PAGKATAPOS naming mag-usap ni Sir Sullivan ay sinamahan niya ako papunta sa baking station sa ibaba. Kinukwento niya sa’kin ang iba’t-ibang galawan sa hotel at pati na rin ang gaganaping convention. Ang sabi niya ay mas gusto ng management na Filipino desserts ang ihanda dahil pilipinas naman ang magho-host ng nasabing convention. Dumaan kami sa kanilang restaurant. Ang ambiance sa loob ay napakarelaxing at ang tugtog ng classical na musika ay nakakadagdag sa pagiging coziness nito. “Goodmorning, Sir William!” Bati sa kanya ng waiter. Ngumiti naman siya pabalik. Nang tiningnan ako ng waiter ay bahagya ko siyang nginitian. “Goodmorning, Ma’am.” Bati niya sa’kin. Medyo nahiya pa ako dahil sa tawag niya sa’kin. “Goodmorning..” Sabi ko. May ilan pang bumati sa kasama ko. Kaya nang puma