Nasa labas na kami ng bar ng hilahin ko ang aking kamay na hawak niya at hinarap siya.
"Ano bang problema mo ha!? Singhal ko sa kanya.
"Hindi na kita maintindihan Doctor Marco eh! Di ba hindi mo ko gusto? ano yung sinasabi mo kanina ha!?
"I never told you that i didn't like you mace!
"Hindi mo nga sinasabi pero pinaparamdam mo sa'kin na hindi mo ko gusto. Tapos kanina bigla mo na lang akong hahalikan sa elevator. Para ano ha!? Hindi ko na napigilan at pumatak na ang mga luha ko sa sobrang sama ng loob.
"Mace wala akong sinabing hindi kita gusto. Sa twing tatanungin mo ko kung gusto kita hindi kita sinasagot kasi hindi ko pa alam ang sagot sa tanong mo.
"Hindi pa ko sigurado sa nararamdaman ko sayo ng mga panahon na yun". Dahil ayoko ng magkamali, gusto ko sigurado na ko sa nararamdaman ko sayo. Until ng umalis ako sa school at bumalik na ko sa ospital. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sayo. Araw araw akong dumadaan sa school mo para lang makita ka. Tapos nakita kitang basa ng ulan noon at naghihintay ng masasakyan. Kaya yun na yung pagkakataon kong kausapin ka kaya dinala kita sa condo ko. "Kaya lang hindi ko nasabi sayo yung mga dapat kong sabihin, i was confused that time.
"But this time, alam ko na kung ano ang nararamdaman ko sayo" dahan dahan siyang lumapit sa"kin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
"I was damn in love with you mace" Mahal na mahal kita. Sa sinabi niyang yon ay dun na ko humagulgol, kaya niyakap niya ko ng mahigpit.
"Sshh...don't cry please, i'm sorry if i hurt you that way" i promise i wont hurt you anymore" pagkasabi niyang yon ay humiwalay siya ng yakap sa'kin at tinitigan ako. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang hinlalaki at hinalikan ang aking noo.
"I'm so sorry, will you forgive me? Tumango lamang ako at muli niya kong niyakap at hinalikan ang buhok ko.
Sobrang saya ko dahil hindi ko akalain na mahal na ko ni doctor marco na pinapangarap ko lang noon. Simula noong araw nang una ko siyang makita hanggang ngayon hindi pa rin nagbabago ang t***k nitong puso ko tanging si doctor marco pa rin ang siyang tinitibok nito.
"Lets go"! yaya niya sa'kin nang kumalas siya sa pagkakayakap
"San tayo pupunta"?
"Sa condo ko"
"Ha!??? b-bakit don? kinakabahan kong tanong sa kanya.
"Remember birthday ko ngayon?
"Ah oo nga pala"
"And i just want to spend the night with you" Seryoso niyang sabi sa'kin. Tumango na lang ako at ngumiti. Ito yong pangalawang beses na makakasama ko ulit siya. Sumakay na kami sa sasakyan niya ay mabilis na umalis.
Habang bumabyahe kami hawak niya ang kaliwang kamay ko at ang isang kamay niya naman ay nasa manibela. Mahigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay na tila ayaw ng bitawan. Lihim naman akong napapangiti kasi may ganitong side pala si doctor marco. Hindi ko akalain na mangyayari mismo sa'kin to, sobra sobra ang saya na nararamdaman ko ngayon na ayoko ng matapos.
Nang makarating na kami sa condo niya pinark niya ang kanyang sasakyan at naunang bumaba sa'kin, pinagbuksan niya ko ng pinto at inalalayan makababa. Hawak pa rin niya ang aking kamay hanggang sa makarating sa elevator, pakiramdam ko mahihimatay ako sa sobrang kilig. Hindi ko maintindihan parang tinatambol ang puso ko ngayon.
Nang makapasok na kami sa loob ng condo niya hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Dumeretso kami sa sala niya at naupo. Hinapit niya ang bewang ko at niyakap, napasinghap naman ako sa kanyang ginawa. Pakiramdam ko malalagutan na ko ng hininga sa mga oras na ito.
"Let"s stay like this for a while"
"Pagod ka?
"Hmmmn.. "pero ngayon hindi na, yakapin lang kita ayos na ko.
Lihim akong napangiti. Sana hindi lang to panaginip, kasi kung panaginip lang to ayoko ng magising. Maya maya ay kumalas naman siya ng pagkakayakap sa'kin at hinarap ako.
"Kala mo hindi ko pa nakakalimutan ah" pinanliitan naman niya ko ng mata.
"A-ang alin?
"Bakit mo binigyan si wallace ng cookies?
"Ah yon ba"? Napangiti naman ako sa itsura niya na halatang nagseselos.
Naisipan ko namang mas asarin pa siya.
"Kasi hinatid niya ko pasasalamat ko yun sa kanya"
"Hindi mo naman kailangan gawin yon" nakita ko pang umirap siya
"Saka isa pa kaibigan ko na rin naman siya"
Mabilis siyang napatingin sa'kin at tinaasan ako ng kilay. Pinipigilan ko namang mapangiti na halatang nagseselos.
"How come?
"Noong una ko siyang makilala sa ospital"
"Tsss! salubong na ang kilay niya at hindi man lang tumitingin sa'kin.
"Actually para sayo talaga yon" bigla namang nagbago ang ekspresyon niya ng marinig niya mula sa'kin.
"Papunta talaga ko sa office mo non para ibigay sayo yun, e ang kaso nakita ko kayo ni miss andrea nun tapos nakita ko pa kung pano ka ngumiti sa kanya. Malungkot kong wika na ikinaguso ko, nakita ko naman siyang napangiti na parang gusto pa niya ang narinig.
Inihilig naman niya ko sa kanyang dibdib at naririnig ko pa kung gano kabilis ang
tibok nito.
"Pumunta si miss andrea don para magpaalam"
"Bakit daw? nanatili pa rin akong nasa kanyang dibdib
"May offer daw kasi sa kanya sa london kaya nagpasya siyang tanggapin yon
Umalis naman ako sa pagkakahilig.
"E bakit kailangan niya pa magpaalam sayo? Hindi kaagad siya nagsalita at tinitigan lang ako, unti unti namang sumilay ang ngiti niya sa labi.
"You're jealous?
"Hindi ah!
"Yes you are"
"Hindi nga ko nagseselos tinatanong ko lang. Ako naman ang umirap sa kanya.
Kinuha naman niya ang isang kamay ko at pinagsiklop niya ang aming mga kamay.
"You dont have to get jealous, because i already told her na may mahal na ko. May kung anong naramdaman ako sa aking puso gusto kong magtatalon sa tuwa. Buti na lang napipigilan ko pa.
"Saka pag nagpagawa si wallace sayo ulit ng cookies wag mo ng igawa ah, may halong inis niyang himig
"E ano naman magkaibigan naman kami?
"Kahit na saka pwede ba wag kayo masyadong close"
"Bakit? saka mabait naman yung pinsan mo ah, isa pa masarap siyang kasama palagi pang nakangiti" pinagdiinan ko talaga ang salitang NAKANGITI.
"Saka babaero yon! kung yon lang ang pinoproblema mo, e di palagi na ko ngingiti sayo" Natigilan naman ako sa sinabi niya, gusto kong matawa kasi para siyang bata na nagseselos.
Pinisil ko naman ang dalawang pisngi niya na kinagulat niya.
"Ang cute mong magselos doctor marco" Ang totoo niyan gustong gusto ko ang itsura niya ngayon.
"Dont get me jealous, baka may magawa akong hindi maganda"
Napamaang naman ako sa tinuran niya, ganito ba siya kapossesive?
Niyakap naman niya ko at hinalikan sa sintido.
Nag-order na lang si doc marco para sa'ming dalawa hindi na kasi kami nakakain sa bar dahil sa biglaang pag-alis namin. Pagkatapos namin kumain pumunta na din kami sa kwarto pinagpalit muna niya ko ng damit, pinahiram niya sa'kin ang white t-shirt niya at pajama na kasya din naman sa'kin.
Kakalabas ko lang ng banyo ng makita ko siyang inaayos ang kama.
"S-san ka matutulog? nauutal kong sabi sa kanya.
"Dito" walang paligoy ligoy niyang sagot pinanlakihan ko naman siya ng mata at kunwari'y umubo.
"T-tabi tayo?
"Yes why? nakita ko naman ang pilyo niyang ngiti. Dahan dahan siyang lumapit sa'kin na siya naman ang ikinaatras ko, naramdaman ko na lang ang pader sa aking likuran tinukod naman niya ang kanyang palad sa pader at yumuko para magpantay kami.
"Afraid? nakangisi niyang tanong na ikinaiwas ko ng tingin..
"Hi-hindi ah! s**t naman sobrang lapit naman ng mukha namin hindi ako makahinga ng maayos.
"Then why are you acting like that? Hindi pa rin niya inaalis ang titig sa"kin. Madilim sa kanyang kwarto tanging isang lamp shade lang ang nakabukas.
"Aahmm ano kasi...ah d-doctor marco ang la-pit lapit m-mo hindi ako m-makahinga" i heared him chuckled.
Hinapit niya ko sa bewang na ikinasinghap ko at niyakap ako.
Ang bango bango niya parang gusto ko siya laging yakapin, sinubsob ko naman ang mukha ko sa kanyang dibdib.
"Let's sleep babe dont worry wala akong gagawin sayo" nagulat naman ako sa tinawag niya sa'kin, kaya naman tiningala ko siya.
"B-babe??
"Hmmmn..ayaw mo?
"Hindi naman, tipid siyang ngumiti.
Umupo siya sa gilid ng kama at tinapik niya pa yun para humiga na din ako.
Sumunod naman ako at nahiga.
"Come here babe" lumapit ako sa kanya at iniunan niya sakin ang kanyang braso at niyakap niya. Nakasubsob naman ako sa kanyang dibdib.
"Nagustuhan mo ba yung mga red roses? Napaangat naman ako para tignan siya.
"You mean?
"Yes its me" pinanlakihan ko naman siya ng mata dahil sa gulat.
"ikaw yung M.M??
"Yes it's my initial. "s**t naman bakit hindi ko naisip yon" sabagay ni minsan hindi sumagi sa isip ko na bibigyan niya ko ng bulaklak dahil ang alam ko hindi niya ko gusto.
"Hindi mo ba naisip na ako yon?
"Paano ko naman maiisip yon? Kasi sa pagkakaalam ko hindi mo ko gusto kaya hindi sumagi sa isip ko na ikaw yon.
"I'm sorry natakot lang kasi ko" wala kasi ko lakas ng loob para sabihin sayo.
Niyakap ko na lang siya ng mahigpit at parang ayaw ko ng pakawalan na sana lagi na lang ako sa mga bisig niya.
"I love you macelyn" he said in a husky voice. Hindi ako sumagot gusto ko siyang asarin.
"babe? tawag niya sa'kin ng hindi ako sumagot
"What?
"I said i love you" napangiti ako, hindi pa rin ako sumasagot.
Lumayo siya ng bahagya sa pagkakayakap para titigan ako.
"I already said i love you but you didn't answer me back" gusto kong matawa sa itsura niya para talaga siyang bata, ang sarap niya pang asarin. Hindi ko na talaga napigilan ang matawa sa kanya kaya pinanliitan naman niya ko ng mata.
"Stop teasing me ms brilliantes kung ayaw mong parusahan kita" natigilan naman ako sa kanyang sinabi, siya naman ngayon ang nakangisi.
"See? you're afraid huh?
Tumikhim muna ko bago nagsalita
"Alam mo doctor marco kahit hindi ko naman sabihin sayo yun alam mo naman ang sagot" Unang t***k palang nitong puso ko alam kong ikaw na, hindi pa rin nagbabago ang t***k nito sayo.
Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan niya ko pagkuwa'y dumako ang titig niya sa aking mga labi. Napalunok akong bigla parang alam ko na ang susunod niyang gagawin. Walang sabi sabing hinalikan ako ng banayad. Nilagay ko naman ang kamay ko sa kanyang dibdib at ang isang kamay niya ay nasa aking pisngi. Kapwa kami naghahabol ng hangin ng matapos niya ko halikan. Ngumiti siya at niyakap akong muli.
"Lets go to sleep" baka hindi ako makapagpigil. I'm not saint babe"
Pinilit ko na lang hindi magsalita baka kung ano pang mangyaring hindi maganda.