Natulala na lamang ako habang pinapanood si Ingrid na palabas ng café. Wala na akong pakialam kung tinitingnan ako ung dalawang babae na customer rin ng café dahil sa pag-iyak ko. Ito na ang kinatatakutan ko. Alam kong magagalit si Ingrid sa akin dahil sa pagbunyag ko tungkol sa amin ni Ares. Paano pa kaya nito si Sera kung malaman niya. Sigurado akong sasabihin iyon ni Ingrid sa kanilang dalawa ni Kiel. Habang pinupunasan ko ang aking mga luha ay narinig ko ang bell na nakasabit sa glass door ng café. Nangangahulugang may bagong customer. Nakayuko ako habang nagpupunas ng luha gamit iyong tissue na kinuha ko na nakadisplay sa mesa. Ngunit nagtaka ako nang makita ko ang shadow ng bagong customer sa mesa. Iniangat ko ang aking mukha at may halong gulat nang mapagsino iyong tao na yon.