Ang sabi nila, time heals everything.
Heals everything my ass.
Kung totoo iyon, bakit nasasaktan pa rin ako? Bakit affected pa rin ako? Bakit kahit nasaktan na ako't lahat-lahat ay siya pa rin?
Ang sabi niya five years ago, parting ways is the best for the both of us. I conceded then because I knew it would be hopeless to fight for something everybody is so against with. At least on my part. I thought he would stand for me, for us. But he laid down his arms the very moment we needed it the most to salvage our relationship or what was left of it.
Funny how the person who promised to keep the fight surrendered first.
Hindi ko na namalayan ang pagtulo ng aking mga luha.
Shit.
"Move on na self. Ilang beses mo pa bang pahihirapan ang sarili mo? Get a hold of yourself," pagkausap ko sa sarili.
Right. Focus tayo sa goals.
Pinunasan ko ang pisngi, inayos ang sarili pagkatapos ay itinulak ang gate. Buti na lang talaga wala si mama.
Mahihirapan akong itago ang namumula kong mata.
Sumagap muna ako ng hangin at tuluyan nang pumasok sa bahay.
Pero biglang umurong ang kalungkutan ko nang madatnan ko si mama. Akala ko talaga nasa puwesto pa namin siya sa palengke.
Napalunok ako. Iniladlad ko ng kaunti ang aking buhok upang kahit paano ay matakpan ang aking mukha. Namumula agad kasi ako kahit kaunting iyak lang. Isa sa mga hindi ko gusto sa pagiging sobrang maputi. Maliit na kagat lang ng lamok o kahit anong insekto, nagpapantal na kaagad ako.
As usual, nag-iimbentaryo na naman si mama habang nakaupo sa kaniyang paboritong pink na pang-isahang sofa. Nakalatag sa ibabaw ng mesita ang sandamakmak na papel at mga ledgers.
Tumingin siya sa akin nang pumasok ako sa sala pagkuwan ay bumalik din sa ginagawa.
“Hindi ko na gusto ang madalas mo na pag-uwi ng ganitong oras, Myca,” sermon ni mama habang patuloy pa rin sa pagsusulat. “Ang sabi ko pag-aaral muna. Saka na yang mga lakwatsa.”
Ngumuso ako at lumapit dito. “Si mama talaga, o. Alam ko po yun. Galing lang ako sa isang photoshoot. Hindi ba nasabi sayo ni Mike? Nagpaalam ako sa kaniya kaninang madaling-araw. 'Di na kita ginising,” paliwanag ko.
Inilabas ko ang tatlong libo at iniabot dito.
Nagtaas ito ng tingin sa akin matapos hindi pansinin ang pera. “Para sa'n yan?”
Pinaikot ko lang ang mga mata. “Hay naku, ma. Obvious namang pera. Sa inyo na yan. Iyan yung kinita ko kanina. Pandagdag niyo sa gastusin dito sa bahay.”
Tinapik nito ang kamay ko at inayos ang suot na salamin sa mata. “Itabi mo 'yan para sa sarili mo. Nabubuhay ko pa kayo kaya di ninyo responsibilidad ang intreguhan ako ng pera habang di ko pa kayo napagtatapos.”
Napabuntung-hininga ako. Grabe. Ang ma-pride ni mader. “Oo na. Oo na. Eto na. Itatabi na. Maliligo na ako uy. Magdadrama na naman yung isang ale," ang sabi ko na may ngiti na sa mga labi.
"Bilisan mo. Malapit ng mag-alas diyes. Male-late ka na naman! Ikaw na bata ka, mapapagalitan ka na naman ng professor mo. Sus, noong nasa kolehiyo ako, hindi ako kailanman nahuli sa pagpasok. Ako ang palaging nauuna sa classroom."
Tumawa ako habang papasok na sa kwarto. "Opo, Ms. c*m Laude."
Dumiretso na ako sa banyo. Hinawi ang buhok sa gilid ng leeg at tumitig sa repleksiyon sa salamin.
Loneliness is still there but determination will always get the better of me this time around.
I promise.
PUNO na ng mga pawis ang mga nagsisiksikang mga tao sa dancefloor. Yuppies, college students, workers, name it, this club has it.
Nandito ako ngayon sa isang sikat na club kasama sina Xylca at Dean para magwalwal o samahang magwalwal ang kaibigan naming talo pa ang mga tambay sa kanto kung uminom ng alak.
Sinundo pa nila ako kanina sa bahay pagkauwi ko galing sa university para ipagpaalam nila ako kay mama.
Bumabaha ng mga inumin. Sa table namin ay mga bote ng alak at ladies drink. May mga pulutan din. Halos hindi na kami nagkakarinigan dahil sa malakas na tugtog at hiyawan galing sa disk jockey at sa mga sumasayaw sa dance floor. Kailangan mo pang sumigaw para marinig ka ng kausap.
It feels refreshing. Matagal-tagal na rin noong maisipan naming gumimik. It feels nice. I welcome this distraction. Ito yung kailangan ko sa ngayon, eh.
"Spill the tea na Xylca," ang sabi ni Dean kay Xylca na nakayukyok na sa mesa. Yumuyugyog na ang kaniyang mga balikat palatandaan na umiiyak ito.
Hinagod ko ang kaniyang likod.
"Bruha, sige na. Sabihin mo na. Alam naming may problema ka na naman kaya ka nagyaya. Basang-basa ko na yang ugali mo kaya ilabas mo na yan. Mas makakatulong kung sasabihin mo. Hindi makabubuti kung nasa loob lang iyan. Let it go," paliwanag ko sa kaniya.
"Let it go. Let it go. Turn my back and slam the door," kanta ni Dean.
Napatawa kami. "Kahit kailan ang gago mo talaga," tumatawang sabi ko. "In fairness, nasa timing!"
Pinagpag ni Dean ang kaniyang kamay sa balikat. "Maliit na bagay." Itinuon nito ang atensiyon kay Xylca. "Pero ano na Xylca na sabon. Sige na. Sabihin mo na. Wag nang pabitin."
Nag-angat na ng tingin si Xylca sa amin na patuloy pa rin sa pagtawa. Lukot ang mukha at basang-basa n ng luha. Maya-maya pa ay bigla itong humagulgol.
"Nakipaghiwalay na si Chris sakin!" tungayaw nito.
"Hala! Bakit daw?" ang tanong ni Dean.
"Gusto na niyang pumunta dito sa Pilipinas."
"O, anong problema dun? Para pupunta lang dito, e. Di ba matagal mo na yang gusto?" ang nagtataka kong tanong.
"Gusto na niyang magpakasal kami. My God. Ang bata ko pa. Ang dami ko pang pangarap no. Wala pa sa isip ko ang kasal kasal na yan," ang paliwanag ni Xylca.
Natahimik kami pareho ni Dean. Oo nga naman. Kasal agad? Ang bata pa nito. Isa pa, isang komplikadong bagay ang papasukin nila kung matuloy man. Ang pag-aasawa ay hindi isang laro lang na kung nasaktan ka ay pwede ka nang bumitiw agad.
"Tama ka naman. Ang bata mo pa uy. Ang dami mo pang gustong abutin. Itatali ka lang ng kasal na iyan. Sabagay, matanda na iyon di ba? Kaya siguro naghahabol na. Gusto nang lumagay sa tahimik," ang sabi ko kay Xylca.
"Buti na lang talaga di ka pumayag. Mawawarak matris mo dun, Xylca," dagdag pa ni Dean.
Naghagalpakan kami ng tawa.
"Hindi naman siguro. Sa una lang iyan. Mag-aadjust naman iyang ano mo. Flexible kaya iyan," biro ko pa.
Tumigil na sa pag-iyak sa Xylca at pinunasan ang mukha.
"Hindi naman ganoon kalaki kay Chris. Pinakita niya sa akin. Mas malalaki pa nga iyong mga naka-chat ko na mga Black American. Dun siguro magkakaroon ako ng problema. Keri lang naman ang size ni Chris. Pang-Asian," paliwanag pa ni Xylca.
"Weh, di ba European iyon? Malaki iyon. May nabasa akong article about sa mga sizes ng p***s around the world. Mga 6 to 8 inches din mga Europeans girl!"
"Hindi nga. Mas magaling ka pa sa akin eh. Ikaw ba ang pinakitaan ng ebidensiya? Hindi ganun kalaki sa kaniya. Parang ganito lang." Pinagdikit nito ang dalawang daliri.
"Eeh. Iyan lang? Ang liit ah. Circumcised ba sila? Di ba sabi nila mas lumalaki kapag tinutuli?" curious kong tanong.
"Girl, tatanungin ko pa talaga siya nun eh na-stress na ako sa itsura nung ano niya. Mas mahaba pa iyong bulbol kumpara sa mismong ano niya no!" malakas na sabi ni Xylca.
"Huy, kababae niyong mga tao, iyan pinag-uusapan niyo. Magsitigil nga kayo diyan. Change topic," mungkahi ni Dean.
"Ikaw naman kasi ang nagsimula. Tapos pag di mo nagustuhan, maaasiwa ka. Di ba meron ka rin namang lawit?" tanong ko.
"Oo nga pero wag namang yung ganito. Ah, basta. Next topic tayo," giit pa ni Dean.
"Sus, conservative kuno ang mama. Sino nga iyong papalit-palit ng gf nung second year?" Nag-isip pa ako kunwari.
"Siya ba iyong nagpapalit-palit na nga, pinagsasabay pa. Woohoo! Taas ng confidence. Kala mo naman kaguwapuhan!" sakay naman ni Xylca. Uminom ito ng beer.
"Nakaraan na iyon. Nagbago na ako. Renewed man na. Eh kayo? Kailan kaya kayo magbabago? Ilang taon na ba kayong ganiyan?" tanong ni Dean
"Ay, di naman kami na-inform na paligsahan pala ang pagbabago," sabi ko at sumipsip sa hawak na piña colada.
"Wala na. Wala na kaming pag-asang magbago. Lalo na ako. Habang buhay na lang siguro akong magiging gatasan ng pamilya ko. Kagaya ngayon, di ko magawang sundin ang puso ko dahil nakatali pa rin ako sa mga letseng utang na iyan." Humagulhol uli si Xylca.
"At etong si Myca." Itinuro niya ako. "Wala. Wala ring magbabago diyan. Parehas lang kami niyan no," patuloy nito habang sumisigok at pinupunasan ang uhog at luha.
Tumawa ako ng bahaw.
"Naman Xylca. Pinapatawa ka lang namin. Sineryoso mo naman ng sobra gurl." I tried to uplift the air. Nasapul ako eh.
Bumulalas lang uli ito ng iyak. Wala na kaming magawa kundi hagurin ang kaniyang likod at aluin.
"Lasing na to Dean. Uwi na natin," yaya ko kay Dean.
Tumango lang ito. Sige pa rin ang paghilot sa likod ni Xylca.
"Sige. Mabuti pa nga. Taxi na lang tayo."
"May cash pa ba iyan?" tanong ko.
"Tingnan mo sa pitaka niya. Wala na akong extra dito. Kakabayad ko lang ng tuition para maka-exam."
"Ako rin wala ng dats. Alam mo naman kapag graduating, daming requirements," sabi ko.
"Sana all graduating na. Ako isang taon pa ang gugugulin at iyang mock board namin! Jusko! Stress talaga ako diyan. Wala nga kaming entrance exam pero papatayin naman nila kami sa exit exam na iyan. Ayaw yatang magpa-graduate," reklamo ni Dean.
"Kala ko ba uuwi na tayo. Chika ka ng chika diyan eh," puna ko.
Tiningnan ni Dean si Xylca. Nakasandal na ito sa upuan at nakapikit na. Nakatulog na at naghihilik.
"Mamaya na siguro. Nakatulog na ang isa o. Pagpahingahin muna natin."
Sumang-ayon naman ako. "Dito na muna tayo. Ang sarap din minsan ng maingay ang kapaligiran. Nakakawala ng problema."
Pinanood ko ang mga katawang nagyuyugyugan pa rin sa dance floor.
"Pustahan. Halos lahat ng narito may tinatakasan." Itinuro ko ang grupo ng mga teenagers na nag-iinuman. Halatang mga maykaya sa porma pa lang.
"Lahat naman tayo merong tinatakasan. Maano lang ba ang konting panahon para kalimutan ito?"
"Yeah, right. Pero kung ako siguro ang nasa kanilang katayuan, I'd be more happy." Hindi pa rin tumitingin kay Dean na pahayag ko.
"You can never tell. Marami akong kilalang mayaman na hindi naman masaya sa kanilang mga buhay. It's just really a matter of being contented," he said.
Nagkibit-balikat ako. "Yes, I can tell. Naranasan ko din namang maging mayaman and I can tell you that it really feels good. Makukuha mo ang lahat ng gusto mo. Lahat ng materyal na bagay." I paused to sip on my drink. "You can even ruin someone's life," I said bitterly.
"But that doesn't mean that you are really happy. Money is the root cause of all suffering. Wag masyadong magpakalulong sa temporaryong mga bagay," payo nito.
"Hindi naman iyon pagpapakalulong. It's just one way of being fulfilled. Isipin mo, kung may pera ka, mabibili mo lahat ng gusto mo. Hindi na magiging problema ang bills sa kuryente at tubig pati upa sa bahay. Easy breezy na rin ang pagpapa-ospital. Di mo na kailangan pang pumila sa government agencies para lang maipagamot mo ang kapamilya mo. At higit sa lahat, hindi ka magmamakaawa sa mga relatives mo para mangutang," I enumerated.
Tumingin ako kay Dean na kanina pa nakatitig sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.
"'Wag mo akong tingnan nang ganiyan. Ok lang ako. Isa pa and let me point this out to you, kapag mayaman ka, yakang-yaka mo na iyang tuition fee mo. The amount is too little bro. Alikabok lang." Inabot ko ang bote ng alak at nagsalin sa baso at inisang-lagok.
"Tama na iyan," awat nito sa tangka kong pagsasalin uli sa shot glass. "Wag na wag kang maglalasing ha. Patay ako sa mama mo. Baka hindi ka na payagan nun sa susunod." Inilayo nito sa akin ang bote. "Uwi na tayo. Magre-review pa ako. Exam ko na next week," yaya ni Dean.
Napasimangot ako. "Next week pa naman. Lunes pa lang ngayon ano ka ba!"
"Hindi naman ako tulad mo na mahilig mag-cram. Walang pumapasok sa utak ko kapag ganun. Palibhasa ikaw, one day before exam mo lang yata binubuklat notebook mo eh."
"Sa ganun ako eh." Tumayo ako ng makaramdam ng pamimigat ng pantog. "CR lang ako," paalam ko.
Kinuha ko ang shoulder bag at nagsimulang maglakad para hanapin ang direksiyon patungong banyo. Ang hirap makalagpas sa mga lasing na tao sa bar. Nakaharang sila sa daan habang nagme-make out. May iba rin na sumasayaw lang sa gilid-gilid na parang wala na sa sarili.
I looked around trying to find a comfort room sign. Sa kakalinga ko ay may napansin ako sa di-kalayuan mula sa aking kinatatayuan.
Something caught my eye. Someone rather caught my attention.
Kabilang sa umpok ng mga kalalakihan si Jacques na nakikipag-inuman. Hindi lang pala mga lalaki. May mga kasa-kasama silang mga babae. Girlfriends or side chicks for sure.
Tinitigan ko ang babaeng katabi ni Jacques sa upuan. Nakapulupot ang mga braso nito sa braso ni Jacques at panay ang bulong nito sa tenga ng una.
Malapit na malapit ang katawan ng dalawa na kahit ang hangin ay mahihiyang dumaan. Naaninag ko ng bahagya ang babae ng tumama ang strobes of light sa kaniyang mukha.
Deniece Chu. My rival back then. Ang babaeng nakuha ang lahat sa akin.
Even Jacques.
My step-sister.