Kinabukasan, pagkatapos kong ihatid si Celeste sa office niya ay dumiretso akong muli sa headquarters para sumipot sa sinabi kahapon ni Ceasar. Dumiretso ako sa kanyang office at sa pagpasok ko ay nakatalikod ang kanyang swivel chair at nakatingin siya sa labas. The wall is made up of glass kaya tanaw ang nagtataasang mga building. “May sasabihin ako,” panimula ko. Ceasar turned his swivel chair to face me. Ibinaba niya ang kanyang tabako sa ash tray na nakapatong sa kanyang mesa. “Lumapit ka,” wika niya. Ginawa ko ang kanyang sinabi. “Bago mo sabihin ang iyo, pakinggan mo muna ang sasabihin ko.” I didn’t say a word ang let him speak. Nakatayo ako paharap sa kanya at seryoso ko siyang tinitingnan. Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay at saka ipinatong ang kanyang mga siko sa mesa. He