BUMAGSAK ang isang patak mula sa salamin. Pinanood ko lamang ito hanggang maging sunod-sunod ang pagpatak at tuluyan ng umulan. Palagi na lang umuulan. Hindi ba napapagod ang ulap sa kakaiyak? Kasi ako.. Napapagod na. Niyakap ko ang sarili nang balutin ako ng sobrang lamig. Pero hindi pa rin ako tumitinag sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan mapapawi ang sobrang kalungkutan ko. Mahapdi na rin ang mga mata ko. Kailan ba ‘to matatapos? Nang maisip na wala akong magagawa sa pagtitig lang sa labas ay bumalik ulit ako sa aking kama at humiga ulit. Pinabayaan kong nakabukas ang TV kahit na hindi ko ‘yon pinagtutuunan ng pansin. Its been two days since I became a zombie. Wala akong pinagsabihan kahit kay Aaliyah o sa mama ko. Para saan pa? This is all my fault. Maybe the deci