Kabanata 31.. "Kamusta ka, Jeo? Mukhang busy ka palage, ah?" wikang tanong ni Andrew sa binata habang lulan sila ng sasakyan nito, hindi alintana ng bakla ang pagod sa kalagitnaan ng hating gabi, at wala itong ka alam- alam sa masamang balak ng binata dahil malaya itong sumama dito dahil sa tagal din na nitong kilala ito. Sa tanong ni Andrew walang namutawing sagot si Jeo, bagkus isang ngiting tila nakakabuhay ng pakiramdan lamang ang ipinukol ng binata sa tanong ng bakla. Halatadong kinilig naman si Andrew sa ginawa nito. Tila parang isang babaeng ipinikit pikit pa ang mga mata sa kakiligan. Hindi naman ikakailang hindi nito gusto si Jeo dahil nuon pa man crush na ng bakla ito. At sa mga oras na 'yon walang kapansin pansin si Andrew sa daang tinatahak. Maya-maya'y napunta nasa dilim, p

