LUMABAS ako ng silid matapos tawagin ni Dale si Sir William. Silang dalawa lang ang naiwan sa loob matapos magsilabasan ang mga member ng board. Pabalik sa ibaba ay tulala pa rin ako matapos makitang muli si Dale. Napahawak ako sa aking dibdib nang maiwan ako sa loob ng lift mag-isa. Pumikit ako at inalala ang mga nangyari sa'min kanina. Hindi ko inaasahan na siya ang tinutukoy nilang Presidente. I've been hearing bad things about him. Kahit na naririnig ko lang sa chismisan ay hindi naman maganda ang sinasabi sa kanya. Now that I’m thinking about all of these, hindi pumapasok sa utak ko iyong mga ginawa niya. Imposible ‘yon! Napakabait na tao ni Dale at mapagkumbaba. Paano niya magagawa ang magsisante ng empleyado ng gaanon na lamang? Hanggang sa makabalik ako sa’king station ay t