Chapter 6

2008 Words
"Ate, diyes na lang to. May mantsa na, o," tawad ko sa tindera ng ukay-ukay habang iwinawagayway ang hawak na cropped shirt. "Sa tag-sinkwenta 'yan nakalagay, ineng." Itinuro ko ulit ang bandang harapan ng t-shirt. "Naku te, mukhang ang hirap nang tanggalin nitong mantsa. Mapapagastos pa ako sa zonrox nito. Bente na lang, te. Lalabhan ko pa to e. Tsaka paano pag di nawala ang mantsa e di ko rin to magagamit. Sayang lang naman te. Sige na ate," pagkumbinsi ko pa sa kanya. Aba, magpapapagod pa ako sa pagkuskos nito. Magpapapawis pa ako tapos kukunsumo pa ng tubig. Hindi naman yata makatarungan na fifty pesos pa rin ang babayaran ko. "Sige treinta na lang yan, " ang sabi ng ale. "25 te. Sige na. Iyan na lang pera ko e." Inilabas ko ang isang papel na bente at isang buong limang piso mula sa pocket ng pantalon at inilahad sa palad. Nakalaan na talaga ang pera para sa mga ganitong pagkakataon. "Sige na te. 25 na lang ate ganda." Nag-isip muna ito ng ilang sandali bago ko nakumbinsi. "Sige, sige. 25 na nga lang yan." Kinuha ni ate ang t-shirt at isinilid sa isang cellophane. Iniabot ko naman agad sa kanya ang bayad. Mahirap na. Baka magbago pa ang isip. "Yes! Salamat ate. For sure madami kang kikitain ngayong araw." Ngingisi-ngising sabi ko. Pagkatapos makuha ang supot ay pinuntahan ko na sina Pariah at Sheki na naghihintay sa entrance ng night market. Sumaglit lang talaga ako sa ukayan para sa outfit ko for the next day na photoshoot. Chic style kasi ang tema. Mamaya pagkatapos naming maghapunan ay babalik uli ako rito para maghanap ng pants. Natsambahan ko lang talaga ang cute na top kaya kinuha ko na agad. Sayang kung may makakabili pa na iba. Sinuyod ko muli ang lugar para hanapin ang dalawa. Unique ang ambience ng lugar dahil kalsada ito sa umaga na nagta-transform into a night market sa gabi. May ukay-ukayan ng mga damit, bag, sapatos, at iba pa. May mahaba ring hilera ng food section na usually ay makeshift stalls na nagbebenta ng ice cream, fruits, street food, full course meal and many other assorted food. Naispatan ko sila na nakaupo sa mga sementong upuan sa paligid ng mga puno na naiilawan ng mga light balls na nakasabit sa mga sanga. Nakabusangot na ang mukha ng dalawa habang nakahalukipkip nang maabutan ko. Nagkayayaan kaming kumain muna ng hapunan bago umuwi. Kakatapos lang kasi ng aming shift sa klase kaya free to gala na naman. Nakasuot pa kami ni Sheki ng school uniform. Sa parehong unibersidad kami nag-aaral. Si Pariah naman ay naka-civilian lang dahil walang prescribed uniform ang kanilang university. Nakasimangot na tumayo ang dalawa nang makita ako. "Ang tagal mo Myca. Gutom na gutom na ako uy," ang sabi ni Pariah. "Palagi ka namang gutom, gurl. Kailan ka ba nabusog? " ang natatawa kong sambit. "Tara na nga. Maghanap na tayo ng mauupuan." Itinuro nito ang isang stall na nasa lilim ng puno. "Dun tayo sa stall na nag-iihaw. Masarap kumain ng chicken inasal." Hinila niya na kami pareho ni Sheki na tahimik lang na nagpatianod. Nang makahanap nang magandang puwesto ay umupo na kami habang umoorder si Pariah. Habang hinihintay ang pagdating ng order ay nagchikahan muna kami. Naikwento ko sa kanila ang problema ni Xylca. "Kawawang Xylca. Iniwan na naman ng kaniyang afam. Dalawang beses na iyan ngayong taon a," ang sabi ni Pariah habang sabay-sabay na isinampak sa bibig ang kwek-kwek at fish ball. Hindi niya raw kasi kaya ang gutom kaya nauna ng kumain. Nakatingin lang kami sa kaniya. Hindi man lang nangimbita ang gaga. Sabagay, sanay na kami. Nagugutom na daw sya at hindi na makapaghintay ang mga bulate sa kaniyang tiyan kayat di na napigilang lumamon muna. "Maghinay-hinay ka nga sa pagkain. Parang mauubusan ka naman. Wag kang mag-alala, sayong-sayo lang yan," puna ko. Kung makakain kasi siya, akala mo may marathon. Inismiran lang ako ng gaga. "Mas kawawa siya kung pumayag siyang magpakasal. Hindi siya ready. Marriage is commitment. Hindi nga niya kayang mag-commit sa isang lalaki tapos paano pa kaya sa long-term relationship. Kung wala siya noon e para ano pa at magpapakasal siya. She can't contribute to their relationship. In the end, sa hiwalayan din ang kanilang bagsak. Masasaid lang nila ang isat isa. Ika nga, you cannot give what you don't have. Xylca is a type of person who cannot commit to a relationship dahil sa dami ng mga forced responsibilities on her shoulder. Alam niya iyon kaya she did what she did. Good iyong decision niya. Approved!" ang mahabang litanya ni Sheki. Itinaas pa nito ang dalawang thumb fingers at pinaglipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Tumango-tango kami ni Pariah. May sense talaga kahit kailan si Sheki. Kahit palaging tulala at wala sa huwisyo ang itsura, maaasahan mong may laman pa rin ang kaniyang mga sasabihin. Muli na namang sumagi sa aking isip ang nangyari noong isang gabi. Sa tuwing maaalala ko ang tagpong iyon ay parang may karayom na tumutusok sa aking dibdib. Duda ko kung nakita ako ni Jacques. Dali-dali na kasi akong nagyaya na umuwi kami. Nagtataka man ay nagpatianod na lang din si Dean. God, he will be my downfall if ever. Nagsisimula pa lang ako sa aking mga plano and yet nawawala na naman ako sa focus. This can't be. "Yes, sang-ayon talaga ako sa decision niya. Ang dami pa pong lalaki diyan. Makakahanap din siya someday when the right time comes with the right man. Someday, pag ready na talaga siya," ang sabi ko. I just hope magdilang-anghel kami. Sa dami na nang pinagdaanan ni Xylca, it would be unfair not to give her a happy ending. "Maiba tayo, di ba start na ng internship mo bukas sa Royal Residences?" tanong ni Sheki. Tumango ako. "Oo." "Are you ready?" she gave me her familiar stare everytime she's analyzing me. I just smirked. "Limang taon kong pinaghandaan to 'no. Kayang-kaya ko sila. They'll see," taas noo kong pahayag. "Wow, scary ka, gurl. Pero seryoso, push mo pa rin yan? Alam ba ni tita yan?" tanong ni Pariah habang ngumunguya. Inabot nito ang buko juice at uminom. Nagkibit-balikat ako at tumigas ang mukha. "Hindi naman niya kailangang malaman. Internship pa lang naman 'to. Ipapaalam ko sa kaniya kapag pulido na talaga ang lahat." "Kapag nagsimula ka na bukas, hindi mo na talaga maiiwasang makasalamuha ang kapatid mo at siyempre, yung daddy mo," paalala ni Sheki. Parang lomobo bigla ang ulo ko sa narinig. "Daddy?! Sino?" I smirked. "Wala ako nun. And correction, she's not my sister. She will never be." Inagaw ko ang plastic na naglalaman ng juice kay Pariah at uminom. "Shhhh, calm yourself. Sinasabi ko lang ang totoo," ani ni Sheki. Napapalingon na ang mga tao sa kalapit na upuan dahil sa mataas na boses ko. "Chill ka lang, bakla. We're just reminding you." Nagtaas ng kamay si Pariah na parang sumusuko. Huminga ako ng malalim at pilit na kinalma ang sarili. My reaction has always been like this whenever I'm reminded about his existence. "No need to remind me though. Sa una pa lang, alam ko nang papasukin ko. I readied myself long ago." "You can never be ready for that kind of meeting. It's like an explosion and then come questions," wika ni Sheki. Natigilan ako. I really hate her when she tells the truth. "Basta wag ka lang maging marupok. Iyon lang iyon," sabat ni Pariah. "Hoy sa ating dalawa Pariah, ikaw yata ang marupok, no." "Alam ko pero hindi naman iyan ang pinag-uusapan natin. Ang ibig kong sabihin, mas lakasan mo pa ang resolve mo. Go, bakla! Ipakita mo sa kanilang lahat ang tunay na Myca. Paluhurin mo ang mga tala sa iyong harapan. Mga ganung galawan!" "Sira. OA mo," Inubos ko ang laman ng baso. "Pupunta ako doon bilang intern, hindi bilang isang inabandonang anak ng isang amang walang bayag." "No monkey business?" si Pariah. "Tumahimik ka nga. Alam ko ang tumatakbo sa isip mo." Ngumisi ito. "Hindi ko kaya. Kasi naman, nagbabalik ang nakaraan mo." "So?" nagtaas ako ng kilay. Mas lumapad ang nang-iintrigang ngiti nito. "Wala. Wala naman akong sinabi. I just stated the obvious." "If you mean may magbabalikan ba? Wala na. Tapos na kami. Matagal na. All is already in the past." "Pero paano kung gusto niyang magkabalikan kayo? Girl, first love mo iyon! At sa mga kuwento mo sa amin tungkol sa kaniya, mukhang magaling itong Jacques na ito sa pa-fall fall na iyan," giit pa rin ito. Tumigas ang ekspresyon sa mukha ko. "Wala na siyang aasahan mula sa akin. We're done ages ago. Oh, now he wants me back? The question is, will I let him?" Umismid ako. "Teka naman! Hinay-hinay ka naman sa pag-i-english, bes! Mahina ang kalaban. Okay, sabihin na nating ayaw mo ngayon." Tumingin ito kay Sheki na kanina pa ako inoobserbahan. "Ano nga iyong palagi mong sinasabi about sa life?" "Life is a constant struggle for change," sagot ni Sheki. Ipinitik ni Pariah ang mga daliri sa ere. "Mismo!" Humarap siya sa akin. "Paano kung mabago ang feelings mo? Nasasabi mo lang kasi ang mga iyan ngayon kasi wala pa siya rito at wala pa siyang ginagawa para mabawi ka. Paano kung sobrang lovable talaga ni Jacques at magbalik ang love mo sa kaniya?" Tumaas ang isang kilay ko. "And how sure are you na he wants me back? Baka nga matagal na niyang nakalimutan pati pangalan ko. For all I know, he already forgot about the girl he promised to that he will come back for." Ikinuyom ko ang mga kamao nang maramdaman ang pamilyar na sakit sa dibdib. "Kitams? You're not over him yet, Myca. Sarili mo lang ata ang pinipilit mong kumbinsihin, eh. Come on girl! Affected ka pa rin," bira ni Pariah. Inagaw ko ang buko juice mula dito at diretsong nilagok. I hate it when they can read through me. "It's just my pride. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan sa ginawa niya? Pero kung iniisip mo na mahal ko pa siya dahil lang nasasaktan pa rin ako ngayon, the answer is no. Love is different from pride." "Or maybe we're too confused to even know what's what between the two. Sa kakapilit natin na kumbinsihin ang sarili na iyong isa talaga ang nararamdamin natin, we failed to acknowledge that it's really the other one," sabat ni Sheki. "O, ang sama mong makatingin. Thought ko lang iyan. No biggie for you." "Bakit ba kasi niyo pinipilit na mahal ko pa rin ang mokong na iyon? Naka-move on na ako no. Matagal na." Nang-aasar na inilapit sa akin ni Pariah ang mukha nito. "Eh bakit nasa wallet mo pa rin ang picture niyong dalawa? Di ba hate mo siya tas ex mo pa tas gusto mo na kalimutan mo na siya para makapag-move on ka ma pero bakit hindi mo matapon-tapon ang naninilaw na picture na iyon?" "Seriously? Pati ba naman iyan? Nakalimutan ko na ngang may ganun pa pala ako," pagsisinungaling ko. "Asus. Sige, sabihin na nating nakalimutan mo na ang tungkol sa picture pero paano naman iyong karton-kartong mga regalo ni Jacques sa iyo na nakatago sa ilalim ng kama mo? Ano iyon?" patuloy na pang-aalaska niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "Hoy! Paano mo iyan nalaman?" Itinaas nito ang mga kamay. "Huli ka! Hindi namin iyan alam. Sinabi lang sa amin ni Mike. k*****y mo raw kasi iyong isang inahin niya." "Hoy si mama kaya ang pumatay." Tumawa silang dalawa. "So totoo pala talagang itinatago mo pa ang mga regalo niya sa iyo?" "Ipapamigay ko iyon. Nakalimutan ko lang talaga," palusot ko. "Sinabi mo eh." Mukhang hindi pa rin ito kumbinsido sa sinabi ko pero nanahimik na ako. This is not definitely a good time to think about that man. Naputol ang aming pag-uusap nang dumating ang mga pagkain. Halos di ako makasubo. Nawalan na ako ng gana. Napaisip ako kung ano ang mangyayari bukas. Well, kahit ano pa man iyon, asahan nilang hindi ako uurong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD