Celeste Alejandro Was I dreaming? Parang narinig ko si Ares na nagsalita. Hindi niya raw ako kayang patayin? Nagising na lang kasi ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto ng office. Ilang minuto pa ay bumalik siyang muli sa office hawak ang kanyang phone. Tila kakatapos lang nitong makipag-usap. “You’re awake,” aniya nang makita akong nakaupo na ng maayos. “Yep,” sambit ko. Nag-ring ang phone ko na nakapatong sa mesa. I took it and read the name of the person who was calling. Nag-alangan akong sagutin nang mabasa ko ang pangalan ni Kiel. “Aren’t you going to answer it?” Ares asked. I gave him a glance. At kahit nag-aalangan akong sagutin ay ginawa ko pa rin. I’m sure alam na ni Kiel ang tungkol sa amin ni Ares. Knowing Ingrid, she will not shut her mouth about it. “Yes, Kiel?” “