Nang makita kong nagpaalam si Jacques sa mga kausap at nilapitan ang ibang bisita sa kabilang lamesa ay kumilos na ako. Nilapitan ko ang isang kaklase na may hawak na tray of wines na hindi na magkandaugaga sa pagdadala nito. "Joy, ako na ang magra-rounds. Magpahinga ka na muna. Kanina pa kita nakitang nagtatrabaho. Sige na." Kinuha ko sa kaniya ang tray at nginitian ito. Nagpapasalamat ang mukhang ibinigay niya sa akin ang trays at nagpunas ng mukha. "Salamat Myca. Medyo nahihilo na rin ako, eh. Labas lang ako sandali," paalam nito. "Sige." Ginulo ko muna nang kaunti ang buhok bago lumakad patungo sa mga bisita. Ang puntirya ko talaga ay ang mesang kinaroroonan ni Jacques. "Myca? Hey!" Lumingon ako sa direksiyon nang tumatawag at nakita si Deniece na nagtatakang nakatitig sa