"Cai?" "Hmmm?" "Thank you again for having dinner with me." "Kanina ka pa nagpapasalamat. Para ka nang sirang plaka. And correction mister, wala lang akong choice dahil binlackmail mo ako." Sumubo uli ako ng karne. Masarap ang pagkain pero hindi ko halos malasahan lalo pa at na nasa iisang lugar lang kami ng kinamumuhian kong mga tao. "Still, I'm glad." Ngumiti ito. "This is my first step, you know." "Tumigil ka na nga sa mga ganiyan ganiyan mo. Nakakapanindig-balahibo. Nakakapangilabot." He laughed then turned serious. "But we are friends right now, right?" "Sasama ba ako kung hindi?" "Good. Then that only means I'm on the right track." "Naku ka. Enough of that topic. Magkuwento ka na nga lang about your life in US. Matagal din ang limang taon, a." Sumimsim ako ng wine. He sip