Umalis kami ni Ares sa bahay ng kanyang ama na malalim ang iniisip ko. Hinahayaan naman ako ni Ares habang nagmamaneho siya. Hanggang sa tumunog ang phone ko sa kamay ko. Kumalabog ang puso ko sa aking dibdib nang mabasa ang pangalang ni Sera. Nawala na sa isip ko ang binilin niya sa akin. “Who’s calling?” Ares asked. “Uhm… si Sera,” nag-aalangan kong sagot. “Give me the phone,” aniya. Nanlaki ang mga mata sa kanya. “Hindi ko pa nasasabi sa kanya na tayo na… baka magalit siya sa akin…” nangangamba kong wika. Hindi ako sinagot ni Ares. Sumeryoso ang ekpresyon ng kanyang mukha at tila hindi natuwa sa sinabi ko. “She’s not worth it,” aniya. “She is one of my best friends. Huwag muna natin sabihin ngayon sa kanya ang tungkol sa relasyon natin.. hindi pa ako handa..” “I don’t care ab