Eden POV Painosenteng ngumiti si Alex at Dylan kay Tyron. Napailing naman ako at iniwan silang tatlo sa living room at pumunta ako sa masters bedroom. Bahala silang mag-usap na tatlo. Gusto kong matulog. Inaantok ako. Nagpalit muna ako ng nighties bago ako umupo sa kama. Nang mapadako ang tingin ko sa picture ng kapatid ni Tyron na nakalagay sa bedside table. Kinuha ko ito at humiga ako sa kama. Tinitigan ko ang larawan. Ang cute lang ng kapatid ni Tyron. Noong una itong pinakita sa akin ni Tyron ang picture ng kapatid niya ay pamilyar na siya sa akin. Parang nakita ko na dati pero hindi ko matandaan kung saan ko ito nakita. Bumuntong-hininga ako at inilapag ang picture sa bedside table. Tumagilid ako ng higa at tumitig sa pader. Nang mag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tini

