NAGKULONG ako sa aking kwarto. Palagi akong umiiyak tuwing naaalala ang nangyari kahapon. Kung hindi pa ako dalhan ng pagkain ni mama ay hindi pa ako makakakain. Nakalimutan ko na halos ang normal na buhay buhat ng mahalin ko si Dale. At mas lumala nang nakipaghiwalay ako sa kanya. Bawat minutong lumilipas ay siya pa rin ang laman ng isip ko. Ninais kong tumakbo bumalik sa kanya pero kalaunan ay umuurong din ako. Napakumplido ng sitwasyon. Kung ako lang sana ang nasaktan ay madali kong matatanggap ang lahat. Mahihina na katok ang aking narinig at saka bumukas ang pinto. “Anak..” Mahinahong tawag ni mama. Pinunasan ko ang luha ko at bumangon. Bahagyang sumakit ang ulo ko. Umupo si mama sa gilid ng kama at tiningnan ako. “Nasa labas si Dale..gusto kang makausap.” Sumibol ang mabilis