukas itong muli. Walang nakasakay kundi siya lang. Nanlaki pa ang mata niya sa gulat.
Tinitigan ko muna siya at saka ako sumakay. Nang sumara na ang pinto ng elevator ay itinukod ko sa dingding ang aking dalawang braso upang siya ay makulong.
"D-doc marco a-ano bang ginagawa mo? kinakabahang wika niya.
Sobrang lapit na ng mukha namin kaya hindi siya makatingin ng deretso sa'kin.
"Who is he"?
"Ha? saka lamang siya tumingin ng tanungin ko siya.
"The one who held your hand earlier? mahina ko namang sabi sa kanya.
"Nakipagkilala"
"You like him?
"Ano bang sinasabi mo!? hinampas ko pa ang dingding ng elevator na siyang ikinataka niya.
"Ako lang dapat ang gusto mo, ako lang dapat ang mahal mo naiintindihan mo Ms brilliantes?
"Alam mo hindi kita maintindihan Doc ma___"
Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya. I kissed her! Na siyang kinagulat niya. I kissed her passionately. Hinawakan ko ang batok niya habang hinahagkan siya ng buong pagmamahal. Hindi siya tumutugon sa mga halik ko dahil alam kong nagulat siya. Tumunog na ang elevator hudyat na nasa tamang palapag na, saka ko lamang siya binitiwan. Gulat na gulat siyang nakatingin sa'kin at muli akong nagsalita bago lumabas.
"I mark your lips now,
someday I'm gonna mark you there" turo ko sa kanyang leeg. Ngumiti lang ako sa kanya at saka lumabas na ng elevator.