Ares Montenegro Matapos kong ihatid si Celeste sa kanila ay pinaharurot ko ang aking kotse papunta sa headquarters habang nagpupuyos ako sa galit. Nagpunta ako sa usual floor kung saan naka-standby palagi si Pierre. Sa pagpasok ko sa room na iyon ay nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng bamboo stick at saka niya ito tinabas gamit ang samurai. It was too quick na halos ang pagbiyak na lamang ng pa-diagonal nito ang nakita ko. The bamboo fell on the floor, then he turned to face me. He’s wearing a traditional japanese clothes. Dahan-dahan niyang ipinasok sa lalagyan ng samurai sword na nakasabit sa gilid ng kanyang bewang. Pierre does this everyday simula noong bagong salta siya rito dahil may dugo siyang japanese. He got it from his father. “Did you follow me here para bangasan ako?”