Chapter 3

1647 Words
Kakatapos lang ng aking nakontratang photoshoot sa isang park at ngayon nga ay kanina pa ako nag-aabang ng masasakyang jeep. Diyahe na kung magta-taxi pa ako. Mahal ang metro. Ayokong mabawasan ang tatlong libong kinita ko. Pandagdag bayad na rin iyon sa tubig at kuryente. Napabuga muli ako ng hangin ng sa maraming beses ay di ako hinintuan ng jeep. Puno na halos lahat at kung may bakante man ay out of route sa lugar namin. Pumasok sa isip ko na mag-double ride pero mas gagahulin ako sa oras. Malayo pa ang sa amin tapos kailangan pa akong maligo at magpalit ng damit tapos idagdag pang sobrang traffic sa amin. Kahit anong gawin ko ay late pa rin ako sa huli. Nakakairita na rin ang mga tinging pinupukol ng mga mamang nasa paligid ko. Parang hinuhubaran ako sa tingin. Kulang na lang lumugwa ang kanilang mga mata. Ngayon lang ba sila nakakita ng isang babaeng nakasuot ng cropped top? Lumayo ako ng kaunti at pinara ang paparating na jeep. Nilagpasan lang ulit ako. Tiningnan ko ang suot na relos at napamura sa isip. Mag-aalas-otso na. 10 ang class schedule ko ngayon. s**t naman o. Espiritu ng kamalasan, lumayu-layo ka naman. Nakakadalawa ka na ngayong linggo ha. At naalala na naman niya ang nangyari noong nakaraang araw. Ipinilig niya ang kanyang ulo. So what kung nakabalik na siya? So what kung parang wala lang sa kaniya ang lahat? Imahinasyon ko lang yata iyong nababasa ko kuno sa kaniya na pangungulila. Baka nga naman wala na talaga siyang pakialam sa akin. Umismid ako. Alam ko namang sa aming dalawa ay ako itong nahihirapan pa rin sa paglimot ng nakaraan. Ah, basta. Wag mo na siyang problemahin, kumbinsi ko sa sarili. Maganda tayo no. Lalaki lang iyan. Di mo yan kailangan. Dapat focus lang sa goal. Focus sa plano. Focus lang tayo sa pagpapayaman. Pampagulo lang yang mga kalahi ni Adan. Right, tsaka na yan sila. Kung gusto ko naman ay maraming umaali-aligid. Pwede rin na makahingi ng afam kay Xylca. Napangiti ako sa naisip. Speaking of Xylca. Nagyaya na naman ang gaga na mag-clubbing. Libre niya dahil pinadalhan na naman ng allowance. This weekend ang plano kaya may oras pa akong kumbinsihin si mama. Kahit naman open siya sa paggala-gala ko e ibang usapan na ang clubbing at barhopping. Mine-make sure ni mama na kasama namin si Dean for protection daw. Pinipigilan lang naming umikot ang mata dahil lingid sa kaalaman ni mama ay numero unong promotor si Dean ng mga walwal sessions namin. Dati. Nagbago na ngayon ang kaibigan namin. Masakit na ang sikat ng araw sa balat idagdag mo pa ang malisyosong mga tingin ng mga nakakatabi kong lalaki sa paligid kaya nagpasya na lang akong lakarin ang paradahan ng mga taxi. Malapit na ring mag-alas nuwebe. No choice na ako. Kaysa masunog yung balat ko. Mahal pa naman ang kojic soap at rejuvenating set. Tumalikod na ako at nagsimulang humakbang. Itinaas ko ang kaliwang kamay sa mukha bilang pantabing sa araw samantalang bitbit ng kanang kamay ko ang paper bag na laman ang aking make-up, sapatos, at damit. Kapag freelance model ka ay dapat masanay ka nang ikaw ang nagdadala ng mga gamit and sometimes props during photo sessions. Wala namang kaso sa akin dahil suki ako ng mga ukay-ukay stores. Malapit na ako sa paradahan ng taxi nang mapansin kong may humintong sasakyan sa harapan ko kasabay ng pagbaba ng windshield. I squinted my eyes and looked at the owner of the car who is seated at the driver's seat who smiled at me. Automatic ang pagkarambola ng puso ko dahil sa ngiti nito. Jacques Huan. Nilagpasan ko lang ang sasakyan at nagpatuloy na sa paglalakad. Ano bang ginagawa niya rito? Narinig ko pa ang pagbukas ng pinto ng kaniyang sasakyan at ang mga yabag na papalapit. Binilisan ko pa ang paglalakad. Napahinto ako sa planong pagpara ng taxi nang maramdaman ang mga kamay na humaklit sa aking bewang. Mulagat na bumaling ako sa may-ari nang mapangahas na kamay at tinampal ito. Hindi naman tuminag ang lalaki bagkus ay inalalayan pa ako at inakay patungo sa direksiyon ng kinahihimpilan ng kaniyang sasakyan. "Ano ba!?" bulyaw ko sa kanya. "Bitiwan mo nga ako. Look, male-late na ako sa klase ko kaya kailangan ko nang makauwi ngayon din kaya bitawan mo na ako! Ano ba?!" Nagpumiglas ako pero mas malakas talaga ito. Hindi ako makawala sa pagkakahawak niya sa akin. "Help! He's k********g me! Ale! Mama! Kinikidnap ako ng lalaking ito!" sigaw ko sa mga tao sa bangketa na hindi naman tuminag. Base sa mga mukha nila, halatang di sila naniniwala. "Totoo po ang sinasabi ko! Kindnapper po ang lalaking ito! Tulong po!" Pinigilan ko ang mga kamay ni Jacques sa pagbukas ng pinto ng kotse pero mas mabilis ito. Sa isang iglap ay nabuksan na niya ito at itinutulak na niya ako papasok. "Pasensiya na po kayo. Away mag-asawa lang po. Sorry po," paghingi nito ng paumanhin sa ale na mukhang kinikilig pa nga. Siguro natutuwa pa ito kasi para siyang nanonood ng taping sa isang pelikula. Wala na akong nagawa kundi humalukipkip sa gilid. Nang maideposito niya ako sa passenger seat at maisara ang pinto ay lumigid siya sa driver'seat at parang walang anuman na minaniobra ang sasakyan pabalik sa highway. Napilitan tuloy akong mag-seatbelt. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari. Nakanganga lang ako sa kaniya the whole time. Pasipul-sipol naman siya habang pasulyap-sulyap sa akin. Ngali-ngaling batuhin ko siya ng takong ng sapatos sa kandungan ko. "Ano bang oras ang klase mo? Saan ka ba galing? Bat ganyan ang suot mo?" tanong niya sa akin. Nanlalaki ang mga matang marahas akong nagbaling ng tingin sa kaniya. The nerve of this guy to even ask me questions when clearly I should be one who's spurting the interrogations. Mas tumalim ang mata ko kay Jacques. Huminga ako ng malalim at sa mahinahong tinig ay sumagot. "10 am for the first question. For the last two, none of your business." He just sighed and focused his gaze on the road. I studied his face. Hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin ang itsura niya noong una silang magkita. She's caught off guard that's why. Bumaba ang kaniyang paningin mula sa walang kapingas-pingas nitong mukha patungo sa suot nito. Hmm, nice taste. Nag-improve na ang fashion choices nito di gaya dati. Armani suit. And the shoes. Testoni. The watch. Rolex. Gumala ang aking paningin sa loob ng kotse. Surely, hindi ako eksperto pagdating sa mga sasakyan pero masasabi kong mamahalin talaga. Must have cost a fortune. Sa naisip ay napabalik uli ang kaniyang atensiyon sa mukha nito. Wala na ang pilyong ngiti. Nakapaskil na ang seryosong ekspresyon. Gone is the boy she used to adore. Gone is the trace of the man who vowed to be there for her. So leaving her does something good to him, huh. She continued studying his face. May maliliit nang balbas ang tumutubo sa lower chin nito. Dati-rati, paborito niyang hinahaplos ang bahaging iyon. The rough surface just tingles her hands and she loved it. Loved. Past tense. Clean cut ang itim na buhok, malago pa rin ang kilay na kinaiinggitan ko dati kasi mas makapal ang sa kaniya. And his eyes. Those narrow eyes typical of people of Chinese descent are what she missed the most because they used to look at her with so much love and care. Used. Past tense again. Like their love. Past. Forgotten. Trash. Patuloy pa rin ang seryosong pagmamaneho ni Jacques as if giving her an ample time to memorize his face. Her eyes narrowed down to his body. The suit does nothing to conceal his muscles. Nakabukas ang dalawang butones ng suot nitong black long sleeve kayat kitang-kita niya ang pawis na tumutulo pababa sa dibdib nito. Tsk. Kulang-kulang ilang minuto lang ang itinagal nito sa ilalim ng araw pero grabe na ang kaniyang pawis. She averted her eyes when her gaze shifted to his arms. Nakatupi ang sleeves ng kaniyang polo and she knows na naghuhumiyaw ang katotohanang sa likod ng polo nito ay ang katawang alaga sa ehersisyo. Patunay ang bakat sa mga braso. Sa gym perhaps. But he despised going to one back then. Then maybe not now anymore. I darted my face onwards when he looked at me. "How are you Cai?" he asked. Four words. Four words and then it all came rushing back. The first meeting, the courting, the love, the promise, the betrayal and then the leaving. I smirked. Sinalubong ko ang kaniyang tingin. "What do you think?" Why answer the question when you can throw the question back? "I think that you've grown up to into a fine woman. Fine woman because I can attest how you're so rowdy back then." A smile formed on the side of his lips. Hindi ako nakakibo. How dare him. How dare him say the very things I so wanted to forget. Kumuyom ang aking mga kamao. Nag-init ang aking mukha. "How's US? Mukhang nahiyang ka ata? Mayroon sigurong kakaiba sa hangin doon at biglang nagiging makalimutin ang mga tao doon ano? Ilan na nga ba?" Kunwari ay nag-isip ako. "Limang taon din 'no?" Hindi kumibo si Jacques pero ramdam ko ang tension na bumalot sa amin. Ganiyan nga. Wag kang magsalita. The more words you say, the more hatred I feel for you. I hate your voice! I hate your face! I hate these memories of our past that are coming back! O, I hate you for coming back! Sana nagpakabulok ka na lang sa America. Ngali-ngali ko nang sabihin pero nagpigil ako. He's not worth my outburst. Heck, he's not worth it! Katahimikan uli ang naghari pagkalipas ng ilang sandali. I didn't look at his side anymore. Nagsumiksik ako sa upuan ko habang nasa labas ng bintana ang tingin. I hate being inside this claustrophobic car with someone I hate. Hindi na ako nagulat ng mapansin kong alam niya ang direksiyon patungo sa aming bahay. Of course. He's not just Jacques Huan for nothing. Bago pa man niya mailiko ang sasakyan patungo sa bungad ng subdivision ay pinigilan ko na siya. "Stop the car. Dito na lang ako." Tinanggal ko na ang seatbelt. He pulled over to the curb and stopped the engine. "Hindi mo man lang ba ako iimbitahan?" tanong niya sa akin. "No." Bubuksan ko na sana ang pinto ng sasakyan nang hawakan niya ang aking kamay. "I'll see you at the company. After all doon ka naman talaga dapat di ba?" ani nito. Nakatingin siya ng matiim sa akin. Binawi ko ang aking kamay. "Of course." Napatango-tango na lang ito. "Can I invite you to dinner, Cai? Can we at least catch up at least? I missed you." Doon na humulagpos ang kanina ko pa pinipigil na temper. Tiningnan ko siya ng blanko sa mga mata bago nagsalita. "Look Mr. Huan. It doesn't mean na magi-intern ako sa company niyo e babalik na sa dati ang lahat. Kahit pa sabihin mong dinner lang yan or what so ever, still hindi mo maiaalis sa akin na maging wary and defensive. So please, save your invitation for someone who will gladly humor you. I have one in my mind. I'm sure you know who I'm referring to. And one last thing, stop calling me Cai. She's gone, ok? Alam kong one of these days magkikita at magkikita tayo because it is my plan all along to spend my internship in Royal Residences. I just never expected na mapapaaga pala. But please, have some decency para umiwas, gets mo?" Binuksan ko ang pinto at bumaba. "And one more thing. Kapag nagkita tayo sa hotel, iwasan mo ako. Don't act as if you know me. You ceased to be my friend since five years ago. Don't treat me as the Myca you knew before. I'll do the same. Hindi kita titingnan. Hindi kita kakausapin kahit kailan. Let's be strangers forever, okay?" Pagkatapos sabihin ang mga iyon ay dali-dali na akong naglakad palayo. Bumagsak ang mga luha ko at naramdaman ko ang pamilyar na kirot sa dibdib. Shit. Masakit pa rin pala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD