CHAPTER 40 Cathalina Evone Gunner’s POV “At sino ka namang pumasok sa sarili kong pamamahay?!” bulyaw n’ya sa ‘kin at mabilis na humakbang papunta rito sa kinaroroonan ko. “Ang lakas ng loob mong sigawan ang babaeng ‘yan sa sarili naming lupa?” madiing saad ni Mister Huston at napag-tanto ko na lang na pumasok s’ya sa loob para salubungin ang tarantado. “B-Boss Ryker! I-Ikaw pala? Kanina ka pa ba riyan?” Napa-hinto kaagad s’ya sa pag-la-lakad sabay yumuko na’ng bumungad si Mister Huston sa mukha n’ya. “K-Kailan ka bumalik?” Pumasok naman ako sa loob. “What do you think you’re doing? Maybe this is a perfect time to call a police, violence against women and children or child abuse. Marami akong nalalaman na sinasaktan mo ang pamilya mo, Mister Baldo.” Huminto ako sa likod ni Mister