Matapos ang nangyari sa canteen ay 'di na uli ako nilapitan pa ni Jacques. Buti naman. Ayoko ng istorbo. Ayoko nang insultuhin siya uli. I can't help it kung lapit pa rin siya ng lapit sa akin. Baka siya pa ang mapagbuntunan ko ng lahat.
Dumaan ang ilang linggo ng hindi ko namamalayan. Sa awa ng Diyos, maayos naman ang mga pangyayari. Wala masyadong aberya sa internship. Iyon nga lang, pagod palagi. Kada uwi ko ng bahay ay tulog na diretso. Parang pangkaraniwan na lang din ang p*******t ng kalamnan.
Akala ko naranasan ko na ang lahat ng paghihirap sa trabahong ito pero iba ang Royal Residences. Hindi lang katawan mo ang pagod, pati utak mo ay damay na rin pati ang pasensiya mo.
Ikaw ba naman ang buong araw nakatayo at palaging naka-assist sa anumang hilingin ng mga super entitled na tao sa mundo. Alam niyang trabaho niya iyon pero may mga tao lang siguro na kulang sa aruga at nagpapa-baby.
Konting lapse lang, gusto agad na ipatawag ang manager o 'di kaya naman ay superior. Nakakabaliw rin silang payapain na talo pa ang mga bata sa pagta-tantrums.
Sa palagay rin niya ay nagiging plastic na ang kaniyang ngiti. Ang sakit na ng kaniyang panga sa kapipilit sa sarili na ngumiti at bumati sa mga taong kanina lang ay muntik ka nang buhusan nang malamig na tubig.
Wala na rin akong panahon na sumama sa mga lakad ng barkada dahil sa daming ginagawa.
Naghikab ako saka nagpunas ng luha sa gilid ng mata. Kulang na kulang ako sa tulog kagabi dahil inayos ko pa ang mga in-voice para sa online shop ko. Nagbebenta ako ng mga damit at accessories sa isang online app. Tuloy, madaling-araw na ako nakatulog.
Kararating ko lang sa hotel at naghahanda na para sa araw na iyon. Nasa receptionist's area na ako bilang halili kay Sheena na absent dahil sa trangkaso. Yumuko ako at ready nang batiin ang unang guest na papalapit.
"Good morning maam, sir! Welcome to Hotel Royal Residences! How may I help you?" masiglang bati ko.
Nag-angat ako ng tingin mula sa mamahaling sapatos ng customer papunta sa mukha nito. Biglang napawi ang ngiting nakapaskil sa aking bibig nang mapagsino ang nasa harapan.
Seryoso ang mukhang nakatanghod sa akin ang lalaki.
"I've been told na dito ka nga nagtatrabaho. Sa una hindi ako naniwala. I have to come here to confirm it myself," saad nito at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.
Tumigas ang aking anyo at biglang umahon ang paghihimagsik sa dibdib. "Well now that you have indeed confirmed it, puwede na ba akong bumalik sa aking trabaho, sir? Baka masayang lang ho ang binabayad niyo sa akin sa pakikipagkuwentuhan lang. Labag din po iyon sa aming guidelines dito. I hope you understand," pag-didismiss ko sa kanya.
Alam ko namang magkikita kami. Akala ko handa na ako pero hindi ko pa rin maiwasang manginig.
Tinitigan lang niya ako at nagbuntung-hininga. "How are you Myca? How's Mike?"
Nag-init ang mukha ko sa galit. "Si mama bakit 'di mo kinumusta?" Ngumiti ako nang mapakla. "Ah, oo nga pala. Nakalimutan ko. Bawal pala. Sorry," sarkastiko kong sagot.
"Bumalik na kayo sa bahay. Hinihintay na kayo doon ng Tita Angeli mo at ng kapatid mong si Deniece. It's high time to complete my family," imbes ay sabi nito.
Napaismid ako. "Did you just involuntary omitted my mother in the equation? How low of you to think na mas pipiliin ka namin ni Mike kaysa kay mama? Di pa naman siguro kayo ganyan katanda para maging ulyanin. Ipapaalala ko lang po na you deliberately chase us out of your house the moment na pinatalsik ninyo si mama sa company and married that bitch."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtaas ng boses. Bastos na kung bastos pero hindi ko na talaga kinakaya ang pinagsasabi nito.
Oo, ama niya ito ngunit sa birth certificate lang dahil hindi ko kailanman naramdaman na naging ama siya sa akin. He never even acted like it. Para lang akong bato noon para sa kaniya. Nilalagpasan lang. Hindi pinapansin. Hindi pinag-ukulan ni kaunting pagmamahal.
"Watch your mouth young lady! Hindi kita pinalaking ganyan!" namumulang sigaw ng lalaki.
Napapatingin na ang ibang mga tao sa amin. Nakikita na rin niya ang mga nakaunipormeng bodyguard ng ama na papunta sa kanila.
Umismid ako at ikinuyom ang mga kamao. "Sorry but I don't take into consideration the words of an adulterer. At pinalaki? Anong pinalaki? Sinong pinalaki? Clearly that's not me!"
Akmang papagitna na ang isa sa mga bodyguard ngunit pinigilan ito ng lalaki sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay.
"Okay, I'm not here to talk about the past. Naiintindihan ko kung saan ka nanggagaling. Believe me when I say it. Pero Myca, narito ako bilang isang ama. Gusto ko na rin kayong makasama kaya sana, have the heart to talk to your mother and brother. I've endured years of not being able to see you. Tatlong taon na hindi ko man lang kayo nakasama. Ni hindi ko nasubaybayan ang pagbibinata ni Mike," paliwanag pa nito.
Hindi nagbago ang ekspresyon ko sa mukha. "Bakit ako? Bakit hindi kayo ang kumausap kay mama? As usual duwag ka pa rin. Hindi mo pa rin kayang harapin si mama kasi guilty ka pa rin. Wag mong ipasa sa akin ang bagay na hindi ko naman kayang gawin. Sa ating dalawa, hindi ako ang dapat gumagawa ng pabor. Ah, sorry ulit. Nakalimutan ko ulit. Ayaw mo palang ma-offend or masaktan man lang kahit kaunti ang mag-ina mo kaya okay lang na kami ulit. Kami ulit ang malalagay sa alanganin. Ibang klase ka ring tao ano. Walang katulad."
"Wag kang gumawa ng eskandalo rito. Remember you are an employee here and I am the boss. Rumespeto ka!" mariing wika nito.
Tumuwid ako ng tayo para ipakita rito na hindi ako natatakot sa kaniya. Hindi na ako ang dalagitang nakukuha niya sa pambabalewala at iiyak na lang sa isang sulok. Wala na ang batang gagawin ang lahat ng gusto niya para paluguran ito. Matagal ko nang ibinaon sa limot ang nakaraan ko kasabay nang pagbaon ko sa katotohanang may ama pa pala ako. Wala naman kasing kwenta. Hindi naman kasi siya kahit kailan nagpakaama sa amin.
"Tama ka. Empleyado lang ako rito kaya entitled din naman ako na tratuhin mo ako ng respeto. Respect begets respect, Mr. Chu."
Namewang ito at humugot nang malalim na hininga. "Myca, stop this. Itigil mo na iyang pagpapairal nang katigasan ng ulo mo. Umuwi na kayo ni Mike sa bahay. Tama nang binigyan ko kayo ng limang taon na manatili sa poder ng ina niyo. Look at your yourself. Look what being hardheaded had done to your life. Ni hindi ka maipasok ng ina mo sa magandang unibersidad. Balita ko rin ay nalululong na sa sabong ang kapatid mo. Ni hindi niya kayo madisiplina nang maayos!"
Nakakuyom ang kamao na hindi ako nagbawi ng tingin dito. Wala na rin akong pakialam kung bumabaon na ang kuko ko sa laman sa palad dahilan para dumugo ito. Naramdaman ko ang init at hapdi ng sugat pero hindi ko ito ininda. Mas nakapokus ang buong sistema ko sa pang-iinsulto niya sa amin lalo na kay mama.
"Okay, babalik kaming dalawa ni Mike sa bahay kung iyon ang gusto mo."
Lumiwanag ang mukha nito.
"Pero sa isang kondisyon. Hiwalayan mo si Angelie at linisin mo ang pangalan ni mama. Kung gagawin mo iyan, buong kusa ng loob kaming babalik sa iyo." Binigyan ko siya ng ngiting nang-uuyam. "Hindi mo kaya di ba? Hindi mo masikmurang isipin kaya paano mo naiisip na magagawa namin? Ilagay mo ang sarili mo sa posisyon namin. Ah, oo nga pala. You have never for once cared for us. Puro ka na na lang si Angelie at Deniece."
"Myca!" sigaw nito.
"Wag mo akong sigawan! Hindi ikaw ang nagpapakain sa akin kaya wala kang karapatang pagtaasan ako ng boses. Insultuhin mo pa si mama kahit isang beses, I might really change my mind about accepting the offer."
Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay dali-dali na akong naglakad palayo. Malapit na talagang tumulo ang aking mga luha at hindi ko siya bibigyan ng kasiyahan para makita iyon.
Napatigil ako sa paglalakad nang mapansin ang mga tao sa lobby na nakapako ang atensiyon sa amin. Base sa mga tingin nila ay mukhang narinig nilang lahat ang nangyari. Natigilan ako nang makita sa di kalayuan si Jacques na nakatayo at mukhang kanina pa nakikinig.
Nababasa ko ang awa at simpatiya sa mata nito na naging sanhi para umusbong uli ang galit ko. Hindi ko kailangan ng awa kaninuman. What I wanted is justice and to get even.
Iniiwas ko ang mukha dito at tinumbok ang exit. Mas binilisan ko pa ang paglalakad. Wala na akong pakialam sa iniwanan kong post. Ang mahalaga lang sa akin ngayon ay makaalis na sa lugar na ito.
Gusto ko mang magsisisi kung bakit pa ako pumasok sa program na ito pero wala namang maidudulot ito na mabuti. Nandito na ako kaya dapat ko tong panindigan.
Tumigil ako sa pagtakbo at isinandal ang sarili sa pader. Naghalo-halo na ang aking pakiramdam. It's suffocating me. I never really expected na magiging ganoon ka-uncivilized ang unang engkuwentro namin ng ama pagakalipas ng limang taon.
Tama nga si Sheki. Hindi magiging madali ang lahat. At dahil sa nangyari, napatunayan ko sa sarili na mahina pa rin ako at na madali pa rin akong maapektuhan sa kanila.
Nakalabas na ako ng gusali at patungo na sa parking lot nang nagsimulang tumulo ang aking mga luha. Tumigil ako at pinunasan ito pero kahit anong punas ko ay hindi pa rin ito tumitigil kaya pumikit na lang ako at kagat ang labi na patuloy na umiyak nang tahimik.
Mula sa kung saan ay may humapit sa akin paharap at niyakap ako. Nalalanghap ko ang kaniyang pamilyar na pabango na agad na pumuno sa aking sistema.
"Shh, it's okay. I'm here," pang-aalo ni Jacques habang hinahagod ang likod ko.
Hindi ko na napigilan ang sarili at isinubsob ang mukha sa dibdib ni Jacques.
Parang sasabog ako sa sobrang sakit na nararamdaman. Yumakap ang aking mga braso sa kaniyang bewang.
Mas bumukal pa ang luha sa aking mga mata. It's like I am transported back in time with his familiar scent and warmth.
I felt again the kind of security I always felt back then when we're still together. Here, again in his arms I have poured out my emotions. Again I have shown to him the weak me, the real me just like countless of times before.
Sa kaniyang mga yakap noon hanggang ngayon ramdam ko talaga ang sinseridad at iba pa.
Something else like love?
Sa naisip ay pilit akong kumawala sa kaniyang yakap ngunit di niya ako hinayaan. Mas humigpit pa ang kaniyang pagyapos sa akin at patuloy na hinaplos ang aking likod at buhok.
"I have no idea how extensive your issue is with your father until I witnessed it earlier. I'm sorry, Cai. I really do. If only I've come back earlier, I could have shielded you from all of these. I'm sorry."
Hindi ako nakakibo. Muling bumalik ang galit at sama ng loob ko sa ginawa niya sa akin.
If only you fulfilled your promise. If only you gave me one call for the past years. Isang tawag lang sana, Jacques. That would have been enough for me that time.
Gusto ko mang sabihin sa kaniya ang mga iyon ngunit di ko iyon naisatinig. Patuloy lang akong lumuha.
Umiiyak pa rin ako ng pakawalan niya ako sa kaniyang yakap at tinitigan sa mga mata. Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kaniyang mga daliri in the gentlest way possible.
"Come with me."
Ngumiti siya sa akin saka paakbay na inakay ako paalis. Wala na akong nagawa kundi magpatianod nang buksan niya ang pinto ng sasakyan at pinalulan ako.
I did not ask where would he take me. Right now, all I wanted is to run away from everything.