NAGISING ako at nabungaran ng ilang mahihinang boses sa paligid. Nang tuluyan kong idilat ang mga ko'y puting kisame ang bumati sa’kin. Nagtaka ako sa hindi pamilyar na amoy at lugar na bumungad. Nang mabawi ang malinaw na paningin ay dahan-dahan kong nilingon ang pinanggagalingan ng mga boses. Nasalubong ko kaagad ang nag-aalalang mukha ni Sir William. Iniwan niya ang kausap at pumunta sa’king gilid. “How are you feeling?” Mahinahon niyang tanong sa’kin. Kumunot ang noo ko. The last time I checked, ay nasa kusina ako, pagkatapos no’n ay nagdilim ang aking paningin at nawalan na ako ng memorya sa sumunod na nangyari. Nagpanic ako at napabalikwas ng bangon. Pero umikot muli ang aking paligid dahil sa biglaang kilos at napahawak sa’king ulo. “H’wag ka kaagad kumilos.” Sabi niya na til