Nakatayo lang ako sa labas ng building ng hotel. Nakatingala sa mataas na gusali sa aking harapan. Hinahamig ko ang sarili dahil hindi ko maawat ang panginginig ng tuhod at kalamnan sa kaba at antisipasyon.
This is it.
After five years, I've finally set my feet back on this place.
"Sa wakas, nakabalik na rin ako," bulong ko sa sarili habang nakatitig sa pangalan ng hotel. "Look at you. Ilang taon din kitang iniwasan at pilit na iwinaksi sa sistema ko pero wala akong kaalam-alam na balang-araw ay makakabalik pa pala ako rito. Tunay ngang mapaglaro ang tadhana. One day you think you're at the bottom then the next day, you wake up on top of the world."
I stood with my chin held high. I'm proud of myself. I'm proud of what I've become.
Wala na ni katiting na bakas ng labing-pitong taong gulang na nagmamakaawa para muling magkaroon ng puwang sa piling ng kaniyang ama. Wala na ang dating mga inosenteng mata na animoy iiyak sa anumang sandali. Wala na ang pakiramdam na iyon. Tanging natira na lamang ay sakit, paninibugho, at galit.
Sakit dahil kahit kailan hindi ko naramdaman at ng aking pamilya na piliin kami kahit nasa amin ang lahat ng karapatan.
Paninibugho para sa mga taong nagtamasa ng mga bagay na dapat ay aming pag-aari.
Galit para sa mga taong ipinagtulakan kami patungo sa putikan.
Ngayon nila sabihing wala akong mararating. Ngayon nila sabihin sa akin ng harapan na hindi ako kayang pagtapusin ng aking ina nang walang tulong mula sa aking magaling na ama.
Napaismid lang ako. Pinagmasdan ko ang naka-embossed na pangalan ng Royal Hotel Residences sa harapan ng establisiyemento.
Ma, heto na ako. Nakabalik na ako sa kompanyang pinag-alayan mo ng lahat ngunit tinalikuran ka lang ng basta-basta.
Huminga muna ako ng malalim bago buong lakas ng loob na pumasok sa entrance ng hotel. Nasa lobby na halos lahat ng aking mga blockmates at nagkukumpulan.
Nginitian at binati ko sila.
"Girl, bat ngayon ka lang. Alam mo bang ikaw na lang ang hinihintay namin? Kanina pa pabalik-balik dito si Mr. Huan para mag-check ng attendance. Medyo parang nainis pa nga nang malamang 'di pa kami kumpleto," ang bungad kaagad sa akin ni Gina na isa sa mga blockmates ko.
Kunwari ay na-bother ako sa kaniyang sinabi. Hinawakan ko ang aking dibdib na parang kinakabahan.
"Hala ka, girl! Na-trapik kasi ako kanina, e. May banggaan sa national highway. Sana naman di ako sabunin ni Mr. Huan," napapakagat-labi ko pang sabi at pinalungkot ang boses at mukha.
May sasabihin pa sana si Gina nang matanaw namin si Jacques na naglalakad patungo sa amin dala ang isang chart. Kasama niya ang isang babae na sa hinuha ko ay kaniyang secretary.
Nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ako nagbitiw ng tingin. Kumunot ang kaniyang noo at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumalik ang kaniyang tingin sa aking mukha. Hindi ko pa rin siya nilulubayan ng tingin.
Aside from the fact na ayokong ma-sense niya na naaapektuhan pa rin ako ng kaniyang presensiya ay hindi ko talaga magawang bawiin ang tingin mula sa kaniya.
With his get-up consisting of the usual slacks and long sleeve polo na itinupi ang manggas revealing his muscular arms, mahihirapan ka talagang mag-iwas ng tingin.
I never knew he could be this good in a formal suit. Alam ko namang magaling talaga itong magdala ng damit. Effortless kumbaga. Kaya lang, ngayon lang yata niya nakitang nagsuot ito ng ganito. He never likes wearing these clothes back then.
Okay, tatlong beses na niyang nakitang naka formal clothes ito kasama ngayon but this one's different. Parang he's more serious now. Parang he can command everyone with just a whim of his hand.
Si Jacques ang unang nagbawi ng tingin. Lihim akong napangiti. Good. One point for Myca.
Tumikhim ito at tiningnan kaming lahat.
"Good morning everyone. I supposed kompleto na kayong lahat dito?"
Sumagot ang lahat ng 'oo.
Dumako ang kaniyang paningin sa akin. "May we hear from Ms. Chu kung bakit siya na-late on the first day of her internship? I am informed by your dean that you were all propped already on the schedule, call time and assigned tasks. I believe you owe us an explanation."
Umugong ang mga katanungan sa paligid.
"Huh? Sinong Chu?"
"Kaya nga, wala naman tayong kaklaseng Chu."
"Di ba si Myca lang ang late?"
Hindi na ako nakatiis at sinagot si Jacques.
"I am sorry sir and classmates for being five minutes late. May aksidente kasi sa daan kaya natrapik ako. Yes, I'm well aware of the schedule, call time and assigned tasks. What happened earlier was beyond my personal knowledge and capability. I apologize once again. It would not happen next time, I promise."
Yumuko ako para ipakita ang pagpapaabot ko ng sinserong paghingi ng paumanhin pagkatapos ay nagtaas ng ulo para salubungin ang tingin ni Jacques.
Nabasa ko ang gumuhit na pag-aalala sa mukha nito. "And for your information Mr. Huan, I am not a Chu. My surname is Velarde. Kindly check up on that list again, please," itinuro ko ang kaniyang hawak na attendance sheet.
Kumunot ang noo nito pero sinunod pa rin ang sinabi ko. Binasa nito ang nasa record. Parang nalito pa ito nang tingnan niya uli ako.
"How did it happen?" takang-taka nitong tanong.
Nagkibit-balikat lang ako.
I could have explained it but for what?
"Ahm sir? Hindi pa ba tayo magsisimula?" singit ng kaniyang sekretarya.
"Yes, of course. We'll start right away. I'll just give them some heads up," sabi ni Jacques habang nakatitig pa rin sa akin.
Maya-maya pa ay nagsimula na sa briefing si Jacques. Pinaalala niya ulit sa amin ang rules and regulations ng kompanya in regards sa internship program. Pagkatapos ng briefing ay nagkanya-kanya na kaming punta sa designated poles namin.
Naka-assign ako sa front office for administrative work kaya tumungo na ako sa front desk. Magiging assistant ako ng front desk officer who will welcome the guests and answer their queries.
Hindi naman sa pagbubuhat ng bangko pero dito talaga na field ako nag-eexcel. Maalam ako pagdating sa mga tao. Madali kong nahuhuli ang kanilang kiliti. Siyempre, sa experience ko ba naman sa pagbebenta ng kung anu-ano plus our trainings in my university. Sa sandamakmak na seminars and dissemination drives na naatendan ko idagdag pa ang maram-rami ko na ring stints bilang on-call servers sa mga gathering and parties, madali na lang to.
Yes, Royal Hotel Residences is a five-star hotel so there might be a few exceptions but so with the hotels I've been acquainted to. Madali na lang lahat para sa akin ang mag-adjust.
Nagsimula na ang trabaho.
Medyo busy masyado ang management dahil sa kabi-kabilang reservations and walk-ins. Karamihan sa mga panauhin ay dadalo sa isang pagtitipon sa function hall na nasa sa ika-sampung floor ng building.
Nag-enjoy naman ako sa pag-istima ng mga bisita. Hindi na mawawala ang mga guests na panay ang reklamo at utos. Palibhasa mga mayayaman. The perks of being rich.
Sumapit ang lunch break. Nagpunta ako sa canteen na itinuro ng security guard. Gutom na gutom na ako. Hindi ako nakakain ng maayos na almusal kanina dahil sa sobrang nerbiyos.
Nang maka-order at makaupo sa pinakadulong bahagi ng canteen ay nagsimula na akong kumain.
Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko sa kinauupuan nang naramdaman kong may nakatayo sa harapan ko.
Hays, hindi pa man ako nag-aangat ng tingin ay alam ko ng si Jacques ito. Tiningnan ko lang ang kaniyang sapatos at nagpatuloy sa pagsubo. Manigas ka kung iniisip mong papansinin kita.
Tumikhim si Jacques. "Pwede bang maki-share?"
Inilibot ko ang tingin sa mga bakanteng upuan sa loob ng canteen.
Sumubo ulit ako at ikiniling ang ulo sa gilid. Umiling ako at itinuro ang mga bakanteng silya.
"Doon ka. Maraming bakante. Unless bulag ka."
He let out a frustrated sigh. "Cai, I just want to eat with you just like the old times."
Napatigil ako sa pagsubo. Eto na naman siya. Pinapaalala na naman ang nakaraan. Ibinaba ko ang kubyertos at nag-angat ng tingin. Iniarko ko ang kilay at malamig siyang tiningnan.
"Hindi ko naman pag-aari ang silyang iyan. In fact, sa iyo iyan. So why bother asking? Go. Umupo ka."
Nagbuntung-hininga lang ito bago hinila ang silya at naupo. Ipinatong nito ang tray ng mga pagkain.
Ang dami, ah, sa loob-loob ko.
Inilagay nito ang ibang mga bowls ng ulam sa tabi ng aking plato.
"Kumain ka ng marami. Ang konti lang niyang nasa plato mo, o. Ang daming ulam na naka-serve. Kaya siguro ang payat-payat mo na. Come, samahan mo akong pumili. I remember paborito mo ang sinigang. Di mo naitatanong, masarap ang sinigang nila dito," akma na itong tatayo nang itinulak ko pabalik ang mga bowls.
"I don't like your food."
Nagpatuloy lang uli ako sa pagkain. Wala ng nguyaan. Lunok na diretso. Gusto ko nang makaalis agad. Kanina pa sana kung hindi lang talaga ako gutom na gutom.
Napatigil si Jacques at tiningnan lang ang mga bowls.
"Bakit mo ibinabalik? Di ba paborito mo ang mga ito? Crabs and shrimps, salad. May caviar pa. Come on, eat it Cai."
Nagtitimpi pa rin na sinagot siya. "Dati iyon Mr. Huan. Dati. Nagbabago ang preferences ng tao."
Humugot ito nang malalim na hininga. "Tama ka. Nagbabago nga ang tao. You changed so much Cai that I can't seem to recognize you at all. What happened?"
Gumuhit ang sarkastikong ngiti sa mga labi ko. "Now you have the nerve to ask? Why? Care to tell me why should I answer you and why are you meddling with my life? Sa pagkakalaam ko, matagal na tayong tapos. At di ba nakiusap na ako sa iyo na magpanggap na hindi mo ako kilala? Ano itong ginagawa mo?"
"I'm trying to get closer to you. That's what I'm doing." Maya-maya ay sagot nito.
Inismiran ko siya. "Parang awa mo na. Wag ka nang magsayang ng panahon. Kinalimutan mo na ako limang taon na ang nakalilipas. Nauna ka, sumusunod lang ako."
Tinitigan ko ang puno ko pang plato. Sayang naman kung hindi ko 'to tatapusin. Tinusok ko ang isang hiwa ng manok at idiniretso sa bibig.
"Those years have been empty without you."
Ibinagsak ko ang kubyertos sa mesa at uminom ng tubig. "Seriously? Ano ba ang pakialam ko?"
May dumaang sakit sa mukha nito dahil sa sinabi ko pero wala ni katiting na pagsisisi akong nadama.
"All I'm saying is that I regretted leaving you," anas nito.
"And it took you five years to realize that? Ha! Ha! Ha! Anong akala mo sa akin? Bobo? Tanga lang ako, Jacques. Nagpakatanga ako sa iyo noon pero gaya nga ng sinabi ko, nagbabago ang isang tao, natututo siya. Natuto na ako sa iyo."
"I accept that because I deserve those words but I won't stop talking to you. I'll be relentless this time to deserve you, Cai."
Huminga uli ako nang malalim para pigilan ang sariling galit. Kailangan kong magtimpi dahil boss ko pa rin ang kaharap ko ngayon. "Ayoko talagang marinig ang pangalan na iyan. Ewan ko ba pero naiinis talaga ako kapag tinatawag mo ako gamit iyan. I don't know. It reminds me of the past me, the weak me so stop calling me that."
Hindi kumibo si Jacques. Ipinagsalikop nito ang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa saka mahinang tumango. "Okay. Hindi na kita tatawagin sa ganiyang pangalan."
"Good. Now if you'll excuse me, nawalan na ako ng gana."
Tumayo ako at akmang aalis na pero bago ko iyon magawa ay maagap na hinawakan ni Jacques ang aking braso.
"I'm sorry, Cai. I'm sorry for everything," puno ng pagsisisi sa tinig na sabi nito.
Mapait na napangiti ako. "You are forgiven, but never forgotten," ang sabi ko rito at kinuha ang kaniyang kamay sa aking braso sabay patakbo akong naglakad palayo.
Kuyom ang mga kamao at naggigitgitan ang mga ngipin ko habang pinipigilan ang galit sa loob na wag humulagpos. Pinigil ko ang pagtulo ng luha.
Wala ka nang lugar sa aking buhay Jacques.
Wala na.