"What's so funny?" Tinig mula sa likuran nila doon nabungaran ang mukha ng kakambal niyang si Kikay. Kasunod nito si Althea, si Joe at Zeus. "Zeus!" bulalas ni Xian ng makita ang kaibigan galing Amerika. Niyakap nito ang kakambal ni Panyang. "Wow! Look who's here. Bestfriend with the tripplets." Natutuwang dagdag pa ni Xian habang narealize ang mga pangyayari. "Anong ginagawa niyo dito?" Hindi mapigilang tanong ni Panyang sa mga ito. Ngumiti si Althea at lumapit sa kanya. Hinalikan siya nito sabay bulong. "Wala lang, manggugulo. Muntik na nga kaming mahuli," pilyang sagot sa kanya nito tukoy ang tagpong nadatnan ng mga ito. Saka napahagikgik. Mapanudyo ang mga ngiting binibigay nina Joe at Zeus kay Xian. "Dude, baka mamaya niyan ay unahan muna talaga ako," hinaing ng kaibihang si