CHAPTER 37.1 Tumango na lang ako at humalaklak s’ya sabay hinila na para magsimula na’ng mag-lakad. “Bago ang lahat, ako nga pala si Melendice Reeva. Taga silbi dito sa mans’yon at ang babaeng nag-ma-mahal kay Mister Huston,” sabi n’ya pa habang tinahahak na namin ang daan palabas. “Pero, ilang buwan na akong nag-pa-pa-pansin pero ang hirap n’ya talagang akitin,” maktol n’ya. Natanaw ko naman ang kotse sa labas ng gate kaya nag-madali kaming makalabas pero dada lang s’ya ng dada. Hanggang sa pinasok na namin ang back seat kaya nag-umpisa na kaming bumiyahe. “Mister Huston? Ilang oras pala ang biyahe sa plantation n’yo?” tanong ko. “One and half hour I guess? Sa loob kasi ‘yun ng bundok, pero pinasemento ko na ang daan do’n kaya hindi na tayo mag-la-lakad,” seryosong sagot n’ya. “D