CHAPTER 10

1120 Words
"Okay class before we dismiss, any questions regarding our topic"? Tanong ni doc marco sa kanyang mga estudyante. Nakatayo siya sa harapan ng mga ito na nakasandal sa teachers table, at nakacross arm at ang mga binti nito ay naka ekis din. "Doc! Taas ng kamay ng isang estudyanteng lalaki mula sa likuran. "May girlfriend na daw po ba kayo? pinapatanong po ni becca! ang tinutukoy nito ay ang katabi niyang babae. Habang ito naman ay halatang kinikilig at inaantay ang sagot niya. Nabalutan naman ng tuksuhan at hiyawan ang buong klase napahilot na lang siya sa kanyang sintido at muli nagsalita. "Is that related on our topic? Masungit niyang sagot na nakataas ang isang kilay. "Sige na po doc sagutin niyo na gusto lang namin malaman" yung isang estudyanteng babae naman ang nagtanong. "Dont ask my personal life, kung hindi naman related sa subject yang itatanong niyo hindi ko yan sasagutin. "Aaaaay! Napaka misteryoso niyo naman pala doc,. "E anong status niyo naman ni miss andrea doc? "A friend a colleague" thats all! Mabilis niyang sagot sa isa ng estudyante, "Kung wala na kayong itatanong about sa diniscuss natin today well class dismiss", nauna nang lumabas si marco sa mga estudyante niya dahil ayaw na niyang marinig pa ang mga tanong nila kung sakali. Naglalakad na siya papuntang faculty ng may mapansin siyang mga estudyanteng nagkukumpulan malapit sa faculty, may nagpapapicture at authograph. Hindi niya makilala ang babae dahil nakatalikod ito at natatakpan ng mga estudyante. Lumapit siya sa mga ito at nagsalita. "What's going on here? pumihit naman paharap ang babae nang marinig niya ang boses ni marco. "Marco" Nakangiti niyang bati dito. "K-kristine", Nagpalit palit naman ng tingin ang mga estudyante kina marco at kristine. "At maya maya ay lumabas naman mula sa faculty si Ms Andrea dahil sa narinig na ingay mula sa labas. "students! anong ginagawa niyo dito? saka bawal kayo dito ah, wala ba kayong mga klase? Nagsialisan na isa isa ang mga estudyante at nabaling naman ang tingin ni andrea kina marco at kristine. Lumapit si kristine kay marco at saka lamang siya muling nagsalita. "Can we talk"? Tinitigan lamang muna ni marco ito at bumuntong hininga. "Okay, lets go" Inalalayan ni marco si kristine sa braso at iginiya niya ito palabas ng Med building. Naiwan namang nagtataka si andrea pagkaalis ng dalawa, nag-iisip kung ano ang relasyon ng mga ito. Napayuko na lamang siya at matamlay na pumasok ulit sa loob ng faculty. "Macelyn narinig mo na ba"? tanong ni Mary dito habang bumababa sila ng hagdan, kakatapos lang ng huling klase nila at pupunta muna sila sa coffee shop para antayin na lang don si JK dahil hindi pa tapos ang huling klase nito. "Ang alin"? "Pumunta daw dito yong girlfriend ni Doctor Marco! my gosh ang ganda daw! siya yong sikat na fashion designer sa ibang bansa, Halata kay Mary na manghang mangha ito, napansin naman nito ang pananahimik ni macelyn. "Uy friend pasensya na, hinging paumanhin naman nito sa kaibigan, humarap ito kay mary at ngumiti ng tipid. "Ayos lang ano ka ba"! pero sa tingin mo girlfriend niya kaya yon? "Ewan, siguro? yon kasi yung mga naririnig ko eh. Pero mukha namang hindi friend. "Paano mo naman nasabi? "E kasi base na nakalap kong tsismis yong umalis sila kanina palabas ng school hindi naman daw sila sweet at saka parang normal lang daw ganon. "Baka naman hindi lang showy si doc marco? bat naman kami ni JK hindi magkasintahan pero sweet di ba? Malay mo kabaligtaran yun. "pero shet ang sakit pag malaman mo yung totoo! Sana naman hindi totoo yon, wala pa nga kami sa climax tapos malalam ko may girlfriend? Umiling iling na lang ako sa mga naiisip kong yun. "Alam mo friend sinasaktan mo lang yang sarili mo sa naiisip mo! Ipagpray mo na hindi sila magjowa at wala pang jowa si doc marco para may pag-asa ka pa! sabay tawa nito na ikinasama ng tingin ko sa kanya. Tahimik kami ni kristine habang kumakain sa malapit na restaurant sa southville university. Natapos kaming kumain at saka lang kami muling nag-usap. "aaah marco, hows your teaching? balita ko magaling ka daw magturo? "Okay lang din naman, mas stress ako kaysa sa ospital. "Maiistress ka talaga dahil mas marami kang admirer ngayon, Sabay pa kaming natawa dahil sa sinabi ni kristine. Muling naalala ko si macelyn dahil araw araw na lang akong kinukulit nito, napangiti na lang ako at tumingin sa labas ng bintana ng restaurant. "Kinausap ako ni tito cedric" napatingin akong muli sa kanya, walang ekspresyon ang kanyang mukha at mataman din siyang nakatitig sa'kin at inaantay lang din ako magsalita. Na wala siyang marinig mula sa akin ay nagpatuloy siya sa kanyang sasabihin. "He wants us to get back together marco" "You know it wont happen kristine" "Why marco? why? saglit akong natahimik at yumuko. Narinig ko pa ang malakas na pagbuntong hininga niya at dahan dahan akong nag angat ng tingin. "Siya pa rin ba? till now marco siya pa rin? pumikit muna akong at kinagat ang ibabang labi at muli siyang binalingan, Tumango ako sa kanya bilang pagsagot ko sa kanyang mga tanong. Nakita ko pang hinahid nito ang luha niya sa isang pisngi at tumingin sa labas ng bintana. "Pano mo siyang minahal kung isang beses mo pa lang naman siyang nakita at isa pa marco my god! you're still young at that time! how could you say that you love her!? medyo tumaas na din ang boses niya ng sabihin niya sa kin ang mga katagang yon na naagaw naman namin ang atensyon ng mga taong kumakain dito. "Hindi ko alam kristine", nagising na lang ako isang araw na iba na ang nararamdaman ko, hindi na siya maalis sa isip ko, I know I'm too young that time na hindi dapat muna ganon ang pakiramdam ko. Pero hindi nagpapigil to eh, turo ko sa aking puso.I'll try to find her, but I failed. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magiging ganito" Hindi ko lubos maisip na masasabi ko yon lahat lahat ng saloobin ko kay kristine. I dont want to hurt her. "I'm gonna win you back marco! and thats final! Pagkasabi niyang yon ay tumayo na siya at iniwan na ko at hinahabol na lang siya ng tingin habang palabas ng restaurant. Ilang minuto pa ang nilagi ko sa loob pagkatapos umalis ni kristine ay nagpasya na din akong umalis. Nasa parking lot na ako at akmang bubuksan ko na ang pinto ng kotse ko ng may marinig akong tumawag sa isang napaka pamilyar na pangalan. Kumalabog ng husto ang dibdib ko at hindi makagalaw sa aking kinatatayuan hawak ko pa ang pinto ng kotse ko. "LYN"!!!!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD