Naalimpungatan ako sa pakiramdam na may kumikiliti sa aking kilikili. Nakataas ang aking mga kamay sa aking ulunan at naka-expose ito kaya ramdam na ramdam ko ang parang mga balahibong nagtataas-baba dito. Pinalis ko ang mabuhok na bagay at tumalikod. Niyakap ko ang unan sa tabi. Antok na antok pa ako dahil napuyat ako kagabi kakanood ng Netflix. Sinulit ko na dahil minsan lang magpahiram ng account si Pariah. May kumuha ng aking kumot at naglakbay na naman ang balahibo sa paa ko pataas patungo sa binti. Nakarinig ako ng hagikhikan. Hindi pa rin ako dumidilat. Hininila pa rin ako ng diyosa ng tulog. "Kapag 'di ka pa talaga tumigil sa mga pinaggagagawa mo Mike, may kalalagyan ka talaga sa akin," banta ko sa kaniya dahil patuloy pa rin akong nakikiliti ng balahibo. Sino pa ba ang mai