Ako: I’ll text you tomorrow pagdating ko sa hotel Russ. Nakangiti ako habang tinitext si Russel. Namiss ko talaga siya. Nang makita ko siya ulit sa kasal ni Susan, para akong nakauwi sa tirahan ko. Wala na iyong paghahangad at pagpapantansya ko sa kanya. We remained friends. And I’m so happy that he stayed the same way. Tumungo ako sa kusina nang makaamoy ng mabangong pagkain. I think my baby is a little grumpy. I entirely erased his father's images and walked into the kitchen. Doon ay naabutan ko nga si Luisa na nasa harap ng kalan. Napakagat ako sa labi ko at inilagay ang mga kamay ko sa aking likod. Ang bango ng niluluto niya, I almost wanted to dip my finger and taste what She’s cooking! Patay gutom lang ang awra ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Napansin ko rin ang hilera