CHAPTER 37 Cathalina Evone Gunner’s POV INAYOS ko na ang tayo ko sabay tumalikod. “Mister Huston, sasama ako sa ‘yo. Umalis na tayo ngayon,” madiing saad ako. Tinungo ko muna ang sofa para kunin ang facemask at eyeglasses sabay sinuot. Kasunod no’n ay hinakbang ko na ang mga paa paalis dito sa silid. Dire-diretso lang ang lakad ko hanggang sa makababa na gamit ng elevator. Pinagbuksan naman ako ng transparent glass-door ng mga guard na’ng makita nila ako. Habang pababa na ng hagdan, nan’dun pa rin ang mga camera man at reporters na inaabangan lang ang paglabas ni Freed. Parang tinititigan nila ako na’ng tuluyan na’ng makababa kaya umakto akong nauubo para may silbi naman ‘tong pag-suot ko ng facemask. Pasimple kong tinahak ang daan patungong kotse at kaagad na pumasok sa tabi ng d