MAHIGPIT ang hawak ko sa ballpen habang tahimik lang na pinapakinggan ang pag-uusap sina Attorney Gozon at Dale. Nanginginig ang aking labi. I couldn’t even say a word because I was terrified that it might threw back at me. Pinapaliwanag na lang ni Attorney Gozon ang susunod na mangyayari pagkatapos magkapirmahan. Ngunit base sa certificate na ‘to, we legally married! Walang anumang seremonya o kahit civil man lang. Basta nagkapirmahan lang ng papel, ngayon ay mag-asawa na kami. Hindi niya man lang ako hinayaan na umapela. He gripped me too tight. Nag-angat lang ako ng tingin nang tumayo na sina Dale. Kinuha na rin ni Attorney Gozon ang kanyang attaché case, tumayo na rin ako bilang paggalang sa kanya. “O pa’no aalis na ako. Marami pa akong naiwang trabaho sa opisina.” Sumunod ako kay