CHAPTER 22

2531 Words
Nakalabas ako ng ospital halos lutang na lutang ako, hindi ako makapaniwala sa ginawa ni doctor marco. Nanginginig ang mga tuhod ko parang anumang oras ay babagsak ako. Napahinto ako at tumingin ng masama sa labas ng ospital. "Ano bang problema non ni doc marco!? "Bakit niya ginawa yon!? "Hindi niya ko gusto pero hinalikan niya ko!? Sunod sunod kong tanong sa aking sarili napatingala ako at napabuga ng malakas na hangin. Pagkuwa'y pumara na ko ng taxi at sumakay. Kahit nasa taxi ay wala pa rin ako sa aking sarili, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina sa loob ng elevator. Para akong aatakihin kanina sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi ko namalayang nasa tapat na pala ako ng aming bahay. "Mace hija nandyan ka na pala, gusto mo na bang kumain? Salubong sa'kin ni nana lumen mula sa sala. "Mamaya na lang po nana lumen busog pa po ako eh, si kuya po? "Oo nga pala nagpaalam ang kuya mo na may business trip daw sila ngayon one week daw siyang mawawala. Kanina pa daw siya tumatawag sayo hija" "Ah ganon po ba? kinuha ko ang cellphone ko sa aking bag at tinignan ito.15 missed calls galing kay kuya. Bakit hindi ko napansin? Ganon ba ko kalutang kanina? "Nakasilent po pala ang phone ko kaya hindi ko napansin" pagsisinungaling ko. "Tatawagan ko na lang po siya mamaya" "Okay sige hija, nasa likod lang ako kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako" "Cge po nana lumen salamat" Umakyat na ko sa aking kwarto, inihagis ko ang bag ko sa kama at pabagsak na nahiga. Bigla kong naisip si JK, kinuha kong muli ang aking cellphone at dinial ang number ni JK habang nakahiga ako sa kama. Mabuti na lamang at nagring ito. Naka tatlong ring lang at sinagot niya naman kaagad. "Hi mace! masayang bati ni JK sa kabilang linya. "Nasan ka? bakit hindi ka pumasok kanina? may sakit ka ba? gusto mo puntahan kita sa apartment mo? Sunod sunod kong saad sa kanya. Minsan kahit may sakit siya hindi niya pinapaalam kung hindi ko pa siya pupuntahan sa apartment niya. "Wala akong sakit mace saka nasa batangas ako ngayon" "Ha? anong ginagawa mo dyan? napaupo ako sa aking kama ng marinig yon sa kanya. "Pinapunta kasi ako ng tita ko dito namimiss na daw nila ang gwapo nilang pamangkin, sabay tawa nito. "Bakit hindi mo man lang ako sinabihan? may himig na pagtatampo ko, dati kasi pag aalis siya nagpapaalam kaagad siya sa'kin dahil alam niyang hahanapin ko siya pero ngayon hindi man lang ako sinabihan. "Sorry mace wag ka na magtampo biglaan kasi eh, saka nalowbat tong phone ko kakacharge ko lang ngayon. "Ok sige basta pasalubong pag-uwi mo ah! "Sure!! what do you want? "Kahit ano basta galing sayo, nakanguso kong wika sa kanya. "Yes boss! Miss mo na ko no?! "Oo sobrang miss na kita! kailan ka ba uuwi? Saglit siyang natigilan at narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya. "Jk may problema ba? "Ah wala naman, tatawagan kita pag-uuwi na ko para masundo mo ko, "Wow grabe ako pa talaga susundo sayo!? Tumawa naman siya pagkasabi kong yon. Ang totoo niyan namimiss ko na siya kahit 1 araw pa lang kami hindi nagkikita. Nasanay na din kasi ako na lagi siyang nasa tabi ko. Para din siyang si kuya kung mag-asikaso sa'kin. "Mag-iingat ka mace ah, yung mga gamot mo inumin mo sa oras at isa pa wag kang magpapakapagod okay? Bilin niya sa'kin. "Opo! umirap naman ako animo'y nakikita niya "Makapagbilin ka kala mo naman hindi na tayo magkikita, mag-ingat ka dyan okay? saka bilisan mong umuwi nabobored ako. "Sige na mace tatawagan na lang ulit kita ha? mag-iingat ka din. Pagkatapos namin mag-usap nahiga ulit ako at nakatitig sa kisame. Hindi ko maintindihan si JK parang ang lungkot ng boses niya habang kausap ko kanina. May problema kaya siya? Ipinagkibit balikat ko na lamang yon, tatanungin ko na lang siya pagkauwi niya. ------------------------------------------ "Hey bro happy birthday! bati sa'kin ni ng pinsan kong si wallace pagkapasok na pagkapasok niya dito sa aking opisina, umupo siya sa sofa at prenteng naka de kwatro. "Mauna na ka na bro sa bar susunod na lang ako sayo" "Why?. "May susunduin lang ako, nakangisi niyang sabi sa'kin. Mukhang may babae pa atang kasama to mamaya. "Babae na naman yan? inirapan ko siya habang nakasandal ako mesa ko at nakahalukipkip. "Of course! alangan lalaki? kailan pa ko nagsundo ng lalaki? "Kailan ka ba magseseryoso ha? "Kapag nagkapamilya ka na! tinaasan ko naman siya ng kilay, alam ko namang inaasar lang niya ko base sa ekspresyon niya. "siyanga pala bro pinadala ko na yung regalo ko sa condo mo" "Ano naman yon? curious kong tanong sa kanya "Basta malalaman mo pag-uwi mo mamaya, nakakaloko namang tinignan ako. "Sige bro kita na lang tayo mamaya okay? tumango lang ako sa kanya bago siya lumabas ng opisina ko. Tinukod ko ang dalawang kamay ko sa aking lamesa, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kanina samin ni macelyn. Nagalit kaya siya sa biglang paghalik ko? Paano kung hindi na niya ko kausapin? Paano kung ayaw niya ko makita? pano pa ko makakapagtapat niyan sa kanya? Samot saring pumapasok sa aking isipan. "Damn! mura ko at sabay hampas ng isang palad ko sa aking mesa. Inihilamos ko ang aking dalawang palad sa mukha ko at yumuko na nakapameywang. Bakit kasi pinairal ko yung selos ko? kainis! hindi ko kasi napigilan kanina lalo na kung ngumingiti siya sa iba. Nawala lang ang aking pag-iisip ng may biglang kumatok. "Yes come in! Nagulat ako pagkabukas ng pinto ng makita siya. "K-kristine! "Hi marco! nakangiti niyang bungad sa'kin "P-pasok ka, upo ka muna. Alok ko sa kanya. Umupo naman siya sa pang isahang upuan at ako naman sa mahabang sofa. "Do you want something to drink? "Ah hindi na, hindi rin naman ako magtatagal. Kaya ako nagpunta dito para batiin ka. "Happy birthday marco! "S-salamat! "Alam ko naman marco na wala na tayong pag-asa. Hindi ko na rin naman ipagpipilitan ang sarili ko sayo pareho lang din tayong mahihirapan. Mahal kita marco pero alam kong hindi ako ang mahal mo. "I-i'm sorry kristine" "You dont have to marco, masaya ako kasi nakilala kita. Naiintindihan kita marco na hindi napipilit ang pagmamahal. Malungkot niyang sabi sa'kin. Naging masaya din naman ako kasi naramdaman ko ang pagmamahal niya sa'kin kahit na naging unfair ako sa kanya. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit hindi ko siya magawang mahalin ng buo. Kung tutuusin hindi naman siya mahirap mahalin. Maganda siya, may pinag-aralan, mabait. Pero ang hindi ko lubos maisip bakit kay macelyn napaka dali niyang mahalin. Mahal ko siya hindi dahil sa awa at hindi dahil para makalimutan ko si Lyn. Mahal ko siya bilang si Macelyn. "Mahahanap mo din yung taong para sayo, yung hindi ka sasaktan kagaya ko. Yung mamahalin ka bilang ikaw. "Salamat marco, ngumiti siya sa'kin at di kalauna'y nagpaalam na din. + + + Pagpatak ng alas siyete ng gabi ay naligo na ko. At pagkatapos maligo naghanap ako sa walkin closet ko ng susuotin. Napili ko ang black dress na medyo hapit sa katawan ko na hindi gaano kaikli kaya kita naman ang hubog ng aking katawan at tineruhan ko ng over sized denim jacket at white rubber shoes. Naka bun naman ang aking buhok, at naglagay ng light make up. Ilang sandali ay narinig ko na ang busina sa labas sumilip muna ako sa aking bintana at nakita ang kotse ni doc wallace. Bago ako lumabas ng kwarto pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin at napangiti naman ako sa aking itsura. "Nana lumen aalis po muna ko ah, aatend lang po ko ng birthday ng kaibigan ko, paalam ko kay nana lumen na siya naman nanumuod sa salas. "Sige hija mag-iingat ka ha? humalik muna ko sa kanya at saka lumabas na ng bahay kung saan naghihintay si doc wallace. "Wow! you're gorgeous! puri ni doc wallace ng makalabas na ko ng gate. "Salamat do wallace" "Lets go? pinagbuksan naman niya ko ng kanyang sasakyan nang makapasok na ko siya namang umikot papaunta sa drivers seat. Habang nasa byahe kami napansin naman ni doc wallace ang pagiging tahimik ko. Nakatingin lang kasi ko sa may bintana at pinagmamasdan ang aming dinadaanan. "Tahimik ka ata? "Ha? sumulyap naman ako sa kanya at kumurap kurap. "Ah w-wala! "May problema ba? may masakit ba sayo? "Wala naman doc wallace! "hinalikan kasi ko ng pinsan mo! Yun sana ang gusto kong sabihin sa kanya sa sobrang inis. Napabuntong hininga na lang ako at napansin naman niya yon. "Ang lalim non ah! sabay tawa niya na ikinangiti ko lang. Mabilis lang kami nakarating sa bar na sinasabi niya. Maganda ang bar na pinuntahan namin. At mukhang hindi ordinaryong bar. hindi magulo at maingay. Pagkapasok pa lang namin ay binati na siya kaagad ng dalawang lalaki na malaki ang katawan. Malawak ang bar at sa may gitna ay merong kumakantang banda dinala niya ko sa gilid ng stage kung saan may bandang kumakanta. Nagtaka ako kung bakit kami doon pupwesto akala ko ba VIP? ipinagkibit balikat ko na lamang ito. "Hi bro! Bati ni doc wallace sa dalawa niyang kasama. Hindi ko pa makita ang itsura ng isa niyang kasama kasi nakatalikod ito sa'kin. "Sino na naman yan wallace? nakangising tanong ng lalaki. "Siyanga pala si macelyn, and this is roco kaibigan namin na may-ari nitong bar. Binati ko naman siya at nakita ko pang napalingon sa'kin ang kasama niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat nang magtama ang aming mga mata, hindi ko inaasahan na magkikita kami dito. "s**t ang puso ko mas malakas pa ata ang tunog nito kaysa sa bandang kumakanta." Nakita kong lumunok pa siya at nagbawi ng titig. "Ikaw pala si macelyn!? gulat na tanong ni roco ng makaupo na kami sa kanilang harapan. "Ah y-yes! kinakabahan kong sagot. "So ikaw pala yung nagpapabaliw ng isip ng kaibigan ko? "Roco! saway ni marco at uminom ng alak niya na nasa baso. Tumawa lang si doc wallace at roco. Nagulat naman ako sa sinabing yon ni roco. "Sa southville ka nag-aaral right? "Ah o-oo. Hindi ako makapagsalita ng maayos dahil kanina pa nakatingin sa'kin si doc marco. Hindi ko alam kung anong problema ng isang to, lalong lalo na pag naaalala ko yung nangyari kanina, mas lalo akong naiilang. "Siguro maraming nanliligaw sayo sa southville? "P-po??? ah, wala naman! pero ang totoo marami ang nagtatangka pero inuunahan ko na, dahil si doc marco lang talaga ang laman nitong abnormal kong puso. Kaso ang masakit hindi niya ko gusto at kailanman hindi niya magugustuhan. Iniiwasan ko na nga pero bakit pinagtatagpo pa rin kami? "Sa ganda mong yan wala nagtangkang manligaw? nanlaki pa ang mata ni roco bago sumandal sa couch. Narinig ko naman ang pabagsak na ibaba ni doc marco ang hawak niyang baso na may alak. "Bro lasing ka na ata ah! baling naman ni doc wallace sa pinsan, inirapan lang siya nito at muli akong tinignan, kaya naman sa kumakanta na lang ako tumingin. "Siyanga pala bro nakita mo na yung regalo ko sayo? tinignan ko naman si doc wallace kung anong ibig niyang sabihin. "Yes! tipid niyang sagot saka uminom ng alak "Happy birthday bro! "Ha??? takang tanong ko at tinignan si doc wallace na may nakakalokong ngiti. "I'm sorry mace i lied to you, si doc marco talaga yung may birthday, pag-amin niya sa'kin. "Bakit hindi mo sinabi? bulong ko naman sa kanya, "para malaman ko yung totoo, and you'll gonna thank me later, sabay kindat nito sa'kin na siyang ikinataka ko. Humarap naman ako kay doc marco at nakita kong nakatingin din siya sa'kin. Tumikhim muna ko bago nagsalita. "Aaahmm..."H-Ha..happy b-birthday d-oc marco! "s**t! bakit ba ko nauutal? at saka bakit ba siya ganyan makatitig? kanina pa siya ganyan! parang gusto ko na lang magtago sa likod nitong couch. "Salamat" saka lamang siya nagbawi ng titig. "What do you want to eat mace? tanong ni roco at tinawag ang waiter. "kahit ano na lang" Tinawag niya ang waiter at umorder ng pagkain. Maya maya ay napansin kong nagtanguan si doc wallace at roco. Hindi ko na lamang ito pinansin. "Mace pwedeng magtanong?-si roco "Ano yun? "Nagka boyfiend ka na? natigilan muna ko bago sumagot. "Hindi pa" nahihiya kong sagot, mataman lang nakatingin sa'kin si marco habang tinatanong ako ng kaibigan niya "Unbelievable! ang ganda ganda mo walang nanliligaw tapos hindi pa nagkakaboyfriend? bulag ba sila? Tumawa naman siya pati na rin si doc wallace, kaya napangiti na rin ako, samantalang si doc marco seryoso lang at parang walang pakialam. Asa pa ko na ngingiti siya. "Kung pwede nga lang liligawan ko tong si macelyn eh" Napaubo naman ako sa sinabi ni doc wallace at tinitigan siya ng may pagtataka. Narinig ko pa ulit ang pabagsak na lagay ni doc marco sa mesa ng baso niya, kaya naman napapitlag ako at napataas ang isang kilay ko sa kanya. "Bro problem? nakangising tanong ni doc wallace kay doc marco. Hindi naman ito sumagot at panay lang ang inom ng alak niya. "Wala namang sigurong magagalit kung liligawan kita di ba mace? "Ha!??? napasigaw naman ako dahil sa gulat, at pakurap kurap ko siyang tinitigan, pero nakatingin ito kay marco. "f**k wallace!!! mura niya kay doc wallace nakita ko pang nag-igting ang panga nito. "Bakit ba siya nagagalit? ano bang problema niya? Hindi ko na maintindihan mga kinikilos niya. Sumandal muna si doc wallace saka muling nagsalita. "Bakit ka ba nagagalit? wala namang masama kung liligawan ko siya ah! Not unless kung... Sumulyap muna siya sa'kin bago muling hinarap si doc marco. "Kung gusto mo din siya" Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pinagpalit palit ang tingin ko sa dalawa. Walang nagbababa ng titig. Kaya ako na ang pumutol sa tinginan ng dalawa "A-ano ka ba doc wallace wala siyang_____ "Yes!!! Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niyang sagutin si doc wallace. Bigla naman akong napatingin sa kanya at hindi pa rin niya inaalis ang titig sa kanyang pinsan ganon din si doc wallace. "Yes i really do like her! Tama ba yung narinig ko o sadyang nabingi lang ako? Sa sobrang kaba ko na hindi ko maintindihan nagkamali pa ko ng dampot ng baso. Nainom ko ang basong may lamang alak ni doc wallace kaya napaubo akong bigla. "Mace are you okay!? hinahagod naman ni doc wallace ang aking likod. Mabilis na tumayo si doc marco at lumapit sa aming pwesto na katapat ko lang. "f**k mace what did you do? "Akala ko kasi yung juice ko eh" Naiiyak na ko sa kakaubo hindi kasi ako sanay uminom ng alak at isa pa bawal sa'kin ang alak. Inabutan naman ako ni doc wallace ng tubig na siyang ininom ko. "Lets go" hila ni doc marco sa kamay ko kaya napatayo ako sa aking kinauupuan. "Teka san tayo pupunta? "We're going home" Nagkatinginan naman si doc wallace at roco saka ngumiti. "Sige bro! siguro naman mapapanatag ka na niyan? Huling sinabi ni doc wallace sa kanya saka niya ko hinila palabas ng bar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD