Pumasok na kaagad si wallace sa loob ng opisina ni marco at nakita niya itong nakaupo sa kanyang swivel chair at nagtitipa sa kanyang cellphone nahuli niya pa itong nakangiti.
"Tama nga ang sabi ng mga nurse namaligno ka na nga"!
Nag-angat naman ng tingin si marco at sinamaan niya ng tingin ang kanyang pinsan. Umupo naman si wallace sa. harap nito.
"Ano bro nasabi mo na ba? nakangising baling niya kay marco
"Yes! I told her everything.
sumandal naman si marco sa kanyang swivel chair at hinarap si wallace.
"Kung hindi ka pa namin bubwisitin ni roco wala ka talagang balak magtapat sa kanya.
"Wallace may balak naman ako, dapat nga ngayon ako pupunta sa kanila e ang kaso dahil sa kagagawan niyo ___
Pinutol ni wallace ang susunod niyang sasabihin at nagsalita.
"Dahil sa kagagawan namin napaganda ang plano mo right? saad ni wallace na may halong nakakalokong ngiti.
Bumuntong hininga naman si marco.
"Saan mo pala siya dinala kagabi?
Hindi pa rin naaalis kay wallace ang ngisi nito.
"Sa condo ko"
"And then?
"What do you mean and then?
"I mean ano pang ginawa niyo?
"Kumain syempre at natulog yun lang! may halong inis na sagot niya sa pinsan alam kasi niya ang ibig nitong sabihin.
"Hindi ka man lang nagpaputok!?
Nanlaki naman ang mata ni marco sa sinabi ni wallace. Kahit kailan talaga hindi matinong kausap ang pinsan niya. at tuwang tuwa pa siya kapag inaasar siya.
"Whaaat!?
"Dyos ko marco need mo ata ng seminar!
"Tigilan mo ko wallace! hindi ako katulad mo,
"Marco mahal mo naman si mace, at isa pa kailangan mong pagpawisan!
Hindi na mapigilan ni wallace ang humagalpak ng tawa dahil sa reaksyon ni marco.
"Alam mo pareho kayo ni mace, tawang tawa kayo pag inaasar ako eh!
Irap nito sa pinsan.
"O di ba i told you she's bubbly,
"Yeah right! pero ayokong lapit ka ng lapit sa kanya,
"Bakit naman? nagseselos ka?
Asar ulit niya kay marco
"Bro ano ka ba wala akong gusto kay macelyn, kaya lang ako napalapit sa kanya dahil sayo" kung hindi ako gagawa ng paraan tuluyan siyang mawawala sayo. Masyado kang torpe, hindi ka naman pangit, mas gwapo lang ako sayo
Tinaasan lang siya ng kilay ni marco na ikinangiti naman ni wallace.
"kumusta pala siya?
sumeryoso naman ang itsura ni marco at napansin ito ni wallace
"May problema?
"Yes, kanina kasi nanikip na naman yung dibdib niya and i was scared. Ewan ko iba yung pakiramdam ko, i need to talk to dra. Ramirez.
"Sa tingin mo sasabihin sayo yun ni dra. Ramirez? that was personal marco, at alam mo yun.
"Yes i know, nag-aalala lang ako para kay mace"
"Try to ask her bro"
Tumango lamang siya sa sinabi ni wallace.
JK POV
Hindi ko maiwasang hindi mamiss si macelyn, tatlong araw ko na siyang hindi nakikita. Umuwi muna ko dito sa batangas kung saan nakatira ang tita ko na kapatid ni mama. Isang linggo akong magbabakasyon dito. Lumayo muna ko para kahit papano maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Narito ako sa tabing dagat at nakaupo, gustong gusto ko ang amoy ng dagat, naaalala ko si mace noong dinala ko siya sa may tabing. dagat at kitang kita ko ang kanyang matatamis na ngiti. Ang dami kong naiisp na kung nagtapat kaya ko sa kanya posible bang magustuhan niya ko? Kaso hindi eh, una pa lang nararamdaman kong kaibigan lang talaga ang turing niya sa'kin at hindi na hihigit pa don. Kaya naman ayos lang sa'kin basta nasa tabi ko lang siya at naiiparamdam sa kanya kung gaano siya kaimportante sa'kin. Kaso mukhang mag-iiba na ang sitwasyon namin. Meron na siyang Marco na mag-aalaga sa kanya at lagi na sa tabi niya. Masaya ako para kay macelyn kasi sa mag oras na to alam kong masaya na din siya.
Sana pagbalik ko at makita siya wala na ang sakit na nararamdaman ko. Ang hangad ko lang sa kanya ay ang kaligayahan niya.
Hindi ko namalayang may luha na pa lang dumaloy sa aking pisngi.
"Mahal na mahal kita macelyn, sobrang mahal na mahal kita lahat gagawin ko para sayo maging masaya ka lang" bulong ko sa aking isipan at hindi ko na napigilan pang humagulgol.
------------------------------------------
"Aahmm.. excuse me po, Nandyan po kaya si doc marco sa opisina niya?
Tanong ni macelyn sa isang nurse. Dumaan muna si macelyn sa ospital bago siya umuwi gusto niya munang makita si doc marco at nagdala siya ng cake para dito.
"May surgery ngayon si doc marco miss eh, hindi ko lang alam kung anong oras matatapos,"
"Ah ganon ba? bakas kay macelyn ang lungkot. Lumapit naman sa kanya ang isang lalaking nurse at binati siya. Siya yung nurse na nakipagkilala sa kanya noong nakaraan.
"Hi Macelyn, nakangiting bati niya sa dalaga.
"Ah, i-ikaw pala josh, ganting ngiti naman niya sa binata.
"Bakit ka pala nandito?
"Ah, hinahanap ko kasi si doctor marco. eh, kaso may surgery pa pala siya.
"May checkup ka ba sa kanya?
"Ha? w-wala ano kasi eh… aaahm..
Naramdaman na lang ni macelyn na may humawak sa kanyang bewang kaya napasinghap siya. Tiningala niya ito at nakita ang gwapong si marco na seryoso ang mukha at nakatingin kay josh.
"Kanina ka pa? malambing na baling niya kay macelyn.
"Ha? ah, hindi naman kararating ko lang.
Nahihiya naman siya kasi nakatingin sa kanila ang mga nurse pati na rin si josh na kanina ay nakangiti, nawala lang ng makita niya si marco na nakapulupot ang braso sa kanyang bewang.
"Lets go" yaya ni marco at hinawakan siya nito sa kamay.
"Yon pala ang girlfriend ni doc marco no!? Masayang turan ni nurse Yvette,
"Ang cute naman niya, bagay sila! sabi naman ni nurse gina at naghagikgikan naman sila maliban kay josh na tahimik lang na nakamasid sa papalayong sina marco at macelyn.
"Namaligno na talaga ng tuluyan si doc marco, sana lagi siyang namamaligno para laging good mood! sabay tawa ni nurse gina.
"Ang saya niyo ah! anong meron?
Lapit ni wallace sa dalawang nurse na nasa nurse station. Nakasuot pa ito ng scrub suit at halatang kakatapos lang ng surgery niya.
"Naku doc wallace nandyan kasi yung nagpamaligno kay doctor marco! kinikilig na baling ni Yvette kay wallace.
"Talaga nandyan si macelyn?
"Oo doc wallace mukha ngang nagselos pa dito kay josh kasi kausap niya kanina. eh. Tumingin lang si wallace kay josh na. tahimik lang na nakikinig sa kanila.
"ah, h-hinahanap lang niya kasi si doc marco kanina, sagot ni josh kay wallace na hindi makatingin ng deretso.
"Ah ganon ba? sige puntahan ko muna sila"
"Sige poh doc, sagot naman ng dalawang nurse.
Nakasimangot naman si Marco nang makapasok na sila ni macelyn sa opisina nito, naunang umupo si marco sa mahabang sofa at tumabi naman si macelyn kay marco. Ipinatong muna niya ang cake na dala niya sa center table at hinarap si marco.
"May problema ba doc marco?
Hindi siya sinagot ni marco at tinaasan lang siya nito ng kilay.
Anong problema nito? may nagawa ba kong hindi niya gusto? tanong ni mace sa kanyang sarili.
"Galit ka ba? mahinang saad niya kay marco. Tinitigan naman siya nito at nagsalita.
"Mukhang type ka nung josh huh!
"Ha??
"Halata namang may gusto sayo yon"
naiinis niyang wika sa dalaga.
"E hindi ko naman siya gusto"
Mabilis na sagot naman ni macelyn
"E sinong gusto mo"?
Hindi kaagad nakasagot si macelyn at tumingin muna sa ibang direksyon bago sumagot.
"I-ikaw" nahihiya niyang sagot kay marco, na siya namang ikinangiti ng doctor.
"Sino nga ulit hindi ko narinig eh"
"Ikaw" hindi pa rin siya tumitingin kay marco
"Now look at me babe and tell me"
Bumuntong hininga muna siya at tinitigan si marco.
"paulit ulit naman eh, gumaganti ka lang sa___
Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng halikan siya ni marco at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.
Napapulupot na lang siya sa batok ni marco at hindi na nagprotesta pa. Sa totoo lang kanina niya pa gustong halikan si marco dahil namiss niya ito kahit nagkikita naman sila.
Naghiwalay ang mga labi nila na kapwa hinihingal at tinitigan siya ni marco at hinaplos ang kanyang pisngi.
"I miss you babe" malambing na wika ni marco.
"I miss you too"
hahalikan pa sana siya ni marco ng biglang bumukas ang pinto at tinulak kaagad ni macelyn palayo si marco sa kanya.
"Oh f**k bro! sorry hindi ko alam busy pala kayo! natatawang bungad ni wallace na nakatayo sa may pintuan.
Pinamulahan naman si macelyn hindi niya inaasahan na makikita sila sa ganoong ayos ni wallace.
"f**k wallace hindi ka ba marunong kumatok? inis na singhal ni marco sa kanyang pinsan.
"Ano ka ba marco hindi naman talaga ako kumakatok kapag pumupunta ako dito sa opisina mo, sa susunod maglock ka na lalo na't may girlfriend ka na!
Nanlaki ang mga mata ni macelyn na tumingin kay wallace at kinindatan lamang siya nito. Napayuko na lamang siya dahil sa hiya.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito!? inis na baling niya sa kanyang pinsan. Naupo naman si wallace sa kaharap na upuan nila at palipat lipat ang tingin kay macelyn at marco.
"What wallace!?
"Nothing, masaya lang ako sa inyong dalawa. At saka totoo ngang namaligno ka na, nangingiting wika ni wallace.
"Ha namaligno? takang tanong ni macelyn na hinarap si wallace.
"Oo mace! namaligno ng pag-ibig! sabay tawa naman nito. Samantalang si marco matalim na ang pinupukol nito sa kanyang pinsan.
"Bro headlines ka sa nurse station"
"Ano na naman yon?
"Kakaiba na daw kinikilos mo, hindi ka na daw normal! hindi pa rin ito tumitigil sa kakatawa, kaya pati si macelyn ay napapangiti na din.
"Ano bang napapansin nila kay doctor marco? nakangiting tanong ni macelyn kay wallace
"He knows how to smile, not a fake smile but the real one, and binabati na niya yung mga nurse niya.
Tinignan naman ni macelyn si marco
"Ibig sabihin hindi ka lang talaga sa'kin masungit?
"Hindi naman sa ganon, well I'm not used to it.
"Naging ganyan lang siya dahil sayo mace"
"Shut up wallace" mahinang saway nito sa pinsan.
Nangingiti naman si macelyn dahil isa pala siya sa dahilan kung bakit hindi na siya nagsusungit.
"Ah, doc marco dinalhan kita ng cake kasi wala akong regalo sayo nung birthday mo"
"Sinong may sabi sayong wala kang regalo?
"Hmmm..?
"Ikaw,..
"Ha? takang tanong ni macelyn
"Ikaw lang sapat na"
saglit na tinitigan ni macelyn si marco. Tumikhim naman si wallace kaya napatingin silang dalawa sa kanya.
"Kailan ka pa naging ganyan kacorny ha Doctor marco mendez?
Binato naman ni marco si wallace ng throw pillow.
"Hindi bagay sayo bro! natatawang turan niya. Walang ginawa si wallace kundi asarin ang kanyang pinsan.
"Tawagan mo ko kapag nakauwi ka na ha? bilin ni marco ng nasa labas na sila ng ospital.
"Opo doc marco"
nakanguso niyang sabi
Maya maya ay pumara na siya ng taxi, bago pa siya makasakay ay hinalikan muna siya nito sa noo na ikinasinghap niya hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa siya kay doc marco.
Hanggang sa taxi ay hindi maalis ang kanyang ngiti sa mga labi. Lagi niyang sinasabi na sana hindi na matapos ang kanyang nararamdamang kaligayan.