Ayaw kumalma ng nerbyos ko habang hinihintay namin ni mommy si daddy dito sa living room. “Mommy, huwag na po kaya nating sabihin kay daddy?” nangangambang wika ko. Mom gave me an apologetic smile. “I’m sorry, anak. Kailangan nating sabihin sa daddy mo ito. Your debt is very serious.” Bumuntong-hininga na lamang ako at saktong bumukas ang pinto ng bahay at pumasok si daddy. Dumoble ang kaba ko nang makita ko siya na papalapit sa amin na may ngiti sa kanyang labi. Una niyang nilapitan si mommy at hinalikan sa labi. This is what I like about my parents. They are still romantic with each other kahit ilang taon na silang magkasama. Well, I have Ares now. My protective and loving Ares. “What’s up, baby girl?” ani dad sa akin. Tumayo ako nang papalapit siya sa akin at saka ko siya hinalikan