"Good morning kuya, good morning nana lumen"! masayang bati ni macelyn habang papalapit siya sa dining area, humalik naman siya sa pisngi ng kuya niya at nana lumen. Umupo siya sa harap ng kuya niya at sumadok ng kanin at ulam. Nakatingin lang si mazer kay macelyn sa ikinikilos nito.
"Are you okay mace"? Napahinto naman sa pagsubo si macelyn at hinarap ang kuya niya, ngumiti siya dito para maitago ang kanyang totoong nararamdaman.
"Oo naman kuya! you dont have to worry okay?
"Kasi iba yong itsura mo kahapon"
"Bakit ano bang itsura ko kuya panget ba ko? natawa pa siya sa pagbibiro niya sa kuya niya.
"Nope" I see pain in your eyes" sandaling natigilan si macelyn. At sabay natawa para hindi lang siya mahalata nito.
"Kuya pagod lang po ako, masyado lang busy sa school, alam mo na kuya 1 year na lang gagraduate na ko.
"Ah oo nga pala" saka wag ka masyado magpapagod, inumin mo sa tamang oras yang mga vitamins mo.
"Kuya im really really okay" you dont have to worry about me" saka kuya hindi habang buhay ako lagi ang iintindihin mo. Wag puro lagi ako ang iniintindi mo, dont give up your own happiness, find a girlfriend kuya you're not getting any younger anymore" you're too old na. Napamulagat naman siya sa sinabi ng kapatid. Tama naman ito dahil sa pag-aasikaso niya sa kanyang kapatid pati sarili niya ay nakakalimutan na niya. Ni hindi man lang niya magawang tumingin sa mga babaeng nagkakagusto sa kanya, abala siya masyado sa trabaho at sa pag-aasikaso sa kanyang kapatid. Ngayon pa lang iniisip niyang magkaka girlfriend siya tapos magkakaroon ng sariling pamilya ay nababahala na siya paano si macelyn kapag nagkapamilya siya"? Mas gugustuhin pa niyang maunang magka asawa ang kapatid kaysa sa kanya at least alam niya na may mag-aalaga na sa kanya kahit pang late na siya mag-asawa, dahil mas mahalaga ngayon para sa kanya ang kaligayan ni macelyn. "W-what did you say? I'm too old na? Humagalpak naman ng tawa si macelyn sa tinuran ng kapatid.
"Yes kuya! buong buhay mo ako na lang lagi ang iniintindi mo, saka hindi naman ako baldado kuya para alagaan pa. Puso lang ang may problema sa'kin. "na si doc marco lang ang makakapagpagaling nito" gusto sana sabihin niya sa nakatatandang kapatid. Natapos ang kanilang almusal at papalabas na silang magkapatid ng bahay na siyang dating naman ni JK.
"Buti na lang hindi pa ko late" Nakangiting lapit ni JK kay macelyn.
"Oh JK what are you doing here"?
"To fetch you, sabay na tayo pumasok"
"Sige na JK pumasok na kayo, ikaw na bahala kay mace may meeting din kasi ako ngayong umaga.
"No problem kuya mazer" so lets go? yaya na niya kay macelyn. Pinagbuksan naman niya ito ng pinto ng kotse at nang makapasok na, siya naman ang umikot sa driver seat. "Bubuksan na sana ni JK ang engine ng hawakan ni macelyn ang kanang kamay nito kung kaya't napatingin naman si jk sa kaibigan.
"Thank you JK" seryosong sabi nito sa kaibigan. Na ikinataka naman ng binata.
"For what"?
"For everything" You're always there for me when I need you. Ikaw ang nagiging sandalan ko kapag nalulungkot ako. Ikaw lang din ang nkakapagpasaya sa'kin. I'm so lucky to have you as my bestfriend.
"Alam mo naman mace na gagawin ko ang lahat para sayo. Kahit ano pa yan, makita lang kitang masaya "Kahit na mas sasaya ka pa sa iba". Hinding hindi kita iiwan and i'll be your bestfriend forever". Habang binibitawan niya ang mga katagang yon ay siya namang nasasaktan sa mga sinasabi niya. Mamahalin na lang niya ang kaibigan ng lihim, dahil para sa kanya mas mainam pa na siya ang nasasaktan kaysa si macelyn ang nakikita niyang nasasaktan.
"Anong label niyo ba ni JK ha macelyn"? tanong ng kaibigan kong si mary, She's my classmate in other subjects naging kaibigan ko siya when I was in 3rd year college, mabait siya at katulad ko madaldal din at may pagkatsismosa.
"E d bestfriends! mabilis kong sagot sa kanya, kasalukuyang nandito kami sa library at nagbabasa.
"E siya ba tingin mo bestfriend lang ang turing sayo? napaangat naman ang tingin ko sa kanya at isinarado saglit ang librong binabasa ko.
"Anong ibig mong sabihin?
"Macelyn hindi ka naman siguro manhid para hindi mo malaman at mapansin no" may gusto sayo si JK hindi mo ba halata yon?
"Mary mag bestfriends lang kami okay, matagal na kami magkaibigan simula nung highschool pa lang kaya ganon.
"Oo nga magbestfriends nga kayo, meron bang magbestfriend na lagi hinahatid at minsan sinusundo sa bahay at nakikita pang magkaholding hands kung minsan. Sa sobrang sweet niyo aakalain talaga ng nakakakita sa inyo magjowa kayo! mahabang litanya ni mary sabay ngisi. nito sa'kin.
"Wala namang malisya yon samin" saka tigil tigilan mo nga yang pagiging tsismosa at pati ikaw nagiging malisyosa na,
"Hindi naman sa ganon friend, syempre yun ang nakikita at nararamdaman ko sa kanya. Ikaw bestfriend ang turing mo, e siya ba? baka higit pa sa kaibigan ang turing sayo". Hindi ko na lang pinansin ang mga kalokohang sinasabi ni mary, ipinagsawalang bahala ko na lang ito masyado ng nagiging malisyosa itong kaibigan ko.
"Hello kuya masusundo mo ba ko"? kausap ni macelyn si mazer sa cellphone at nasa parking lot na ito ng eskwelahan kung saan siya madalas nito sinusundo.
"I'm sorry baby girl may meeting ako with the board members ngayong hapon eh" si JK hindi kayo sabay"?
"may group project daw kasi sila ngayon baka late na daw sila matapos. "Magtataxi na lang ako kuya"
"Okay sige mag-iingat ka ha? tawagan mo ko kapag nakauwi ka na".
"Yes kuya" inend na kagad niya ang end button pagkatapos niyang makipagusap sa kuya niya. Humugot muna siya ng malalim na buntong hininga saka nagpasyang umalis na sa parking lot. Pagtalikod niya ay nakita naman niya papalapit si doc marco sa gawi niya. Pareho pa silang nagulat ng magtama ang mga mata nila.
"Ah doc m-marco ikaw pala"
"What are you doing here"?
"Akala ko kasi susunduin ako ni kuya eh, kaso may meeting pa pala siya"
"Where's your friend?
"Ah, wala din may group project sila ngayon kaya wala ako kasama umuwi. Sandaling katahimikan, tumikhim muna si marco bago muling nagsalita.
"Halika na sabay na kita,
"P-po!? Nanlaki naman ang mata ni macelyn sa alok ni marco, Hindi niya inaasahang na isasabay siya nito pauwi.
"Lets go" pagkasabi non ni doc marco ay naglakad na siya papunta sa kanyang sasakyan kung saan ito nakaparada. Unti unti namang sumilay ang ngiti ni macelyn sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay malalaglag ang puso niya sa tuwa.
"Tatayo ka na lang ba dyan? napa ayos naman ako ng tayo ng napansin niyang hindi pa ko sumusunod sa knya. Saka lang ako napalapit sa kanya at pinagbuksan ako ng pinto ng kanyang kotse "sana lagi siyang mabait". Habang nagmamaneho siya ay pasimple ko naman siyang sinusulyapan. Ang sarap niyang titigan kahit napaka seryoso ng mukha hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan, pano na lang kaya kung ngumiti siya eh di mas lalo na! "nangingiti na lang ako sa mga isiping iyon nang bigla siyang magsalita.
"You're acting weird" nasa daan pa din ang tingin ni marco.
"huh?!
sinulyapan niya muna saglit si macelyn saka ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Kasi kanina ka pa ngiti ng ngiti dyan.
"Masaya lang ako doc marco"
"pansin ko nga"
"Kasama kasi kita" napaubo naman si marco sa sinabi ni macelyn saka niya ito muling sinulyapan.
"Lets eat first, bago kita ihatid sa inyo" hindi pa kasi ako naglunch,
"What?! Anong oras na doc marco past four na ngayon ka lang maglulunch?
"Marami kasi akong ginawa kanina na kailangang tapusin"
"Kahit na doc marco, hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom, doctor ka dapat alam mo yan"
"You look like an angry mother that scolded their child".
"aah, s-sorry concern lang naman ako. "ano ba naman yan, hindi ko dapat sinabi yon, mukha tuloy akong engot"! nakagat na lang ni macelyn ang ibabang labi niya at tumingin na lang sa labas ng bintana.
Sa italian restaurant sila pumunta, pagka park ni marco ay sabay na silang bumaba. Namangha naman si macelyn dahil napaka class ng restaurant na pinuntahan nila. Nauna namang pumasok si marco at kasunod naman si macelyn. Tingin niya ay puro mayayaman ang mga kumakain don base na rin sa nakikita niya. Nahiya naman siyang bigla dahil nakasuot siya ng uniform at napapatingin naman yung ibang kumakain don. At pansin din niya ang mga babae don ay ngkakandahaba ang leeg sa pagsulyap kay doc marco. Pumwesto sila sa bandang dulo malapit sa bintana, tinawag naman ni marco ang waiter na kaagad namang lumapit sa kanila.
"What do you want to eat"? Marco asked while looking at the menu. Si macelyn naman ay nagugulat sa mga presyo ng pagkain, kaya hindi niya malaman kung anong pipiliin niya.
"Aaahm...doc marco ikaw na lang ang bahala, hindi ko kasi alam kung anong oorderin eh.
"okay! one frutti de mare, eggplant parmigiana, caesar salad and spaghetti puttanesca.
"Thats all sir?
"yes!
"right away sir! Umalis na kaagad ang waiter pagkakuha ng order nila. Hindi naman mapakali si macelyn sa kinauupuan niya dahil hindi niya akalain na dito pala sila kakain.
"Are you okay? Tanong ni marco na nakakunot ang noo.
"Actually nahihiya kasi ako, ang mahal kasi dito saka nakakhiya naman yung suot ko, mukha akong naligaw lang dito kung hindi siguro kita kasama. Pinasadahan naman ni marco ito ng tingin bago muling nagsalita.
"There's nothing wrong with that"
"Sabagay, iisipin ko na lang na first date natin to at sinundo mo ko sa school" Tumaas naman ang kilay ni marco at naiiling na tumingin kay macelyn.
"Ayan ka na naman magsusungit ka na naman eh! joke lang doc marco! Paminsan minsan ngumiti ka naman, para ka kasing pinaglihi sa mangga eh.
"Bakit mangga?
"Lagi kasing maasim yang mukha mo"
w-whaat?
"Joke lang ulit, saka siya ng peace sign dito. At maya maya ay dumating na din ang pagkain nila at nagsimula na silang kumain. Panaka naka ay sinusulyapan ni macelyn si marco, kahit sa pag kain nito ay napaka seryoso pero hindi nababawasan ang kagwapuhan nito. Pagkuwa'y dumako ang tingin nito sa mga labi ni marco, "ano kayang lasa ng mapupula niyang mga labi"? kasing tamis siguro yon ng asukal"? napalunok na lang siyang bigla sa mga naiisip na yon, sa halip ay pinagpatuloy na lang niya ang kanyang pag kain, baka mapansin pa niya na pinagpapantasyahan niya ito. Pagkatapos nilang kumain ay inihatid na din siya kaagad ni marco, tinuro naman nito kung saan ang bahay nila.
"Salamat po doc marco, tumango lamang si marco bago makababa ng kotse si macelyn. Sumilip muna si macelyn sa nakabukas na bintana ng kotse ni marco sa passenger seat ng makababa na siya at muling nagsalita.
"Ingat ka doc marco" at sana maulit pa yung date natin kanina" pang-aasar na wika ni macelyn habang kumakaway dito.
"Tsss! Isipin mo kung anong gusto mong isipin, masungit na sagot naman niya dito.
"Joke lang ulit! ang sarap mo kasing asarin, nakangisi niyang wika
"Sige na pumasok ka na sa inyo"
"okay doc! ingat ulit. Nakaalis na si marco pero hindi pa din naaalis kay macelyn ang mga ngiti niya na halos mapunit na ang kanyang labi sa sobrang pagkakangiti.