Kabanata 32.. "Mga hayop, kayo!! Hayop!! Wala kayong kasing sama!" sambit ‘kong pasigaw kay Jeo at Moreen habang yakap ko ang aking kaibigan na nakahandusay na wala ng buhay at puno ng dugo ang katawan. "Patayin muna rin ako, Moreen! Hayop kayo! Isunod muna rin ako!" Akma ngang kakalabitin ni Moreen ang gantilyo ng baril ngunit mabilis namang hinablot ni Jeo ang hawak nito, at asar na nagsalita sa pinsan. "Nag-usap tayo na sa akin si Izabel, kaya huwag mo siyang pakikielamanan, Moreen!" galit na saad ni Jeo sa pinsan. "Nakakarindi na kase! Sarap supalpalan ng bala sa bunganga ng babaeng 'yan! Isa pa, ha! Pag ako napuno mo dudurugin ko ng bala 'yung nguso mo!" asik nito at pinagduduro si Izabel ng hintuturo nito. Hindi naman naka ligtas kay Izabel ang usapan ng dalawa dahil nasa har

