"Okay ka na ba? How are you feeling?”
Hindi ako kumibo sa tanong ni Jacques at nagpatuloy lang sa pagtitig sa malawak na golf court sa paligid. Nasa isang mataas na bahagi kami ng siyudad. A country club as what I’ve read in the road sign habang papasok ang sinasakyan namin kanina.
Kanina ay wala na akong nagawa kundi magpahinuhod na lang kay Jacques sa kung saan man niya ako balak dalhin kasi na wala na akong lakas na tumutol.
I was just too exhausted and drained at the same time to even think about it.
Ayaw ko ring umuwi muna dahil mahahalata lang ako ni mama. Ang protective pa naman niya. Ayaw ko ring malaman niya na sa Royal Hotel ako nagi-intern. Ang alam lang niya kasi ay sa isang restaurant ako nagtatrabaho.
Iniunat ko ang mga paa na kanina pa nangangalay sa pagkabaluktot dahil sa posisyon ng pagkakaupo ko. Sumandig ako sa hood ng kotse at tiningnan si Jacques.
“Thank you kanina,” tipid kong turan.
Nagkibit-balikat lang ito. “Don’t mention it. Anything for you.” Ibinulsa nito ang mga kamay at umupo sa hood ng kotse.
"Can I sit beside you? Will you not get angry?"
"Yeah, go ahead." Umusod ako nang kaunti para ipakita rito na pumapayag ako.
Umupo ang lalaki sa tabi ko.
“So, care to tell me kung ano ba talagang nangyari?” He cleared his throat before finishing his sentence. “The last time I heard before… before…yeah, okay pa naman kayo ng father mo dati di ba?” ang nag-aalinlangan nitong tanong.
I frowned at him. “Why can’t you say it? Yes, before you left for abroad and broke up with me, I think okay pa naman ang relasyon naming dalawa. Well, not until he kicked my mother out of the company because of an unfounded accusation. He, of all people should know na hindi magagawang mag-embezzle ni mama ng pera. She spent more than half of her life in the company then sisirain lang niya ang reputasiyon niya?”
Natahimik ito ng ilang sandali. “About that Cai. You know it’s for the best, right? I did not just leave you. It just so happened that I have no choice that time. Please believe me. I was just pressured by my parents to take up my MBA abroad. It’s because—“
Pinutol ko na ang sinasabi niya. “Stop it. Wala namang mababago. Nangyari na ang dapat mangyari. Nasaktan mo na ako. I’ve learned my lesson. And for that, am also partially thankful to you. You know, kung di mo ako iniwan noon, I’ll still be that weakling na palagi na lang nakaasa sa iyo. It is a good thing, I may say. Kaya tigilan mo na yang kakapaliwanag mo. Stop it and move on. Get that thing out of your system. I’m okay now.” Tuluy-tuloy kong litanya.
Oo na. Ako na ang dakilang sinungaling. In denial na kung in denial pero so what? Kailangan kong panindigan ito. Pride na lang ang mayroon ako. I should save it at least.
Nabasa ko ang pagguhit ng sakit sa kaniyang mga mata na dagli rin namang naglaho. Siguro guni-guni ko lang iyon.
“I’m glad, Cai. I’m glad. But now that I am here, I am hoping against hope na sana bumalik yung pagka-weakling mo. I’d be more than happy to be your savior again.” He smiled sadly.
Napatawa na lang ako. How pathetic.
"You think it's that easy huh? Reality check, Jacques. It's been years already. Napakarami na ang nangyari. And if ever I'd wanted to bring back something from the past, it certainly is not my weak side. I abhor it."
Natahimik na kami pareho pagkatapos.
Tumikhim ako para basagin ang katahimikan.
“By the way, bakit hindi yata executive position ang hawak mo ngayon? The last time I checked, your family has more than enough shares in the conglomerate to afford you that position,” pang-uusisa ko.
Dahil sa nangyari kanina ay mas lumakas ang loob ko na ipagpatuloy ang naunang plano. It's time to make a move.
“Nah, I have always wanted to learn the rudimentary things. Bottom top ika nga. Paano ako hahawak ng isang mataas na tungkulin kung wala akong kaalam-alam how it was being operated from the bottom part. Hindi din naman ako naging head agad ng HR department. Naging receptionist muna ako. Bellboy. Na-assign din sa office works sa branch sa US. Lahat napagdaanan ko before all of these. Siguro matatagalan pa bago ko tanggapin ang vice-presidency na pinipilit ni mama,” sagot nito.
Napahanga ako sa kaniyang sinabi. Yes, this is the Jacques I have always known. Maabilidad. Matalino. Hindi feeling entitled porket anak ng may-ari.
Napangiti ako. “Hey, matured as usual. Ang perfect mo talaga.” Hindi na masyadong awkward ang ere kaya nagawa kong sabihin iyon.
Napatanga na lang siya sa akin at napailing-iling. “Finally you smiled to me. Kung alam ko lang na ang purihin ako ang makakapagpangiti sayo, sana dinala na kita agad-agad sa bahay. Lumalaki ulo ko doon kakapuri nila sa akin.” Kinindatan pa niya ako.
Natahimik ako pagkarinig ko sa binanggit niya. Ilang beses na ba nilang napag-usapan noon kung kailan siya nito ipapakilala sa mga magulang nito bilang girlfriend? Kung saan ang kanilang magiging bahay? Kung ilang anak at ang kanilang mga ipapangalan?
Tsk. How naïve.
Ngumiti lang ako. “Right.”
Katahimikan uli.
“Cai, about that surname thing. How did it happen?”
“Ah, that. I was never a Chu. Si Mike lang ang Chu sa aming dalawa. Hindi pa naman ikinasal sila mama noong ipinanganak ako at alam mo naman siguro ang isa pang malaking dahilan kung bakit hindi ko dala-dala ang apilyedong iyan. My father never gave me the validation to carry it. Ako lang naman itong pilit na inaangkin noong una na isa akong Chu. You know, para naman may masabi akong connection sa aking ama. But the records are contradicting my insistence kaya hinayaan ko na lang din. It's a waste of time now as I look back. Hindi na din napalitan yung sa birth certificate ko dahil nag-file agad ng annulment si papa kay mama. It was a very brief marriage, though,” napangiti ako nang sarkastiko.
“I see. But still, you are your father’s daughter, Cai. May karapatan ka pa rin sa kompanya. I can help you, you know. Just say it and I’ll be more than capable to help you,” alok nito.
“Jacques,” sa kauna-unahang pagkakataon ay tawag ko sa kaniyang pangalan. “Nakakalimutan mo yatang hindi naman na tayo magkaibigan. Mag-ex lang tayo kaya wala kang responsibilidad na tulungan ako at wala din akong planong humingi ng tulong sa iyo,” sabi ko.
“I insist. Bago pa man naging tayo ay naging magkaibigan muna tayo. Just give me time to sort things out. I’ll do anything in my power,” giit nito.
"No, tumigil ka nga. And who gave you an idea na maghahabol ako sa kayamanan niya?”
Naging seryoso ang mukha nito. “We both know na alam mo kung ano ang ibig-sabihin ko, Cai. And if my memory serves me right, mismong ikaw ang umamin sa akin na plano mo na talagang sa kompanya magtrabaho. And there’s nothing wrong with that. You have all the right.”
“Internship lang ang rason kaya pumasok ako sa hotel. Don’t assume anything." Bumaling ako sa kaniya. "Hindi ko na uulitin kasi narinig mo na din naman kanina. Unless hihiwalayan niya ang babaeng iyon at lilinisin niya ang pangalan ni mama, walang anak niya ang magbabalik sa poder niya."
Tumahimik ito. "I'm really sorry for leaving that time. Kung hindi ako umalis, sana ay natulungan ko pa kayo ni tita. I'm sorry."
"What would that sorry do, Jacques? It's just a word. No bearing at all. Na-appreciate ko naman pero wala eh, hindi naman natin maibabalik ang nakaraan. Siguro tama talaga iyong nabasa ko that promises are meant to be broken."
Tumayo ako at pinagpag ang dumi sa may puwitan. "Don't take it as my way of putting the blame on you. May kasalanan rin ako dahil hinayaan ko ang sariling umasa sa iyo." Tumalikod na ako. “Gusto ko nang umuwi.”
Naglakad na ako patungo sa backseat at binuksan ang pinto at sumakay. Tiningnan ko mula sa loob si Jacques na natitigilan pa rin at malalim na nag-iisip.
Pinukpok ko ang likod gamit ang kamao. Nangangalay ang buong katawan ko sa buong araw na pagtayo at pag-assist sa mga customers. May reception ng wedding kasi na idinaos sa hotel tapos kulang ang mga tao dahil may dalawa pang event sa taas. I volunteered to assist. Kaya na rin naman ng receptionist ang trabaho sa desk.
"Myca!"
Napatuwid ako ng tayo at hinanap ang tumawag sa akin. Nakita ko sina Xylca at Barbie na nasa labas ng hotel at kumakaway sa akin. Gumanti rin ako ng kaway sa kanila habang lumalapit ako.
"Uy, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko nang makalapit na sa kanila.
"Nagba-bandying bandying lang. Wala kaming prof ngayon kaya dinamay ko na si Barbie na maglakwatsa muna," sagot ni Xylca at ininspeksiyon ang building sa likuran ko.
Nakakunot na tiningnan ko ang oras. "6 pm na. May klase ka pa pala? Akala ko morning session ang kinuha mo?"
"Naubusan ako ng slots sa pang-umaga. Alam mo namang natagalan ako sa pag-e-enroll. Hanep pala tong kompanya ng tatay mo ano Myca. Ang gara. Bes, may free accomodation ba ang mga friendships mo rito? Kasali ba kami?"
Tinuktukan ni Barbie sa ulo si Xylca dahilan para samaan nito ng tingin ang kaibigan.
"Ano ba?! Masakit kaya iyon!" angil ni Xylca habang hinihimas ang nasaktang ulo.
"Sira ka kasi. Magdahan-dahan ka nga sa pagsasalita. Lagyan mo ng preno iyang bibig mo. Para kang nagka-diarrhea sa bibig," ani Barbie.
"Galit ka na niyan? Nagbibiro lang naman ako tas naghahanap na rin ng lusot para makapasok. Tingnan mo naman kasi yan o." Itinuro nito ulit ang building. "Pang-mayaman talaga ang estilo. Kapag ako pinapasok ni Myca diyan, hindi kita isasama."
"Tama na nga iyan," awat ko sa kanila at inakay na palayo ang dalawa na konti na lang talaga ay baka magsabong na sa harapan ko. Inakbayan ko ang dalawa. "Saan ba tayo ngayon? Pagod na ako pero kaya ko pang tumaob ng isang case."
Nagniningning ang mga mata na itinuro agad ni Xylca ang nadaanan naming isang bar. "Diyan tayo!"
"Ilusyunada. Mahal diyan, Xylca. Pansin mong de-kotse lahat ang mga parokyano? Siguro mahal din ang mga inumin diyan. Meron kayang pulang kabayo diyan?" curious na tanong ni Barbie.
"Malamang presyong sugar daddy," sagot ni Xylca.
Tumatawang nagpatuloy na kami sa paglalakad. Pumagitna ako sa kanilang dalawa at humawak sa kanilang mga braso. "Walang bar ngayon. Hassle. Sa bahay tayo magka-kala. Wala si mama ngayon. Game kayo tutal Sabado naman ang bukas."
"Libre mo?" si Xylca.
"Sira. Kulang pera ko. Chip in tayo."
"Huy Barbie. Pandalawa ang ibayad mo. May utang ka pa sa aking bente nung nakaraan," singil nito kay Barbie.
"Kapal muks mo! Ang sabi mo libre mo iyon sa akin?" palag ni Barbie.
"Huy Barbie! Ikaw ang kapal muks. Wala nang libre sa panahon ngayon no! Kahit nga isang piraso ng malunggay ay may presyo iyon pa kayang bente pesos!"
"Hindi na talaga ako maniniwala sa iyo kahit kailan." Kunwari ay nagtatampo ito sa gilid.
Sinabunutan ko ang dalawa. "Tumigil nga kayo. Hindi alak ang ibig sabihin ko na chip in. Sa pulutan lang tayo mag-aabono. May naiwan pa kasing isang case ng beer si mama noong birthday niya. Iyon ang uubusin natin."
"Di mo naman agad sinabi. Na-shook tuloy ang hindi nagbabayad-utang na si Barbie," parunggit ni Xylca.
"Sapakin kita diyan eh. Isa pa," banta naman ng isa.
"Sige nga. Sapakin mo nga ako kahit isang beses. Isusumbong kita kay fafa PMA mo."
"Nanggigigil na talaga ako sa iyo!"
Nangingiting nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Mamaya ay magbabati rin iyan sila na parang walang nangyari.
Tumunog ang cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko ito at binasa ang message. Galing na naman sa kaniya. Pinatay ko ang cellphone at hindi na nag-abalang mag-reply. Gusto ko lang muna nang tahimik na gabi.