Kabanata LIX Part 2 Paunawa: Ang kwentong ito ay nagtatampok ng mga maseselang eksena at tagpo na hindi angkop sa mga mambabasang may edad 18- pababa at sa mga mambabasang hindi sanay sa erotica. Huwag nang ituloy ang pagbabasa kung hindi rin lang ninyo gusto ang konteksto. ACE AIDEN INIWAN NIYA AKO. Wala man lang akong magawa dahil sa totoo lang ay hindi ko alam ang gagawin ko. Alam kong marami akong hindi maalala. Hindi ko masisisi ang sarili ko nang dahil dito. Marami akong pagkukulang sa aming dalawa. Ngunit hindi ko magawang maalala ang mga bagay na dapat ay naaalala ko kaya't ito ang isa sa mga rason kung bakit hindi ko magawang maging maayos. Galit ako sa mundo, gusto ko siyang magalit sa akin dahil wala akong silbi, kaya't mas mabuting halos araw-araw ko siyang bigyan ng raso