Third Person POV Biglang nabitawan ni Bryce ang hawak na baso na may lamang tubig at nabasag ito. Kasabay ng pag-usbong ng pag-alala sa dibdib niya. Mabilis ang kabog ng puso niya. Eden ... Mabilis niyang kinuha ang cellphone niya sa bulsa at dinial ang number ng asawa niya pero unattended ito. Kumunot ang nuo niya. Galit ba ito dahil pinatayan niya ito ng tawag nang tumawag ito kanina? He sighed and sat on his swivel chair. Pinaglaruan niya ang kaniyang sign pen. Hindi siya mapakali. Nag-aalala siya pero hindi naman niya alam kung bakit. When someone knocked on his office door. "Come in." The door opened and his secretary enter. "Sir, andito po si Mr.Degamo." sabi nito. Mr. Degamo is his private investigator. "Sige, papasukin mo." "Yes, sir." Lumabas ito at pumasok si Mr. Dega

