CHAPTER 39 Cathalina Evone Gunner’s POV TULUYAN na naming nilisan ang lugar na ‘yon at malapit na kami sa kinaroroonan ng bahay. Natanaw ko naman si Lolo Ernesto na nag-di-dilig ng mga bulaklak sa gilid ng kahabaan ng simentadong pader. “Miss Cathalina, hintayin mo ako at may kukunin lang ako sa bag ko,” pag-pa-paalam ni Mister Huston at tumango naman ako kaya mas binilisan n’ya ang pag-hakbang patungong hagdan papasok ng bahay. Pinagpatuloy ko lang ng pag-la-lakad ko habang pinagmamasdan lang si Lolo Ernesto na may kapit-kapit na rigadera. “Ah, excuse me po?” saad ko at nakuha ko naman kaagad ang atens’yon n’ya. Huminto s’ya sa pag-di-dilig at sinalubong ako ng ngiti. “Ikaw pala, Hija. May problema ba? Parang galit ka yata kay Kennie?” sunod-sunod n’yang tanong sabay huminto sa h