"Sheks?" Sumigok ako. "So you've won." Natawa ako kasabay nang pagtulo na naman ng mga luha. Kung alam niya lang kung ano ang mga nangyari, hinding-hindi niya sasabihin iyon. "Pyschic ka ba? Alam mo na kaagad e." Huminto ako sa pagsasalita para sumagap ng hangin. "Bakit ganon? Ang sakit. Ang sakit sakit talaga. Akala ko kapag nakuha ko na ang gusto ko, makakaramdam man lang ako ng kahit kaunting saya pero bakit mas lalong naging complicated." Sobrang sakit sa pakiramdam na malamang pinaglihiman ka ng iyong ina sa napakahabang panahon. Sobrang sakit ding isipin na nagawa kong saktan ang kaisa-isang lalaking minahal ko. Pero ano pa ba'ng magagawa ko? Nangyari na ang nangyari. Nasaktan ko na siya. Hindi ko na maibabalik ang nakaraan. "You earned it. Now deal with it. That's life. Hind