Nag-iba ang timpla ng mukha ni Tita Margaux pagkarinig sa aking sinabi. “Alam ko kung gaano kabaliw sa’yo ang anak ko. I thought being in US will change that. I admit I was wrong.” “Precisely. In short, you can’t change his mind,” pagsang-ayon ko rito. “But you can Myca,” giit pa rin nito. Nagkibit ako ng balikat. “Malay natin. Pwedeng oo pwede ring hindi. Hindi ko hawak ang isip ni Jacques. He can think on his own.” Nagbuntung-hininga ang ginang. “Okay, let me offer you a bargain.” Natigilan ako ng bahagya sa tinuran nito. “I’m all ears.” “Go back to your father, change your surname, claim what’s yours and I’ll support your relationship." Walang bahid ng kahit anong pag-aalinlangan ang boses nito habang binibigkas nito ang mga sinabi. Napatawa ako. “What is it with people nowaday