CHAPTER 41 Cathalina Evone Gunner’s POV UNTI-UNTI naman akong napa-tayo sa sinabi n’ya. “Ano? Ako? Pinapauwi? Sino s’ya para utusan ako ng gan’yan?” sunod-sunod na tanong ko at nakita kong nag-kibit balikat lang si Mister Huston. Hindi ko talaga maintindihan ang lalakeng ‘yun, akala ko ba break na kami? “Kakatawag lang n’ya?” tanong ko pa. “Few seconds ago,” mabilis na sagot ni Mister Huston. “Bago ka umuwi Cath, kumain muna kayo ni Boss Ryker,” aya ni Kennie na tumayo na rin sa pag-ka-ka-upo. “Kakain talaga ako pero, hindi ako uuwi,” sagot ko pero hininaan ko ‘yong nasa dulo. “Let’s get inside kung tapos na kayong mag-usap,” saad pa ni Mister Huston kaya tumango na lang ako at nag-lakad papunta sa kinaroroonan n’ya. MAKALIPAS ANG DALAWANGPUNG MINUTO.... “Salamat sa pag-kain!” ma