"Mama.." sapo ko ang nasaktang pisngi at 'di makapaniwalang nakatingin sa ina na ngayon ay hinihila na ako pabalik sa elevator. Sinubukan kong kumawala pero kinaladkad na niya ako. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao sa paligid. "Mama, ano'ng ginagawa mo dito?" tanong ko nang sa wakas ay pakawalan niya ako. Sinalubong ko ang kaniyang galit na mga mata. "Tinatanong mo pa ako niyan?" sikmat nito. "Paano mo nagawa ang bagay na ito Myca? May mali ba sa pagpapalaki ko sa iyo? Kailan pa kita tinuruan na maghiganti? Kailan ka pa natutong traydurin at isawalang-bahala ang kapakanan ng kompanya? Alam mo bang sa ginawa mo ay mababalewala ang lahat ng paghihirap ng ama mo? Di ba sinabi ko na sa iyong kalimutan mo na sila?" Naghihinakit na mga mata ang ipinukol ko kay mama. "Wala akong ama. Hi