TINITIGAN niya ako nang matalim. Ang pagdidilim ng kanyang mukha ay tila nag-aapoy at sinisilaban ang aking pagkatao. Hindi ko kinaya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na akong napalunok dahil sa kaba. Para akong bata na nahulihan na gumawa ng masama at natugis. Tumikhim ako at humakbang papunta sa kusina. I tried to act normal as I could. Para man lang mabawasan ang bilis ng takbo ng puso ko. “Sana pinaabot mo n-na lang. Kaysa naman na sinadya mo pa ako dito!” Malakas na boses kong sabi. Inilapag ko sa ibabaw ng lamesa ang mga plastic bag na bitbit at tumungo sa tauban ng baso para ipagtimpla siya ng juice. Ngunit damang-dama ko ang panlalamig at panginginig ng aking mga kamay. Gaano na kalayo ang alam niya? Dapat pala sinabihan ko si Sir Wil