KAGAT-KAGAT ko ang aking labi habang nagsusuklay sa harap ng salamin. Ewan ko, pero no’ng makalawa pa akong ganito e. Para akong lumulutang sa saya at sa tuwing sumasagi sa isip ko si Dale.. Para akong bata at kinikilig pa. Nag-iinit ang mga pisngi ko sa sobrang kilig! Hawak-hawak ko ang dibdib ko ng makalabas sa opisina niya. I even licked my lips! Dammit! At ang dibdib ko ay dumadagundong sa bilis ng pagtibok ng puso ko! From the way he kissed me, I saw a thin line of hope that He’s still in love with me. Na ang pagtapos niya ng tuluyan sa relasyon namin ay parte lamang ng kanyang galit. Napangiti ako. Nakakaloka na nakakabaliw! Being in love was a whirlwind situation. Oh, and I miss him already. If He’s going to give me a chance, I will not going to waste it. I love him so much.