CHAPTER 24

1535 Words
Nagising akong wala na si Doc marco sa tabi ko, tinignan ko ang oras sa side table seven na ng umaga. Nagpasya akong bumangon at lumabas ng kwarto, nagpunta ako sa sala pero wala siya don kaya tinungo ko naman ang kusina. And there I saw him. Nakatalikod siya sa'kin at kitang kita ko ang lapad ng kanyang likod. Nakasuot itong white shirt at jagger pants at halatang medyo gulo pa ang buhok. Natutuwa akong pagmasdan siya habang nagluluto. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagtapat siya sa'kin kagabi at heto magkasama pa kami sa condo niya. Hindi ito isang panaginip kundi totoong totoo. Hindi ko na namalayan na nakatingin na pala siya sa'kin at nakangiti. Kaya naman lumapit na ko sa kinaroroonan niya. "Good morning! bati ko sa kanya. "Morning babe" hinalikan naman niya ko sa noo, nagulat ako sa ginawa niya at tinawag niya sa'kin. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako makapaniwala. Pinaupo naman niya ko at hinanda na ang almusal. Binigyan niya ko ng fresh milk at kape naman ang sa kanya. Umupo siya sa tabi ko at nilagyan ang plato ko ng kanin at ulam. Pag ganitong malapit kami sa isat isa hindi talaga nagiging normal ang t***k nitong puso ko, minsan nag-aalala na ko kung normal pa ba to. Tahimik kaming kumakain ng biglang magring ang cellphone ko na katabi ko lang. Nakita kong number lang ang nakalagay at hindi pamilyar sa'kin. Sinagot ko naman ito, ngunit hindi ko akalain na napindot ko din pala ang loudspeaker. Hindi pa ko nakakapagsalita ng magsalita na ang sa kabilang linya. "Hello baby? Muntik pa kong mabulunan sa tawag niya sa'kin. Napatingin naman sa'kin si marco at nakita ko pa ang pagtaas ng kanyang kilay na para bang gustong itanong kung sino yon. Nang hindi pa ko sumasagot ay muli siyang nagsalita. "Hello baby girl still there!? may halong galit sa boses ni kuya. At dahil nakita ko ang reaksyon ni doc marco naisipan ko na naman siyang pagtripan. Sumandal pa ito sa kanyang upuan at humugot ng malalim na buntong hininga na alam kong galit na. Tinanggal ko muna ang loudspeaker at inilagay sa tenga ko ang cellphone ko. Tatayo na sana ko para kausapin si kuya ng bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at pinaupo niya kong muli. Pilit kong hindi matawa sa tinuran niya. "Yes po? sagot ko kay kuya. Hindi ko siya tinawag na kuya para lalong magtaka si doc marco. "Where are you!? alam mo bang nag-aalala sayo si nana lumen? hindi ka daw umuwi kagabi, "I'm sorry dito kasi ko natulog sa bahay ng kaibigan ko dito na niya kasi ko pinatulog eh. Nalowbat din ako kagabi kaya hindi ako nakatawag. Nakita ko pa ang pag-igting ng panga niya at halatang nagpipigil lang ng galit. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil pinagseselosan niya ang kuya ko. Pinindot ko ulit ang loudspeaker para marinig na. niya ang pinag-uusapan namin. "Sa susunod magpaalam ka ha? pati ako nag-aalala sayo. "Opo sorry na po" nakatingin ako sa kanya habang nakikipag-usap kay kuya. Kita ko sa kanya ang inis. "Umuwi ka na din kagad ha baby girl"? "Yes po kuya" Mariin ko pang sinabi ang word na kuya na siya namang ikinataka. "Okay sige, dont forget to drink your medicine okay? "Oo na kuya! and forget my pasalubong okay? Nakita kong lumambot na ang ekspresyon niya sa narinig. Umiwas naman siya ng tingin sa'kin. Natapos kami mag-usap ni kuya ay hindi ko na talaga mapigilan ang tumawa at tinitigan siyang maigi, pinanliitan niya ko ng mata at inirapan. "Ang cute mo talaga doc marco, hindi ko naman mapigilan ang ngumiti, kung dati sinisimangutan niya ko dahil nakukulitan siya sa'kin, ngayon sinisimangutan niya ko dahil nagseselos siya. "So, you love teasing me huh!? Dahan dahan akong tumango sa kanya habang nakahalumbaba at nakatitig sa gwapo niyang mukha na ang sarap sarap titigan. Nagulat naman ako sa ginawa niyang mabilis na paglapit ng kanyang mukha sa'kin kaya naman mabilis akong napaatras. Sa sobrang lapit niya iniiwas ko ang tingin sa kanya, hindi na naman ako makahinga ng maayos. Pagkuwa'y dumako ang tingin ko sa kanyang mapupulang labi napalunok akong bigla. "oh god! ano ba naman to, bakit ba ganito siya? oh tukso layuan mo ako please baka hindi ako makapagpigil nito. "D-doc M-marco p-pwede bang lumayo ka muna please? nauutal kong sabi sa kanya na sa ibang direksyon pa rin nakatingin. "Why should I"? "s**t naman naaadik ako sa amoy niya! bakit naman kasi ganito siya kabango at kagwapo. "S-sorry na h-hindi ko na uulutin. Kaya p-pwede bang lumayo ka na. Nakita ko namang bahagya siyang ngumiti, at lumayo na kaya nakahinga na ko ng matiwasay. "Sa susunod paparusahan na talaga kita" ngumuso naman ako at inirapan siya. "Now eat, ihahatid na kita sa inyo baka ako pa ang parusahan ng kuya mo pag nalaman niyang dito ka natulog, nakangiti naman niyang wika sa'kin. Natapos na kami mag-almusal at nagpresinta akong ako na ang maghugas pero hindi niya ko pinayagan kaya nanatili na lang ako sa tabi niya at pinapanuod siyang maghugas. Maya maya pa ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib kaya naman napahawak akong bigla dito. Unti unti siyang sumasakit kaya napapakagat labi na lang ako, tinignan ko si doc marco nakatalikod pa rin ito, hindi niya ko pwedeng makita sa ganitong sitwasyon ayoko siyang mag-alala. Naalala ko yung gamot ko nasa bag ko yon, akmang tatayo na ko ng bigla akong napangiwi at napaungol ng bahagya kaya napalingon sa'kin si doc marco at mabilis na lumapit sa aking kinaroroonan. "Babe are you okay!? "Yong g-gamot ko pakikuha" dali dali siyang pumunta sa kwarto at kinuha ang bag ko kung nasan ang aking gamot. Kumuha siya ng tubig at binigay sa"kin, mabilis ko namang ininom ang. gamot. ko kaya medyo nakahinga na ko ng maluwag. "Feeling better now"? tumango lang ako lang ako at niyakap niya ng mahigpit. "We should go to your doctor" Umiling lang ako at hinarap siya, "Okay na ko doc marco saka nakausap ko na si dra ramirez mararanasan ko daw talaga to kaya dapat daw lagi ko inumin sa tamang oras yung gamot ko. "Are you sure? "Opo doc marco, kaya mag-ayos na tayo kasi may pasok ka pa at may pasok din ako mamayang tanghali, nangingiti kong saad sa kanya. Tumayo na kami at nag-ayos na ng sarili. * * * "Good morning Doctor Marco! Bati ng mga nurse kay marco ng madaan siya sa nurse station. "Good morning din, ngumiti siya ng matamis sa mga ito na ikinagulat nilang lahat. "Nurse Gina pakidala na lang sa opisina ko yung ibang chart ng mga pasyente okay? "S-sige po doc marco" Tumango naman si marco dito at saka ngumiti. Nagtataka naman ang mga nurse sa tinurang yon ni marco. "Grabe nurse gina nakita mo ba yon? Sabi ng isang nurse pagkalapit kay nurse gina. "Oo nakita ko, parang may kakaiba kay doc marco? Namaligno ba siya? wika naman ni nurse gina habang nakatanaw kay marco na palayo sa kanila. "Kakaiba yung ngiti niya eh, hindi naman siya ngumingiti ng ganon yon, parati kaya siyang masungit at seryoso, ngumiti man siya pilit lang. At isa pa hindi siya ngreresponse sa'tin ng good morning tanging tango lang ang ginagawa niya. Anong nangyari?? Takang tanong naman ng isang nurse na medyo may edad na "Naku namaligno na nga ata si doctor marco? Dyos ko! Nag sign of the cross pa si nurse gina "Sinong namaligno? "Ay maligno ka! gulat na napaharap si nurse gina sa nagsalita sa kanyang likuran. "D-doctor wallace! "Sinong namaligno ang sinasabi niyo? Takang tanong ni doc wallace sa mga nurse. "Doc wallace wala ka bang napapansin kay doc marco? tanong ng isang nurse na nagngangalang Yvette. Si doc wallace kasi ang lagi nilang nakakausap at minsan ay kabiruan din kaya naman malapit sila sa doctor. "Hmmnn.. wala naman anong meron sa kanya? bukod sa pagiging masungit at napaka cold niya anong kakaiba pa? "Kasi ganito yon doc wallace, panimula ni nurse gina na lumapit pa ng bahagya sa doctor. "Binati namin siyang lahat ng good morning, sumagot naman siya ng good morning din which is not normal sa kanya! laging response niya tanging tango lang. At heto pang isa ang nakakagulat, yung ngiti niya kakaiba hindi na siya normal doc wallace! Natawa naman si doc wallace sa mga sinabi ng mga nurse sa kanya. "Talaga!? Ginawa niya yon? Nakangiting tanong niya sa mga nurse "Oo doc wallace baka may alam ka kaya ganon si doc marco? si Yvette na nakahalumbaba pa sa lamesa Kunwari'y nag-isip muna si doc wallace bago sumagot. "Namaligno nga siya" Gulat na nagkatinginan ang mga nurse sa sinabi ni doc wallace. "Namaligno siya ng pag-ibig! Naiiling na natatawang turan ng doctor. "Wag kayo mag-alala normal na normal siya, namaligno lang siya ng pag-ibig! Natawa din ang mga nurse sa sinabing yon ni doc wallace. "Naku pag-ibig lang pala ang makakapag palambot kay doc marco, wika ng may edad na nurse. "E ikaw doc wallace kailan ka mamamaligno ng pag-ibig? nakangising sabi ni nurse gina "Hindi ako tinatablan ng maligno" nakangiting wika ng doctor. "Sige puntahan ko muna si Marco, kung talagang namaligno na nga siya. Nagkatawanan naman silang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD